Chapter 6

20.9K 811 147
                                    

"Tuloy ka, Sir Wolf. Pasensya na, magulo ang bahay," pag-iimbita ni Dixie kay Wolf at iminosyon ang sofa. Hindi niya malaman kung paano sasalubungin ang mga mata nitong nakasunod sa bawat galaw niya. Titig na titig sa kanya ang binata, at sa totoo lang ay gusto na niya itong iwanang mag-isa at kumaripas na ng takbo palayo. Nakakapanginig tuhod pa naman ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. "Kape, Sir?" alok niya, hilaw ang pagkakangiti. Tumanggi ka naman na, Sir! hiyaw ng utak niya. Hindi niya talaga masakyan ang trip ni Wolf Gaston; pagkatapos siya nitong pabalikin sa trabaho ay parang naging ibang tao na ito.

"Yes, please, still no sugar. Thank you."

Tumikwas ang kaliwang kilay niya. Talagang magkakape ang Higanteng Tamilok! Higanteng Tamilok na ang bansag niya rito magmula nang mag-away sila at sisantehin siya nito. Sa galit niya nang mga panahong iyon sa binata, tingin niya rito ay isang higanteng uod!

"Magkakape ka talaga?" tanong niya.

Napangisi ito. "Ayaw mo ba?"

She feigned enthusiasm, kahit na sa loob-loob ay naiinis na siya. Bakit ba hindi na lang ito umuwi? Hindi ba nito alam na hindi siya komportable dahil sa mga nasabi niya rito kanina? Tama ba namang ikumpisal niya ritong hindi siya makatulog sa kakaisip dito? Nakakahiya at hindi iyon sinasadya! Kasalanan iyon ng malabo niyang mga mata! Iniisip na siguro nito ngayon na may gusto siya rito. Hoy, loyal siya kay Vetsin, ano! "Sige, Sir, ipagtitimpla kita ng kape."

"Ate, may bisita tayo?" Mula sa pintuan ng kuwarto nilang magkakapatid ay sumungaw ang ulo ni Deborah, bago pa man niya maihakbang ang mga paa patungong kusina. Nagkukuskos pa ito ng mga mata at halatang kagigising lang talaga.

"Oo, sige na, matulog ka na ulit," pagtataboy niya sa kapatid. Sa kanilang tatlo, si Deborah ang pinakamadaldal. Baka kung anu-ano pa ang lumabas sa bibig nito, mahirap na.

Hindi tuminag si Deborah. Nahindik siya nang lapitan nito si Wolf at tinignang mabuti ang mukha nito. "Ang guwapo, 'Te! Sa wakas, naghimala ang langit at binigyan ka na ng tunay na boyfriend. Hallelujah, matitigil na ang ilusyon mo sa Vetsin Pinoy Idol na iyon."

Napanganga siya at kitang-kita niya sa gilid ng kanyang mga mata nang lingunin siya ni Wolf. Anak ng tinapa talaga 'tong si Deborah, dapat ibinubuhol ang dila nito, eh.

"Wala kang boyfriend?" tanong ni Wolf, nangungunot ang noo.

"Meron! 'Di ba ikaw nga?" sabat ni Deborah bago pa man niya maibuka ang bibig. "Pero kung iyong Vetsin ang tinatanong mo, hindi niya boyfriend iyon. Nag-iilusyon lang si Ate. Pero huwag kang mag-alala dahil mas guwapo ka nang 'di hamak d'un. Nag-apply lang iyon nang sandamukal na skin cream sa mukha at inipit ng overnight ang ilong."

"Hoy Deborah Niola, may girlfriend itong tao at boss ko po 'to. Doon ka na sa kuwarto!" Pinanlakihan niya ng mga mata ang kapatid. Alam nitong kapag idinugtong na niya ang apelido sa pangalan nito ay galit na siya. Ora-orada ay bumalik na ito ng silid. Nakahinga siya nang maluwag. Nang humarap siya kay Wolf ay ngising-ngisi ito sa kanya. "O, bakit?"

"So, wala ka pala talagang boyfriend. Then who was that guy you were supposed to meet? At ang sabi mo rin noong interview ay may boyfriend ka na. Nagsisinungaling ka lang pala, all this time?" There was a crafty smile on his face, cunningly evil.

"May boyfriend ako, Sir," matigas niyang sabi. "Si Vetsin."

"Buy your sister just said—"

"Hindi niya palang alam na girlfriend niya ako. Soon, ipapaalam ko rin sa kanya," giit niya, pahiyang-pahiya pero determinadong manindigan.

Napatangu-tango ang binata, komportable sa pagkakaupo at naka-dekwatro pa. Ang pagtaas-taas ng malalago nitong kilay ay nakakairitang tignan.

Tumikhim ito. "Una, ang sabi mo ay may boyfriend ka kahit wala naman talaga. Pangalawa, nakikita mo ako kahit saan ka tumingin. Pangatlo, hindi ka makatulog kakaisip sa akin. Tapos noong una palang, napaka-stiff mo na sa akin. Which brings me to the conclusion that you have a huge crush on me. Na sa una palang gusto mo na ako pero dahil nabalitaan mong ayaw na ayaw ko sa EA na nagpi-flirt sa akin kaya umakto kang hindi affected sa karisma ko. Am I right?"

