Chapter 4.6

3.3K 60 1
                                    

ISINANDAL ni Stacey ang likod sa swivel chair ng opisina niya. Nakabalik na siya dito sa New York ilang araw na ang nakalipas. Tumawag kasi sa kanya si Christopher na pupunta daw ito ng London dahil may kailangan itong asikasuhin sa kumpanya nito doon at matatagalan pa ang balik nito. Ayaw niya na namang manatili pa sa Pilipinas dahil wala na naman siyang gagawin at baka naroroon pa rin ang mayabang na de Angelo na iyon.
Tiningnan niya ang mga ginagawang sketches sa mesa. Nitong mga nakaraang araw ay gulong-gulo na ang isipan niya kaya hindi niya na nagagawa ng ayos ang mga designs niya. Palagi niyang naiisip si Christopher, pakiramdam niya kasi ay parang lumalayo ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit, wala naman siyang basehan para makaramdam ng ganoon. Idagdag pa ang pambu-buwisit sa kanya ni Michael. Naiinis niyang nilamukos ang mga sketches na nasa mesa at itinapon sa katabing basurahan.
Napatingin siya sa may pinto nang makarinig ng katok.
“Come in,” wika niya. Nagulat pa siya nang makitang pumasok doon si Alliyah de Angelo. “Alliyah,” tumayo siya at binati ito.
Ngumiti ito sa kanya. “Oh, Stacey, it’s so nice to see you again,” ganting-bati nito. “You look even more beautiful.”
“You too,” sagot niya. “How’s the bride to be?”
Ngumiti ito, kumikislap pa ang asul nitong mga mata. Mukhang in-love na in-love talaga ito sa mapapangasawa nitong si David Birmingham, ha? Isa rin itong sikat na British actor at director.
“I’m doing great,” sagot nito. Ipinakita nito sa kanya ang portfolio na hawak. “I came here for this. Your designs,” dagdag nito.
Tumango siya. “How was it?”
“You are really the crème de la crème of the fashion industry, Stacey. I love all of it,” masayang komento nito. “I really had a hard time choosing because they were all very amazing. So, I let David choose what he likes the most. It’s the third one.”
Napangiti siya at kinuha dito ang portfolio. “I see, so when is the wedding?” tanong niya.
“This spring,” tugon nito.
Napatango siya. Two months to go.
“Can you make it at that time?” tanong nito.
Ngumiti siya. “Of course,” paniniguro niya dito.
“Oh, thank you so much, Stacey,” pagpapasalamat nito. “Please do come to our wedding, okay?”
Tumingin siya dito. “Why not?”
Ngumiti ito at nagpaalam na sa kanya, pero bago ito lumabas ay muli itong lumingon. “Oh, by the way, can you come to the after-party of David’s latest movie this Saturday night in our hotel in Los Angeles? I really want you to be there, David also wants to see and thank you.”
Napaisip siya. Wala naman siyang gagawin sa Sabado kaya pumayag na rin siya. Mukha namang natuwa ito sa pagpayag niya kaya masigla pa itong umalis.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de AngeloWhere stories live. Discover now