9th Encounter

6.1K 146 13
                                    

9th Encounter


Loki's POV:



Hindi na ako nakatakas nung ma-spot-an ako ng mga gang member ko. Inaabangan nila ako sa gate ng school. Eto pa, nakasuot na sila ng uniform ng Eastville!


"—Boss! Namimiss ka na namin! Kita mo ba, nagtransfer na rin kami dito!"
anang isa sa mga bata ko.


"Mukhang madaming chicks dito ah? Marami rami na ba ang naidate mo boss?"
sabi ng isa pa.


Nasapo ko ang sentido ko. Ang aga aga kinukulit ako ng mga hunghang na to!


Dumaan na tuloy yung kanina ko pa inaabangan. Pero dahil pinalibutan nila ako, hindi niya ako napansin.


"Boss! BOSS SAAN KA PUPUNTA?!"


Nilingon ko ang mga pasaway kong member at tinitigan sila ng masama.


"Ah.. S-sige po boss.. Pupunta na kami sa mga klase namin!"


Nung umalis na sila, hinabol ko si Serenity na papasok na sa main building.


"Magandang umaga." nakangiti niyang bati sakin. Ngumiti rin ako.


"—Nakita kita kanina sa may gate. Babatiin sana kita pero mukhang nagkakatuwaan kayo ng mga schoolmates natin. Akala ko masungit at suplado ka pero palakaibigan ka naman pala. Ilang araw ka pa lang dito sa school ay marami ka nang naging friends."


Hindi niya nakilala yung mga loko. Sila lang naman yung mga binitbit ko nung first day naming nagharap ni Fenrir dito sa Eastville.


Hay ang hirap talaga magkaroon ng dual personality.


"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Serenity kapagdaka. Lumiko kasi siya pagkaakyat namin ng 3rd floor. Ang room namin ay diretso lang sa dulo.


"Ah! Tuwing papasok ako, dumadaan muna ako sa room ng besy ko. Pag hindi ako nagpakita sa kanya bago magstart ang klase, lagot ako dun!"


"Sasamahan kita, okay lang ba?"
pagpapaalam ko.


Tumango siya bilang sagot.


Sa room ng section A kami nagtungo. Binuksan ni Serenity ang sliding door at—


Pak!


May dumapong binilot na dyaryo sa ulo ni Serenity. Hawak yun ng student council president nitong school. Tandang tanda ko ang hitsura niya eh.

LOKI: The Next BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon