26

10.1K 237 0
                                    

NAGPASALAMAT SI Mimi nang magpasya sina Freddie at Yani na makisalamuha sa ibang mga kaibigan na naroon. Habang tumatagal na nakakasama niya si Yani ay mas sumasama ang kanyang pakiramdam. Hindi niya mapaniwalaan na girlfriend ito ng mabuting kaibigan niyang si Freddie. Espesyal si Freddie sa kanyang puso dahil hindi lang siya nito tinutulungan sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga design niya nang walang anumang kapalit. Totoong mabait ang lalaki at talagang tinatangkilik ang kanyang mga gawa. He had been sweet and friendly. Someone like him had every right to be snobby and rude but he was really nice to everyone. Hindi ito katulad ng mga tipikal na modelo na diva.

Freddie was looking at Yani like she was the most beatiful woman. Maituturing niya ang sarili na malapit nitong kaibigan at sa durasyon ng pagkakaibigan nila ay noon lang niya nakita si Freddie na tumingin ng ganoon sa isang babae. He was enamored. He was in love with Yani.

Hindi sigurado ni Mimi ang mararamdaman. Sa nalalaman niya tungkol kay Yani, hindi siya komportable sa kaalamang mabuting kaibigan niya ang bagong nobyo nito, ang lalaking ipinalit nito kay Mark. Ginagamit din lang ba nito si Freddie katulad ng kung paano nito ginamit si Mark?

Hindi siya komportable na magkalapit sina Yani at Mark. Hindi niya gusto ang masamang timpla na ipinapakita sa kanya ng nobyo. Natural lang naman siguro iyon. Hindi maiiwasan. Matagal na naging bahagi ng buhay nito si Yani.

Gusto na niyang umalis sa kasiyahan pero hindi niya magawa. Nahaharang sila ng ilang mga kakilala at kaibigan. Hindi naman nila magawang magpaalam na at nahihiya siya. Hindi lang mga kaibigan at kakilala niya ang lumalapit. May ilan din kaibigan at kliyente si Mark na naroon.

Ibibigay na sana nila ang mga inihanda nilang tseke nang harangin uli sila. Sa pagkakataon na iyon ay ang dalawang tao na sinisikap niyang iwasan. Napabuntong-hininga si Mimi habang nakatingin kina Ava at Shawn. "I don't need this right now," ang halos wala sa loob na naiusal niya.

Imbes naman na tulungan siya ay inilahad pa ni Mark ang kamay kay Shawn. "Mark Soriano. Mimi's boyfriend."

Napasinghap si Ava. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Shawn. Ikinagulat din nito ang narinig pero tinanggap pa rin ang pakikipagkamay ni Mark.

"Ano ang ibig sabihin ng reaksiyon na iyan?" ang hindi napigilang itanong ni Mimi. Nakatutok ang mga mata niya kay Ava na parang hindi pa gaanong nakakahuma sa nalaman. "You've seen us together around tonight. We've been holding hands. Of course he's my boyfriend. Sa palagay mo ba ay hindi ako magkaka-boyfriend dahil lang inagaw mo sa akin ang lalaking gusto ko sanang maging boyfriend?" Hindi na niya napigilan ang sariling bibig. Hindi sana niya gustong sabihin ang mga bagay na iyon.

Naramdaman ni Mimi ang paghigpit ng hawak ni Mark sa kanyang kamay. Humugot siya nang malalim na hininga. Kaagad niyang pinagsisihan ang outburst niya. Masyado lang siya siguro siyang maraming pinakikitunguhan na nawalan na siya ng kontrol.

"I'm sorry," ani Ava sa munting tinig. "Wala namang masamang ibig sabihin ang sinabi ko. It's just that... he's an Soriano."

Tumikwas ang isang kilay ni Mimi. Mas lalo yata siyang na-offend sa sinabi nitong iyon. "And?"

Tumikhim si Ava, parang hindi nito alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Ilang sandali na namangha si Mimi sa naging pagbabago ng kanilang relasyon. Noon ay nasasabi nila ni Ava ang halos lahat sa isa't isa. Walang itinatago. Katulad ng ibang magkakaibigan ay nagkakaroon din sila ng disagreements. Nag-aaway rin naman sila pero hindi umabot sa puntong nasira nang tuluyan ang kanilang pagkakaibigan. Palagi silang nagkakaayos.

Bahagyang nanghina si Mimi nang lumukob sa kanya ang isang realisasyon. Gusto niyang magkaayos sila ni Ava. Hindi niya iyon ganap na maamin sa kanyang sarili dahil masakit pa rin para sa kanya ang nangyari. May kurot pa rin sa puso. Hindi lang siya naroon dahil nami-miss niya ang matalik niyang kaibigan. Gusto sana niyang pagtibayin ang paniniwala na darating ang panahon na magkakaayos silang dalawa.

"I think this is not the right time to talk," ang sabi ni Mimi kay Ava bago siya tumingin kay Shawn. Kahit na alam niya ang kanyang gusto, sa palagay niya ay hindi niya kailangang ipilit iyon ngayon. Sapat na muna siguro na alam niya na gusto niyang maayos ang pagkakaibigan nila ni Ava. Magiging proseso iyon at hindi magiging madali. Hindi nila maaaring pilitin ang kanilang mga sarili.

Tumango si Ava. Dumistansiya na ang mga ito sa kanila.

"Are you okay?" ang tanong sa kanya ni Mark. Puno ng pagmamalasakit ang tinig.

Tumango si Mimi. "It's just hard seeing them."

"I know the feeling."

"Of course you know. Narito si Yani." Hindi niya napigilan ang pagtalim ng kanyang tinig. Gusto niyang kalmahin ang sarili pero hindi niya ganap na magawa. Hindi niya maipagpag ang nadaramang frustration. Hindi niya inakala na magiging ganoon ang kanyang reaksiyon kapag nakita nila ang kani-kanilang mga ex.

Hinila siya ni Mark patungo sa isang mesa sa sulok. Walang gaanong tao sa paligid nila kaya nagkaroon sila ng privacy. Gusto niyang mas kalmahin ang sarili kaya naman inutusan niya si Mark na ikuha siya ng maiinom na walang alkohol. Walang dumadaan na waiter sa gawing iyon at kailangan nitong magtungo sa bar. Gusto niyang mapag-isa kahit na sandali lang.

Sumunod naman si Mark kahit na ayaw sana siya nitong iwanan.

Hindi pa man niya nasisimulan ang pagkalma sa sarili ay natanaw na niya ang paglapit ni Yani kay Mark. Hindi niya makita sa paligid si Freddie.

Devoted (Completed)Where stories live. Discover now