Chapter 1 - Unrequited Love

76 2 0
                                    

"CAN'T we think this over, honey? I'm sure Nikki won't like this."

Napahinto si Nikki nang marinig ang boses ng ina mula sa study room ng kanyang papa. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya't nasisilip niya ang mga magulang na mukhang seryoso ang pinag-uusapan sa loob. But what was that something she wouldn't like? It sounded like a bad news. Her mom knew her too well, at kapag nasabi nitong hindi niya magugustuhan ang isang bagay, siguradong hindi talaga niya iyon magugustuhan.

"This will happen eventually, Diana. Tumatanda na ako at hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa makakayang i-handle ang mga business natin. You know I can't trust anyone outside the family."

Bad news indeed. Teenager pa lamang si Nikki ay gusto na siyang sanayin ng ama sa paghawak ng mga negosyo ng kanilang pamilya. They owned one of the top luxurious beach resorts in the Philippines—ang Empress Island. Pagmamay-ari rin nila ang isa sa mga leading furniture manufacturer sa buong bansa. Their family was born from conventional money, kaya naman matatag ang kagustuhan ng kanyang ama na tanging sa anak lamang nito ipapasa ang direktang pamamahala sa mga negosyo.

"Natalie is not an option anymore, so it has to be Nikki," dagdag pa ng ama. It was unfortunate that Hernando and Diana Dela Cerna was not granted a son. Wala tuloy ibang pagpipilian si Nikki kundi saluhin ang responsibilidad na una nang tinanggihan ng Ate Natalie niya.

It should have been her sister. But one of the perks of being the eldest, they get to choose first. Mage-eighteen noon ang kapatid niya, at imbes na isang enggrandeng debut party, immunity mula sa pag-take over ng mga negosyo ang hiniling nito sa kanilang mga magulang. Too bad for Nikki, she was born late. Bagsak tuloy sa kanya ang titulong heredera.

"Nikki's still young for this. You promised that you'll let her have her freedom at least for a while."

"Hindi pa ba sapat na hinayaan ko siyang tapusin ang Fine Arts niya? She had enough time and freedom for her passion. She's already twenty-one at mas magandang matuto na siya sa negosyo habang maaga."

Nakasalubong ni Nikki ang kapatid sa hagdanan. Base sa apologetic nitong tingin ay tiyak niyang narinig din nito ang usapan ng kanilang mga magulang. Matanda sa kanya ng anim na taon si Natalie at gaya niya ay namana rin nito ang ganda ng kanilang ina. They were both fair but while Nikki's face was bright and sweet, Natalie had a classic beauty and sad-looking eyes.

"You probably hate me now, Nikki. I'm really sorry dahil ikaw ang sasalo sa lahat."

Umiling-iling siya at ngumiti. "We've been through this, Ate. Magda-dramahan na naman ba tayo? I might have resented you years ago, but things are different now. Tanggap ko na."

"Hindi mo pa rin maaalis sa 'kin na makaramdam ng guilt. I obviously dodged the bullet so I can pursue my own dreams. I didn't even consider the fact na may sarili ka ring pangarap," nakokonsensyang saad nito.

Nilapitan niya ang kapatid at pinisil ang kamay nito. "I'm fine, Ate. Really. But you can do me a favor. Pwede mo bang kausapin si Papa at sabihang 'wag akong i-pressure masyado? Malakas ka naman sa kanya eh."

Natawa si Natalie at hinaplos ang pisngi niya.

Nang pumanhik si Nikki sa kanyang art room ay doon niya pinakawalan ang lahat ng sama ng loob na naipon sa dibdib. Hindi lamang niya gustong ipakita kay Natalie kanina, pero ang totoo ay nangangamba siya sa hinaharap. She would need to live the life her father had planned for her. A life she never wanted. Gayunman ay hindi niya kayang talikuran ang obligasyon na iyon. Her family was too important for her to even think of running away.

Umupo siya sa tapat ng easel at frustrated na inangat ang palette. Sa tuwing may dinadamdam siya o kaya'y may malalim na iniisip, sa pagpipinta niya ibinubuhos ang lahat. Painting was her escape, the only thing she ever wanted to make as her career. Bata pa lang siya ay pinangarap na niyang magkaroon ng sariling art gallery at makapag-abroad upang mapalawak ang kaalaman sa sining. But would it ever happen? Maybe not anymore.

WAITING FOR UNCERTAINTY [PUBLISHED by Bookware Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon