KABANATA 29

1K 37 1
                                    

EUROPA'S POV

"Kamahalan, ayos lang po ba kayo?" tanong ni Titania sa akin. Nandito kami ngyon sa labas at naglalakad-lakad. Nakakapanibago nga kasi bawat bampira na makakakita sa akin ay yumuyuko.

"Ayos lang ako. Paano mo ba nasabi na hindi ako ayos?" nakangiting tanong ko sa kanay. Sinusubukang itago ang bigat ng aking nararamdaman.

"Kamahalan, kanina pa po kasi kayo palinga-linga na parang mayroong hinahanap o di kaya ay mayroong napansin na kahina-hinala," sabi pa nito kaya napayuko naman ako.

"H-hindi lang ako komportable sa trato nila sa akin," palusot ko at tsaka nauna nang naglakad sa kanya.

"Kamahalan, para po ito sa inyo. Gawa ko po iyan," sabi ng isang babaeng humarang sa akin at nag-abot ng tela.

"Maraming salamat," nakangiting sagot ko.

"Ako na po ang magdadala nyan, kamahalan," si Titania at kinuha ang tela na ibinigay sa akin upang dalhin.

Sa di kalayuan ay mayroon akong nakita na mga batang naglalaro. Nagtatakbuhan sila at nagtatawanan. Napangiti na lamang ako ng mapait.

Sana bumalik ako sa panahon kung saan hindi ko pa masyadong iniintindi ang mga bagay-bagay. Doon sa panahon na wala pa akong kaalam-alam sa kung sino talaga ako. Doon sa panahon na hindi ko pa alam na may nagbabantay sa akin.

Biglang nadapa ang isa sa mga bampirang naglalaro. Sa isang iglap ay nakapunta ako doon at tinulungan siyang tumayo.

"Mahal na prinsesa," dinig kong sabi ng mga kalaro niya at bahagyang yumuko bilang paggalang.

"Kamahalan," sabi sa akin ng batang nadapa. Kagaya nila ay yumuko rin ito sa akin.

"Mag-iingat ka kapag naglalaro ah?" nakangiting sabi ko dito.

"Opo," magalang na sagot nito at nag thumbs up pa.

"Kamahalan, hinahanap po namin kayo. Akala namin ay nasaan na kayo," alalang sabi ni Triton.

"Tinulungan ko lamang ang batang ito," sagot ko.

"Ayo slang po ba kayo, kamahalan? Wala po bang masakit ssa iyo?" tanong ni Titania at sinuri ang kabuoan ko.

Napangiti naman ako. Naalala ko si Callisto. Ganito rin siya kung mag-alala sa akin. Minsan nga kahit sabihin ko na ayos lang ako hindi siya maniniwala.

"Ayos lang ako. At isa pa wala namang nangyaring masama sa akin eh," natatawang sabi ko sa kanya.

Umihip ang malakas at malamig na hangin kaya napayakap ako sa aking sarili.

Sa di kalayuan ay mayroon akong nakitang isang bulto na pamilyar. Unti-unti akong naglakad patungo dito. Kahit nakatalikod siya ay makikilala ko pa rin sya.

"Callisto?" bulong ko sa aking sarili.

Unti-unti itong naglalakad papalayo kaya tumakbo ako papunta sa kanyang direksyon. Ngunit nakapagtataka na bigla na lamang siyang nawala. Nasaan na ba ang isang iyon?

Tumulo naman ang aking luha na mabilis kong pinahid. Akala ko makikita ko na siya, hindi pa pala.

"Kamahalan, bakit po bigla-bigla kayong umaalis? Mayroon po bang problema?" tanong ni Triton.

"W-wala, mayroon lamang akong nakita na pamilyar na bampira ngunit hindi pala siya iyon," sabi ko .

"Bumalik na tayo sa masyon. Nais ko nang magpahinga," sabi ko pa at nauna nang maglakad.

My Vampire Guard (COMPLETED)Where stories live. Discover now