Chapter One: Unexpexted Vacation

288 7 3
                                    

"Mi mi si si. Mi mi do do. Mi mi mi fa!"

"STOP!" Ani ng baklang direktor ng play ni Danica na si direk Bubbles.

Inaasahan na nya ito dahil sa sarili niya ay batid rin niyang wala na siya sa tono. Nag-aalala kasi siya kay Lorence, ang kaniyang boyfriend at ang katambalan niya sa musical play na kaniyang iniinsayo ngayon kaya hindi siya makapagfocus. Mag-iisang oras na kasi itong late sa final rehearsal ng kanilang play bukas. Halos dalawang taon narin silang magkasintahan. Naging sila nang ipagtapat ni Lorence sa kaniya ang pag-ibig nito sa kalagitnaan ng kaniyang play noong nag-aaral palang ito. Ngayong naka graduate na siya ay ito na ang naging propesyon nila nito. Ang maging performer sa mga musical play. Naging matagumpay ang tambalan nila. They're both great when it comes to singing, dancing, ang acting on stage. Sila na ata ang pinaka sikat na theater performer ngayon sa pilipinas.

"Sorry po." Paghingi niya ng paumanhin sa direktor.

"Bakit ba puro kayo sintunado ngayon? May sahog bang sintunado sa dinner natin kanina?" Galit na bulyaw nito sa kanila.

Walang umimik. Nanatiling tahimik ang paligid.

"Ano?!" Mas malakas na bulyaw nito ngunit wala paring sumagot. Lahat sila ay napayuko nalang.

"Benjo!" Sigaw niya.

"Po?" Mabilis na tugon nito.

"May sahog ba na pagkasintonado iyong beef caldereta na kinain nyo kanina?" Tanong nito.

"Wa...wala po." Mautal utal na tugon ni benjo.

"Eh bakit sintunado ka?" Idinuro nito si benjo.

"Sorry po."

"Sorry...sorry... bukas na ang play! Ano? Ganiyang ang ipapakita niyo sa mga audience? Puro kayo 'nguwak nguwak'?" Ani ng derector na may pagka exagerated na kung magalit. akala mong pang capital punishment na ang nagawa nila.

Napanisin ni Danica ang pagpigil ni Misha ng tawa. Ngunit, hndi lang pala siya ang nakapansin nito. Nakita rin ito ng direktor.

"May nakakatawa Misha?" Baling nito kay Misha.

Mabilis pa sa alas kwarto itong pumormal. Halata ang pamumula ng mukha nito.

"Bakit Misha." Patuloy ng direktor. "Nasa tono ka ba kanina?"

"hi..hindi din po." Mangiyak ngiyak na tugon ni Misha dito.

"Pwes! Huwag kang tumawa tawa na parang hindi ka sintunado! Dahil ikaw mismo e. 'Nguwak nguwak' kung kumanta!" Sigaw nito.

"Sorry po!" maluha luhang sagot ni misha

"At ikaw Robert." Inilipat nito ang atensyon kay Robert.

"Po?" Tugon nito sa direktor.

"Alam mo na siguro sasabihin ko?"

"Hi hi hindi pa po." Tugon ni Robert.

"Ah so ano? Gusto mo pa na ipagsigawan ko? Na sintunado ka? Pwes pagbigyan! Sintunado ka kanina!" Muling sigaw ng direktor.

"Ah direk." Singit ni Danica habang minamasahe niya ang kaniyang kaliwang tainga.

"Ano!" Napatalon siya bahagya.

"Hindi po kumanta si Robert ngayon. Reserba po siya remember?"

Natigilan ng bahagya ang direktor tila napaisip kung totoo ang sinabi niya. "E sino ba iyong gumaganap na tricycle driver?"

"Ako po." Nagtaas ng kamay si Samson

"Pwes ikaw ang sintunado!"

Nakita ni Danica na nakahinga si Robert ng maluwag.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 05, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Romance Vs Friendship (Sequel) on goingWhere stories live. Discover now