Chapter 2

28.8K 1K 187
                                    

Wolf stifled a curse when he felt a vein pulse in his head. Masakit ang ulo niya. Hindi siya nakatulog nang maayos at buong gabi siyang binagabag ng imahe ni Dixie, his good as cold meat Executive Assistant. Isang linggo na nitong ginagampanan ang papel bilang EA niya, at isang linggo na rin siyang hindi makatulog nang maayos sa gabi. God, help him.

Itinulak niya ang double glass door ng executive office, sapo ang sentidong pumupulso sa kirot. Awtomatikong dumako ang mga mata niya sa babaeng seryosong nakatutok ang mga mata sa computer. Suot nito ngayon ang makapal na salamin sa mata. Minsan nagsusuot ito ng contact lenses. Ang pagkakaalam niya, malabo ang mga mata nito. But even with her thick eyeglasses, kaakit-akit pa rin itong tignan. It made him think of actors in adult movies with thick eyeglasses, tapos nakasuot ng kakarampot lang na tela.

Dixie wore basic makeup. Her hair neatly pinned into a knot at the back of the head. The white button-up shirt and the black pencil skirt looked good on her. Papasa itong Presidential Spokesperson. Tuwid na tuwid ang likod at nakataas ang baba kahit na nakatitig sa screen ng computer. Yet, she oozed with sensuality. There was something about her that makes him want to spread her p*ssy and f*ck her senseless. Kahit na balot na balot ito ay malakas ang pagnanasa niya rito.

Tumaas ang kilay ng dalaga nang sa wakas ay mapansin nito ang presensya niya at mabilis na dumako ang mga mata sa kamay niyang nakasapo sa kanyang ulo. "Good Morning, Sir." May nakaplaster nang pormal at malamig na ngiti sa mga labi nito. God, her coldness irritated him. Ganito rin ba ito kalamig sa nobyo nito? Napailing siya. he would never bed a deadfish. Not in this lifetime. Aanhin niya naman ang maganda kung dinaig pa nito ang rebulto sa tigas at lamig pagdating sa sex? Ano ngang tawag nila doon? Pang-display lang sa museo? Collector's item? Magandang tignan, bawal hawakan? Pero hindi na niya problema kung malamig ito sa kama. "I need coffee. No sugar. Now." Dumerecho na siya sa opisina at umupo sa swivel chair. Inihilig niya ang likod ng ulo sa sandalan ng upuan at ipinikit ang mga mata.

"Sir, kape n'yo. Walang asukal. And, Biogesic for mild to moderate pain. Para sa sakit ng ulo. Proven by millions, effective, kahit walang laman ang tiyan. Side effects may include dizziness, drowsiness, constipation, stomach upset, blurred vision, or dry mouth/ nose/ throat. If any of these effects occur, tell me promptly." Inilapag nito ang gamot at ang tasa ng nag-uusok sa init na kape sa mesa niya.

Nagmulat siya at matiim na pinagmasdan ang babaeng nakatayo sa harapan niya. She spoke like a robot. Halos hindi gumalaw ang pilikmata. Walang kahit mumunting gusot sa damit nito. Hinayon niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Aha! May bahid ng maliit na dumi ang dulo ng sapatos nito. Sinasabi na nga ba niya, may makikita rin siyang mali rito. Ngumisi siya para lang mapasimangot nang maisip kung gaano siya kababaw. "Whoever said I need that? Hindi ko hininging dalhan mo ako ng gamot," pasuplado niyang sabi.

She raised her brows at him. "Masakit ang ulo mo."

"My problem, not yours. Kapag hindi ko hiningi, huwag mong ibigay. Ang ayaw na ayaw ko sa lahat ay pinangungunahan ako. You can leave now."

Tumitig lang sa kanya ang dalaga. Hindi niya mabasa ang emosyong nasa likod ng blangko nitong mukha. And he hated it. Lalo na nang umalsa ang isang sulok ng labi nito na parang nang-uuyam. "You're in a foul mood, I'm sorry. Hindi na kita pakikialaman."

Gusto niyang iuntog ang ulo. He acted like a jerk. "Dixie," tawag niya rito. Hinilot niya ang pagitan ng mga mata. Bakit ba pakiramdam niya ay miserable siya dahil lang sa pinakitaan niya ng hindi maganda ang dalaga? "Pasensya ka na. I woke up on the wrong side of the bed."

Tumango lang ito. "You don't have to apologize, Sir. Babalik na ako sa puwesto ko."

"Iwan mo na lang rito ang gamot. Iinumin ko iyan mamaya. Safe ba iyan?"

Possessive 4: STOLEN (PUBLISHED - Bookware)Where stories live. Discover now