17th Encounter

5.4K 131 16
                                    

17th Encounter


Freyr's POV:


Fuuuuu~


Hindi ko yata kaya to!


Hinila ako ni Skirnir nung umatras ako. "Panginoon, nandito na tayo. Malayo layo na ang nilakbay mo pagkatapos ngayon kapa maduduwag?"


"SINONG NADUDUWAG?!" sigaw ko sa kanya bago muling bumaling sa malaking pinto. Ang kailangan ko lang gawin ay kumatok di ba?!


Tok!


Hindi ko na magawang iangat ang kamay ko dahil nanginginig yun! Hwaaah!


"Panginoon, gusto mo bang ako ang kumatok para sayo?" nakangiting alok ni Skirnir.


Tumikhim ako tas inalis ang bara sa aking lalamunan. "KAYA KO TO!"


TOK!


AWAAH! Napalakas naman ang pagbagsak ng kamao kooo. Nagkalamat ang pintooo!


"SINO YAN?" sigaw mula sa loob.


Patay yari!


Hinaltak ko ang damit ni Skirnir. "IKAW NAMAN KASI EEEEH! BAKIT HINAYAAN MONG AKO PA ANG KUMATOOOK?!"


"—P-patawad po panginoon, sumunod lang naman ako sa utos mong wag kitang tutulungan kaya—"


BADOOM!


Lumipad na lang bigla ang pinto! Mabuti na lang at nakailag ako. Kaso si Skirnir— nahagip! Gumulong siya ng ilang yarda. Wehehe.


Lumingon akong muli sa pintuan. Nakatayo doon ang babaeng matagal ko nang itinago sa puso ko. Si binibining Gerd.


Tug. Dug. Tug. Dug.


Uwaaah, puso ko malalaglag na yataaa!


"Panginoong Freyr?"
napawi ang pagkainis sa mukha niya at napalitan ng pagkamangha.


Dagli siyang lumapit sakin, ginagap ang aking kamay at hinalikan ang likod ng aking palad. "Wala kang ipinagbago.. Samantalang ako—"


"G-Gerd.."
yay! Nakapagsalita ako! Wuhooo! Kailangang masabi ko sa kanya kung ano ang gusto ko—


Nilaglag ako ng nanginginig kong lalamunan. Fail.


"I-ikaw ba ang aesir na nagpadala sakin ng mga regalo?"


Tumango ako.


Lumuhod si Gerd sa aking harapan. "Patawad kung hindi ko tinanggap ang iyong mga handog. Ang akala ko kasi nagmula yun sa iba mong mga kapatid. Wala naman kasing nababanggit ang iyong sugo kung sinong aesir, isa pa mukha kasing hindi mapagkakatiwalaan ang sugo mo."


Nilingon ko si Skirnir. Nangimi siya sa takot.


"P-panginoong Freyr patawad po!"


SKIRNIRRRR! IKAAAAAAAW!


Bumaba mula sa langit ang isang densed na ulap. Nagsettle yun sa ibabaw ng ulo ni Skirnir at pinaulanan siya ng napakalakas na buhos ng ulan—


"WAAAH PANGINOON PATAWAD NAAAA!" nagtatakbo man si Skirnir, hindi pa rin niya matakasan ang ulap.


"Hahahahaha!" humarap akong muli sa humahalakhak na si Gerd. Maaaring malaki na ang ipinagbago ng kanyang pisikal na anyo, subalit yung halakhak niyang yun ay walang ipinagbago. Iyon pa rin ay kagaya ng narinig ko noong unang beses kaming magkatagpo—

LOKI: The Next BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon