Chapter 5 - Make Them Yours

48 2 2
                                    

WALANG ideya si Nikki kung bakit bigla siyang tinawagan ni Wes isang gabi para sabihang mag-ayos. Maggo-grocery na naman ba sila? She laughed at her own stupid thought. Dumating ang isang package na may lamang pulang cocktail dress at puting sandals na ang mga strap ay pinulbusan ng kumikinang na diamond dust. Galing kay Wes ang mga iyon.

Matapos maligo ay madali siyang nagbihis at naglagay ng make up at pulang lipstick. Ang buhok ay kanyang inayos into a simple half-up twist. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Kahit bahagyang nakalitaw ang kanyang cleavage ay elegante pa rin ang kanyang itsura at hindi nakakabastos. Ang totoo ay flat-chested siya. Sinadya lamang talaga niyang magsuot ng push-up bra para magkalaman nang kaunti ang kanyang dibdib. Ginawa niya iyon para akitin si Wes.

"From now on, you'll see me as a woman," sambit niya.

Dinatnan niya sa receiving area si Wes, nakasemi-formal attire with those dark suit, light shade shirt, and dress shoes. He looked like a prince waiting for his muse. Mas lalong nagningning ang kaguwapuhan nito sa ilalim ng crystal chandeliers. Para tuloy ayaw niyang ibahagi si Wes sa paningin ng iba.

Na-conscious siya nang pasadahan siya ni Wes ng tingin mula ulo hanggang paa. May nahuli siyang kislap sa mga mata nito nang sandaling dumapo ang paningin nito sa kanyang dibdib. But Wes looked away fast.

"You look gorgeous, Wes," buong paghangang sabi niya nang tuluyang makalapit sa binata. Pakiramdam niya ay malulunod siya sa sobrang bango nito. She waited for him to say something about her but he remained quiet, his face was too formal as if he had tried hard to rehearse this expression several times.

"Wala ka man lang bang comment d'yan para sa 'kin?" Napasimangot siya. "Pakiramdam ko tuloy ang pangit ko."

Gumuhit ang kalkuladong ngiti sa namumulang mga labi ni Wes. Saka ito napatitig sa kanyang mukha.

"Trust me, Nikki. You don't want me to say anything."

***

"BAKIT dito tayo pumunta? Ang sabi ni Papa, hindi ko naman kailangang um-attend sa party ni Gov," tanong ni Nikki nang makarating sila sa Empress Island. Nakaramdam siya ng instant intimidation pagkakita sa mga bisitang naroon sa North Pavilion. Pulos mga government officials, big time businessmen at mga miyembro ng elite society ang mga iyon. Mayroon ding mga taga-media na nakakalat sa paligid.

The North Pavilion was the most exquisite and deluxe site of Empress Island. May sarili itong private resort at chateau-like beach house. Sa White Garden naman kadalasang ginaganap ang mga wedding ceremonies, exclusive events, at parties na kagaya niyon.

"'Don't need' doesn't mean you won't want it," wika ni Wes.

"I feel awkward, Wes. Alam mo namang hindi ako sanay sa mga social gatherings na ganito. How could you say na magugustuhan ko 'to?"

"Trust me, Nikki. After this night, you'll understand why." Iginiya siya ng binata sa loob. Hindi niya naiwasang mapariin ang kapit sa braso ni Wes dahilan para mapalingon ito sa kanya. Napangiti ito at masuyong hinaplos ang kamay niya. It was enough to calm her nerves.

Mula sa malayo ay nasalubong nila ang tingin ng kanyang mga magulang. Kausap ng mga ito ang gobernador at ang asawa nito. Sa isang mesang kalapit ng mga ito ay nakaupo ang Ate Natalie niya kasama si Clark na siyang naging kaklase nito sa med school.

Nakita niyang nag-excuse ang papa niya sa gobernador saka sila nito nilapitan.

"Wow, you look beautiful, anak." Her father gave her a warm smile and kissed her on the cheeks.

WAITING FOR UNCERTAINTY [PUBLISHED by Bookware Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon