BB:3

2.9K 67 0
                                    

Parang binugbog ang katawan ni Tisay sa lahat ng trabahong naka atang sa kaniya pagbalik ng Manila. Buti nalang at natapos niya agad..Kung hindi lang talaga kailangan ang presensiya niya mamaya sa Hotel mas gugustuhin niyang umuwi na at magpahinga. Pero heto siya ngayon nakasuot ng Simple Beige long dress. Wala naman siyang gagawing speech kailangan lang talaga niyang pumunta para pormal na magpakilala sa mga investors na dadalo at sa may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan niya. Pagkatapos niyang maka graduate ng college agad siyang naging intern ng company hanggang sa naabot niya ang kinatatayuan niya. Lahat yon ay dahil sa sikap niya. Kailangan niyang magtrabaho para sa ina niya. Hindi naman sila naghihirap kasi may negosyo naman sila but she insist on working dahil gusto niyag magkaroon ng perang talagang pinaghirapan niya.

"Umma!" Kuha niya ng pansin sa ina niyang nakatutok sa tv at nanonood ng ZeeSine Supreme Sacrifice at maluha luhang nakatingin ito sa kaniya.

"Y-yes baby?" Anito.

"Naku nag drama ka na naman. Rustom ang susunod na palabas kaya tatagan mo ang mga mata mo." Aniya at sinuot ang heels niyang kulay beige din.

"I know baby, mag-iingat ka sa pagda-drive ha. And please lang anak no boys okay?" Aniya ng ina habang pinupunasan ng tissue ang mata.

"I know umma. Kailan ba kasi ako nagdala ng lalaki dito? The last time I check i'm only 19 way back then si Verdon pa yon umuwi lang naman siya dahil nagka diarrhea matapos mong bigyan ng juice. Na trauma yata lahat ng lalaking kakilala ko dahil sa inyo eh. Paano nalang ang lovelife ko nito. Paano ako magkakapag-asawa nito?" Himutok niya at kinuha ang purse niya.

"You already have one baby." Pahabol ng ina niya.

"Don't remind me of that fucktard umma."
Napairap na lamang siya sa hangin at inalala ang mga nangyari noon. How she got married at the age of twenty two. Hindi alam ng lahat na kasal na siya. Tinatawag lang siyang Ms. Min dahil lihim ang relasyon nila ng asawa niyang wala na yatang balak magpakita. For Gods sake she's already 28. She shrugged off the thought and drove her car towards the venue. Parang nagningning ang mga mata niya ng makita ang mga alak sa harap niya.

"Omo! Jjinja.." Nakangiting aniya at nakatingin lamang siya sa mga inumin ng biglang may nabangga siya. Natarantang napayuko naman siya at nag sorry dito.

"Mianhae, I mean sorry i'm very sorry." Patuloy na nakayuko siya at hinintay na magsalita ang nabangga niya. Nangawit na ang likod niya ng hindi man lang kumibo ang nabangga niya hindi rin ito umalis sa dinadaanan niya. Agad siyang napatayo ng dahan-dahan at tiningnan ang lalaking nabangga niya.

"Det var langge sedan ve sags sist, wife." Ani ng baritonong boses. Manghang napatitig siya sa lalaking kaharap niya at bumilis ng husto ang pagtahip ng kaniyang puso. Nag iba na ang anyo nito. Far from the boy she knows very well before. Hindi niya mahagilap ang tamang salitang dapat na lumabas sa bibig niya nanatiling nakanganga siya at nakatitig sa lalaking matagal na niyang hindi nakikita. Her husband...

"You came back." Aniya sa mahinang boses.

Tbc
Zerenette
(VOTE*COMMENT*FOLLOW ME)

Billionaire's Baby3: Alexander Abbas LundqvistWhere stories live. Discover now