Chapter Nineteen

73 8 0
                                    

"Not like that, C. Relax, just relax your arms and go forward." Hapon na at hanggang ngayon tinuturaan ako ni Gade kung paano ang tamang paglangoy ng sirena.

"Are you really a swimmer?" Nakakadaming tanong niya na yan kapag hindi ko nagagawa ang gusto niya.

Marunong naman ako kung pano lumangoy at kaya ko naman lumangoy ng pangsirena, pero hindi ako sanay na literal na may buntot.

"Pwede bang huwag muna ako magbuntot and I'll just try it first with my legs." Pang ilan beses ko na ding pagdadahilan yan pero dahil mapilit siya ayaw niya kasi para daw masanay agad ako sa buntot.

"Ugh, whatever. Bahala ka diyan." Binato ko sakaniya yung kwintas at gumapang papunta sa malalim, sinabi naman ni Ate Trisha na babalik naman ang paa ko as long as I'm not wearing the necklace.

"Claire, don't you dare walk out to me." Rinig kong sabi niya na mukha papalapit na saakin.

"Duh, I'm not walking." Obvious na sabi ko at binilisan. Ramdam ko na nanawawala na ang buntot ko.

"Yeah, right." Bulong niya pa na narinig ko naman.

Nang maramdaman ko na ang paa ko agad akong nag-ipon ng hangin at sumisid.

"Argh! Claire! You're so stubborn!" Sigaw niya pa.

Pinaikot ko nalang ang mata ko ang mas lumangoy pailalim. Tumigil ako at tumingin sa taas, malalim narin pala ang nalangoy ko dahil malayo na ang sinag ng araw hindi na ako masyadong natatamaan.

Tinignan ko ang paligid, its so quiet. Ofcourse its underwater, stupid me.

Lumangoy ako ng mas malalim pa hanggang sa mapagod ako.

If I'm really the heiress, I can breathe underwater?

Okay, Claire. Relaxed, kung ako nga talaga I'll try to breathe. Pagkakalma ko pa sa sarili

Katulad ng naisip, dahan dahan kong pinakawalan ang hanging inipon ko.

Pinikit ko ang mata ko at pinakawalan lahat ng hangin, nang ramdam ko ng wala na akong hangin, huminga ako ng malalim, akala ko may papasok na tubig sa ilong ko pero parang normal na hangin lang ang nalanghap ko ang kakaiba lang mas malamig ito at medyo mabigat din.

Idinilat ko ang mga mata ko, pagkadilat ko bigla ang napalayo ng may nakita akong pamilyar na balyena, siya yung gustong atakihin ako nung nakaraan ah? Itutuloy niya na ba?

Nakipagtitigan ako sakaniya at naghahanap ng paraan kung paano makatakas. Tsk, ba't ko pa kasi binigay kay Gade yung kwintas?

I pursed my lips and I slowly swim towards him, hindi naman siya natinag dahil lumapit din siya saakin.

"Hi, whale." Awkward kong sabi.

What are you doing? Bulong ko sa sarili ko.

"Uhh.." narinig ko ang mababang ungol niya at biglang lumapit saakin, akala ko kung ano gagawin niya pero tinulak niya lang ako pataas.

Napansin ko na maliit pa ang sukat niya kesa sa mga nakikita ko dati, mga isa't kalahati pa lang ng tao ang laki niya kaya hinuha ko bata pa siya.

"Wait, wait. What are you doing?" Kausap ko sakaniya na akala naman maiintindihan.

"Uhhh..." malalim na ungol niya pa ulit bago ako tinulak pataas.

"What are you doing?!" Nagsimula na ako mataranta dahil pabilis ng pabilis ang pagtulak niya saakin, wala naman akong magawa dahil mas malakas siya.

"Claire..."

Napatigil ako nang marinig ko ang kalmang boses ng babae, siya na naman.

"Anong kailangan mo?" Sagot ko.

"Claire.....accept me..." rinig ko, tinitigan ko naman ang balyenang nasa harap ko na patuloy parin akong tinutulak pataas.

"Ikaw ba ang kumakausap saakin?" Binaba niya ang ulo niya at may bulang lumabas sa bibig niya.

"Wait, did you just frowned?" Naamuse na sabi ko, mukha namang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko kaya tinulak niya ako ng malakas hanggang sa makaahon ako.

"Claire! Saan ka nanggaling?! I've been looking for you! Nasayang ang isang oras natin kakahanap ko sayo!" Bungad saakin ni Gade. Hindi ko siya tinignan at nakatitig lang sa balyenang papalayo na.

Anong nangyari kanina?

Napakunot ang noo dahil sa kaguluhan dumagdag pa ang sinabi ni Gade na isang oras daw akong nawawala, pati ang boses na kanina ko pa naririnig.

"One hour?" Nakunot noong tanong ko.

"Yes, one hour. Where did you go? Lumangoy na ako pailalim kanina hindi kita nakita." Inis na sabi niya.

"What? Nasa ilalim lang ako kanina. Pinakawalan mo nga ata yung whale eh, kasi kasama ko siya kanina—"

"Wait, wait, wait. Whale? Nakakulong siya. Hindi ko pa siya pinapakawalan kasi delikado pa para sakaniya. Malalim yung sugat niya. Anong pinagsasabi mo?"

Nagulat ako dahil sa sinabi niya. This is confusing!

"K-kasama ko siya sa ilalim kanina!" Napataas na ng kaunti ang boses ko dahil sa pagkalito sa mga nangyayari.

"And how did that happen?" Nakapameywang na sabi niya saakin.

"I don't know! Atsaka paanong naging isang oras akong nawawala? Eh saglit lang ako sa ilalim?" Lalong nagsalubong ang dalawang kilay ko.

"You know, you should rest. Kung ano-ano na pinagsasabi mo." Tinulak niya ako ng marahan pabalik sa pampang.

"But—"

"No, buts. Magpahinga kana. Bukas mag-eensayo ulit tayo." Tulak niya ulit.

He can't just leave me hanging!

"I just did, heiress."

Inis ko siyang nilingon at nauna ng bumalik sa bahay.

***

Dive Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon