Chapter 4 - I Did Something Selfish

12 2 0
                                    

NIKKI should have asked first. Bakit ba siya um-oo agad sa telepono nang hindi man lang inaalam kung saan sila pupunta ni Wes? Mukha tuloy siyang ewan sa kanyang gayak habang nagtutulak ng cart. May mga laman na iyong iba't ibang goods at ingredients na gagamitin ni Wes sa kung ano man ang binabalak nitong lutuin.

"Bakit hindi mo sinabi na plano mo palang mag-grocery?" reklamo niya kay Wes habang namimili ito ng pipino. "Pinagtitinginan tuloy ako sa itsura ko."

"You said yes over the phone. You didn't ask." Wes shrugged.

"How about when we're still at our house?"

"Ayokong pagpalitin ka pa ng damit. Hassle."

Her eyes narrowed. "Siguro pinagtatawanan mo 'ko kanina, ano?"

"Now, that is silly." Wes extended his arm and squeezed her chin. Nag-init na naman ang mga pisngi niya. "Bakit ba masyado kang nako-conscious sa suot mo?" Pabalewala nitong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya.

Because I dressed up for you, Wes. Manhid!

Inis niyang hinarap ang shelf ng mga dairy products. She was mumbling when she realized that Wes was already out of her sight.

"Iniwan ako?" Napasimangot siya. Madali niyang isinulong ang cart at nilinga-linga ang paligid. Natagpuan niya ang lalaki sa tapat ng fruit stand. Wes was smelling a pack of fresh strawberries when he was approached by a woman carrying an empty basket. Tingin niya ay nasa late thirties na ito. Sultry ang ganda ng babae at malaki ang hinaharap. Maaliwalas ang ngiti nito nang batiin si Wes. Tahimik siyang lumapit at nakinig sa usapan ng dalawa.

"How long has it been? You should have told me na uuwi ka rin pala, Wes. Sabay na sana tayo." Sabay?

"Biglaan kasi. Someone offered me a job here," kaswal na sagot ni Wes. Lumikha si Nikki ng tunog sa lalamunan para makuha ang atensiyon ng binata. Kanina pa kasi siya sa tabi nito pero parang hindi naman siya napapansin. "Oh by the way Thea, this is Nikki. Nikki, this is Thea, my instructor in college."

"Nikki... Dela Cerna right? 'Sabi ko na nga ba, you look familiar eh. Nice meeting you." Tinanggap niya ang kamay na inilahad nito. Bumaling itong muli kay Wes at parang nakalimutan na ulit siya ng mga ito. "How long will you be staying here?"

"Few months."

"Next year, babalik ako sa Shanghai. Magkikita ba tayo ulit doon?" Nagpanting ang tainga ni Nikki sa narinig mula kay Thea. Close ba ang mga ito?

"That, I'm not sure. We'll see."

Kakalabitin sana niya si Wes para sabihang umuna na sila pero bigla naman itong tumalikod at mukhang naengganyo pang makipagkuwentuhan kay Thea. Dedmahin daw ba siya?

Sa inis ay maingay niyang itinulak ang cart palayo. Naiirita siya kay Thea. Umiinit ang ulo niya kay Wes. And she couldn't bear the thought that they were probably hanging out in China. Nagsariling-isip tuloy ang mga kamay niya at sa bawat daraanan ay may dinadampot siyang tsitsirya.

"Kakainin mo ang lahat nang 'yan?"

Umalpas ang malakas na singhap sa bibig niya nang biglang pigilan ni Wes ang cart mula sa likuran niya. His hands were on either side of the handle, imprisoning her. She could feel his warm and powerful presence behind her. Nailang tuloy siya.

"Umalis ka nga d'yan," pagalit na sita niya.

"Tsk. Junk foods are bad for your health," pabalewalang sabi nito.

"Where's Thea? Bakit iniwan mo siya? Mukhang enjoy na enjoy ka pa naman habang kausap siya."

"You need more nutrients, Nikki." Nakiliti siya nang dumampi ang mainit nitong hininga sa gilid ng leeg niya.

WAITING FOR UNCERTAINTY [PUBLISHED by Bookware Publishing]Where stories live. Discover now