6위 ❝Playful Fate❞

1.6K 74 13
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 6: Playful Fate

NARRATION

"HINDI pwedeng mawala iyon . . ." Muling hinalughog ni Miggy ang gamit niya. Nagkalat sa kama ang mga notebook, pencil case, at kung anu-ano pang mga gamit na maiilabas niya mula sa sariling bag. Pero wala pa rin ang hinahanap niya.

"Sigurado akong sa bag ko lang nakalagay iyon . . ." Sa pangatlong pagkakataon ay sinuyod niya ang mga gamit pero bigo na makita ang maliit na keychain na ilang taon niya nang tinatago at iniingatan.

There's this broken keychain that he's been treasuring. Lagi itong nasa bag niya at kahit na magpalit ng gamit ay hindi niya ito kinakalimutan. He had no idea who owns it and how he got it. Pero simula noong mapunta ito sa kaniya ay hindi niya ito iniwala, iningatan niya itong mabuti na para bang lucky charm niya ito na naghihintay lang makuha ng totoong may-ari. The thing is, now it's missing.

"Miggy?" Awtomatikong nag-iba ang ekspresyon ni Miggy nang marinig ang boses ng ina na siyang pumasok sa loob ng kuwarto matapos kumatok ng dalawang beses. Mula sa nag-aalalang mukha ay ngumiti siya at inayos ang tindig.

"May problema ba? Bakit ang gulo ng gamit mo?" puna ng mama niya, at inilibot ni Miggy ang tingin niya sa loob ng kuwarto saka napakamot ng ulo.

"May hinahanap lang po." Hindi na niya gustong ipaliwanag pa kung ano iyon. Tutal ayaw niya ring gawing big deal ang pagkawala nito.

"Mahalaga ba?"

"O-Opo. May sasabihin po ba kayo?" Ngumiti ang mama niya saka hinawakan ang pisngi nito. Punong-puno ng saya ang mata ng mama niya at para bang proud na proud ang mga tingin nito.

When A Heart BeepsWhere stories live. Discover now