Hindi siya nakapagsalita pagkatapos ng mahabang litanya ni Wolf. Hindi niya ma-imagine na nag-formulate na ito ng mga ganoong bagay sa isip nito. Imbis na magalit ay napabunghalit na lang siya ng tawa. "Ang kapal naman, Sir!"

"I've watched a few chick flick, rom-com movies. Ganoon naman iyon 'di ba? I need an EA, you want the job, you like me, I don't want an EA who flirts with the boss, so boom, you pretend to not like me. Come on now, tell me, hindi ako magagalit."

"Sir, para lang sa ikakapanatag ng loob ninyo, wala talaga akong gusto sa iyo. Mas giant tamilok kaysa runway model ang tingin ko sa iyo."

"Giant tamilok?"

"Yes, Sir. Higanteng uod!"

"Seriously?"

"Sir naman, may girlfriend na po kayo at hindi lang talaga kita type. Iyong gusto ko iyong mga singkit kagaya nga ni Vetsin. Kahit naman imaginary boyfriend ko lang si Vetsin sa ngayon, umaasa pa rin akong isang araw ay mapapansin niya ako. Hindi naman siya sobrang hirap abutin. Admin naman ako ng fan page niya sa facebook, organizer din ako ng mga mini meet and greet niya."

Nabura ang ngiti sa labi ng binata. "It's getting late, Dixie, I have to go." Nag-iba ang timpla nito. Maging ang boses nito ay lumalim. Dumerecho ito sa pinto at hindi na lumingon pa sa kanya. Ni walang pa-good bye wave, parang kuyog-hangin talaga na nag-iibang anyo, siraulong lalaki. Bahala nga ito sa buhay nito.

"Bye, higanteng tamilok!"


HINDI MAWALA-WALA ang nagpatung-patong na kunot sa noo ni Wolf, nakatutok lang ang mga mata sa blue screen ng computer at pinaiikot sa mga daliri ang ballpen na hawak. He kept on moving the seat from side to side. Eksasperado siyang nagbuga ng hangin at in-on ang computer. Tinipa niya sa search engine ang Vetsin. Napuno ng Lasap Vetsin, Ajeje Moto, at suka ang screen niya. "What the f*ck?" Hindi ito ang Vetsin na hinahanap niya.

He typed Vetsin Pinoy Idol and voila! Lumabas na ang mga pictures ng Vetsin na member pala ng Shinonga Group. Pinakatitigan niyang maigi ang mukha ng lalaki. Makintab nga ang mukha nito na kiniskisan nga siguro ng sandamukal na skin cream, singkit ang mga mata, matangos nga ang ilong na mukha ngang inipit overnight. Tama naman pala ang kapatid ni Dixie. Isa sa mga araw na ito, dadalaw siya sa bahay ng kanyang EA at bibigyan niya ng imported chocolates si Deborah. "But this guy isn't even good looking!"

Inis niyang binitiwan ang ballpen. "What the f*ck did she see in this man?" Wala ba talagang gusto sa kanya si Dixie? Frustrated, ibinagsak niya ang likod sa sandalan ng upuan. Ano ba ang pakialam niya kung gusto ito ng EA niya? When he said that he wanted to make her his, tingin niya hindi siya nag-iisip n'un at pinaiiral niya ang gusto ng puson. He was so f*cking attracted to her, hindi niya itatanggi iyon. Hindi siya ganoong tao. But things were actually becoming messy now. Dirty? Not yet, pero ano ba ang alam niya sa kaya niyang gawin? He was like struck with a 'Dixie disease.' The reinstatement and the 500,000 offer weren't even part of the plan. Nakita niya lang si Dixie na may kasamang lalaki, namigay na siya ng kalahating milyon, Por Dios!

Napatuwid siya ng upo nang may maisip. "Baka naman ginayuma siya ni Dixie?" After what happened to the sought after bachelors and powerful men in Asia? Wala nang imposible pa. Pikot, blackmail, gayuma, name it! If it happened to Crexus, Yarrick, and Clay; it can happen to him too! Baka nga ginayuma siya ni Dixie kaya hindi ito maalis-alis sa isipan niya.

Ipinikit niya ang mga mata. Think, Wolf, think! Ano ang posibleng nakain mo na in-offer sa iyo ni Dixie? Wala! Pulos take-out food ang kinakain niya sa opisina. Nagpapa-dial lang siya rito para mag-request na magpa-deliver ng pagkain. Alangan namang budburan pa nito ng gayuma ang mga pagkain bago ibigay sa kanya?

What else? Hmmm... Ah, coffee! Must be the coffee! Hinahaluan nito ng gayuma ang kape niya. He grinned to himself. "I got you now, Diosdida! I'm a genius." Matatapos na rin ang paghihirap ng puson niya.

Possessive 4: STOLEN (PUBLISHED - Bookware)Where stories live. Discover now