PAINTBRUSH 0

52 10 78
                                    

STORY BEHIND ART.

Yakap yakap ni Art ang drum sticks na binigay ng kanyang ina na pumanaw nang dumating ang kanyang ama

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Yakap yakap ni Art ang drum sticks na binigay ng kanyang ina na pumanaw nang dumating ang kanyang ama. Lumaki si Art kasama ang kanyang amang pintor. Pumanaw ang kanyang ina na musikera nung pitong taong gulang si Art. Itinago nito ang drum sticks sa likuran niya. "Papa." Tumungo ito bilang respeto. Hindi naman ito pinansin ng kanyang ama. Bagkus, ibinaba ng kanyang ama ang isang backpack sa harapan niya. Takang tinitigan ni Art ang kanyang ama.

"Mag-aaral ka na sa Oakleaf." Tipid na saad nito. Nanatiling nakatitig si Art sa ama nito. "Papasok na po ako sa school?" Natutuwang tanong nito. Ngayon lang siya nakarinig ng magandang balita galing sa ama niya.

"Sa isang kundisyon. Mapapabilang ka sa mga Creatives. Huwag na huwag kang babagsak sa mga Enthusiasts."

"Ano po yun?" Inosenteng tanong nito. Wala siyang kaalam alam sa mga ganitong bagay dahil simula noon, sa bahay lang siya pinag-aaral ng kanyang magulang.

"Huwag ka nang magtanong. Kapag nag-enroll ka, yun ang sasabihin mong clique maliwanag?" Tumango na lamang si Art at mahigpit na hinawakan ang drum sticks.

Sa kasamaang palad, nakita ito ng kanyang ama kaya agad na hinablot ng kanyang ama ang drum sticks at pinutol. Para namang pinagbagsakan ng langit at lupa si Art dahil sa nasaksihan. Iyon na lamang ang tanging alaala niya sa kanyang ina.

"Diba't sinabi ko na sayong ayoko nang makita kong hawak mo ito? Bakit drum sticks nanaman?! Sabi ko itong paintbrush ang hahawakan mo!" Binigay ng kanyang ama ang paintbrush. Napatitig na lamang sa kawalan si Art habang iniwan na siya ng kanyang ama doon.

Dahil sa pangyayaring iyon, napabilang si Art sa clique na The Creatives at sa section na Carballo sa paaralan ng Oakleaf Academy. Marami siyang nakilala doon at napabilang sa samahan katulad ng Elegancio at ang bandang aLWAYs.

 Marami siyang nakilala doon at napabilang sa samahan katulad ng Elegancio at ang bandang aLWAYs

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

fin.

PAINTBRUSHES.Where stories live. Discover now