1위 ❝The Distance From Me To You❞

6K 169 130
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHAPTER 1: The Distance from Me to You

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 1: The Distance from Me to You

Miggy Agoncillo's P.O.V.

"SENIOR Miggy, para sa iyo." Buong sinseridad kong tiningnan ang babaeng sumalubong sa amin ng dalawa kong kaibigan. Base sa sinabi niya at pati na rin sa itsura ng uniform niya ay nalaman kong mas bata siya sa akin ng isa o dalawang taon. Nalipat din naman agad ang tingin ko sa inabot niyang maliit na sobreng kulay pula.

Red. Sabi nila red symbOlizes love and romance. The color that shows affection of a person towards another. Simula nang pumasok ako sa school gate ay nakatanggap na ako ng anim na ganitong sobre.

"Salamat..." Needless to ask what the small envelope is for; I gently took it from her. Na rinig naman namin ang mahinang pagtawa niya at napansin ang pamumula ng pisngi bago siya nagpaalam.

"Hindi ba uso sa iyo ang tumanggi?" Na rinig kong tanong ni Hansel na nasa kanan ko habang umiiling-iling. Sumusunod sa bawat pag-iling niya ang may kahabaang maalon niyang buhok. Tinawanan ko lamang siya saka kami muling nagpatuloy sa paglalakad. Maya-maya pa, ang sobreng na nasa kamay ko ay biglang nag-landing sa kamay ni Dion na binabasa na ito gamit ang boses na pang-babae.

"Dear Senior Miggy, good luck sa unang araw ng klase. Sana makasalubong kita sa daan at kapag nagkabangga tayo masisigurado kong destiny nga tayong dalawa."

"Tell us, Miggy, ilang love letter na ang natanggap mo sa buong buhay mo?" tanong ni Dion.

Kibit-balikat ang tanging isinagot ko sa kanila bago natatawang kuhanin ang letter at inilagay ito sa bag ko. Natatakpan na ng pulang papel at mga chocolate ang mga dala kong gamit. Marahil isipin ng iba na Valentines ngayon kahit hindi naman. It has always been like this. Kung minsan ay unang araw ng klase, tuwing may exam, o sa tuwing may event sa school. Bawat pagkakataon para magbigay ng sulat at regalo ay hindi pinapalampas ng mga taga-hanga ko.

Ayoko sana sa akin manggaling ang mga salitang iyon pero . . . iyon talaga ang totoo.

"Huling taon na natin bilang high school student sa Axis University. Hay, I feel like we are oldies already." Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala mula kay Dion kasabay nang paglaglag ng balikat niya. Tama nga siya, parang kahapon lang ay kumuha kami ng entrance exam dito sa Axis University, tapos ngayon ay malapit na kaming grumaduate.

When A Heart BeepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon