Chapter twenty six

63 8 0
                                    

After five minutes uminom na ako ng tubig, buti nalang nawala yung lasa nung pinainom saakin ni Gade.

Kahit masama ang pakiramdam ko tumayo parin ako at pumunta sa sala kung nasaan sila. Pagkarating ko sa sala wala na palang mauupuan balak ko sanang bumalik sa kusina para kumuha pero napansin agad ako ni Gade.

"Claire! Dito kana." Sabi niya at tumayo. Lumapit naman ako sakaniya, napansin ko na nakatingin saakin yung babaeng katabi ni Glade, nginitian ko nalang siya dahil wala pa akong lakas magsalita.

"Kumusta pakiramdam mo?" Nagulat ako nung bigla siyang magsalita. Hindi ko alam kung ako lang ba nakaramdam o pati ang iba nung biglang kuminang ang puti niyang buhok.

Kumurap muna ako tsaka sumagot kahit nahihirapan pa ako. "Mabigat pa, pero hindi na tulad kahapon." Hindi na ako nagulat na paos ang boses ko.

"Ah, Claire. Siya nga pala si Karren, ang ating Royal Healer. Siya muna ang mag-aalaga sayo simula ngayon hanggang sa gumaling ka." Pakilala ni Glade sa babaeng maputi ang buhok.

Bumagay kay Karren ang puti niyang buhok at ang katamtamang kulay ng balat niya. Napansin ko rin na may malaki at itim siyang mata at mahahabang pilik mata, may mapupula din siyang manipis na labi, malambing din ang boses niya.

Agad naman akong ngumiti sakaniya at nakipag-kamay. "Claire." Pakilala ko. Ngumiti siya ulit saakin at bumaling kay Ate Trishia.

"Ms. Trishia, maaari ko na po bang simulan?" Magalang na sabi ni Karren. Gusto ko sanang magtanong kung anong ibig niyang sabihin pero hinila na agad ako ni Gade palabas ng bahay.

"Ano ba—" magrereklamo na sana ako pero nauna siyang magsalita.

"Claire, we need to talk." Sabi niya habang nakahawak sa dalawang braso ko. Hindi naman siya mukhang nagmamadali pero mukhang importante ang sasabihin niya.

"About what?" Sagot ko. Naramdaman ko naman na unti unti ng bumabalik ang lakas ko.

"Its about you, again." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya, marahil ay puro tungkol saakin nalang ang nangyayari ngayon.

"Mapapaaga ang pagpunta natin sa Aquarell dahil nagsisimula ng umaksyon ang mga kalaban kailangan ka na namin para mapanatiling ligtas ang kaharian, nanghihina na si Ama at hindi na niya kayang palakasin ang life force ng karagatan. Naalala mo ba yung dust na sinabi ko sa ilalim ng tubig? Yun ang life force ng dagat. It really called dust of light." Diretsyo sa matang sabi niya saakin.

"Sinong mga kalaban? Bakit nanghihina na ang Hari? Anong nangyari sakaniya?" Sunod sunod kong tanong. Masyadong mabilis ang mga nangyayari at sumasakit na ang ulo ko dahil hindi ako makasabay.

"Sa susunod ko na sasabihin ang nangyari kay Ama sa ngayon kailangan mo ng mag-handa sa pag-alis natin mamayang gabi." Tumango nalang ako sakaniya at babalik na sana sa bahay nang pigilan niya ako.

"Sandali, may kailangan muna tayo puntahan." Sabi niya tsaka ako hinila.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang nagpapatangay sa hila niya.

"Sa kweba ng mga kabibe." Nangunot noo nalang ako at sumunod nalang sakaniya.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa kwebang sinasabi niya. "Anong gagawin natin dito?" Tanong ko habang nililibot ang paningin.

Wala namang kakaiba dito sa kweba maliban nalang sa mga kabibeng nakadikit kung saan saan ng kweba, yung iba nasa taas, may roon sa gilid at may roon din sa baba. Pero ang naka-agaw pansin saakin ay ang pinakamalaking kabibe sa gitna ng kweba. Nakapalibot dito ang ibang kabibe na parang ito ang pinuno nila.

Nakita ko namang yumuko si Gade kaya gumaya nalang ako sakaniya. "Elena." Sambit niya. Tumingin ako doon sa pinaka-malaking kabibe na nakita ko sa tanang buhay ko, bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang may unti unting nagpapakita ng hugis sirena. Nakaupo ito ngayon sa kabibe at malumanay na nagsalita.

"Anong maaaring maitulong ko, mahal na prinsipe?" Malumanay ang boses niya. Bahagyang yumuko ito para magbigay galang kay Gade. Pinagmasdan ko naman ang sirenang tinawag na Elena ni Gade.

May kulay lila itong malaking buntot, maputi ito pero kita parin ang kumikinang na kaliskis sa buong katawan niya, marami ding nakasabit na perlas sa iba't ibang bahagi ng katawan niya, may roon siya kulay asul na mata sa gilid ng mata niya ay may maliliit na perlas na nakadikit pati sa noo niya na mukhang nagsisilbing kaniyang korona. Ang itim niyang buhok ay simpleng nakatali ng mataas at sa gilid ng ulo niya malapit sa matulis na tenga niya ay nakalagay ang hindi kalakihang kabibe.

"Reyna Elena, kailangan na pong malaman ng Prinsesa ang propesiyang sinabi mo saaking Ina." Nakayuko paring sabi ni Gade. Gusto ko sanang ulit tignan ang Reyna ngunit pinigilan ako ni Gade.

"Don't look in to her eyes, malulunod ka kahit ikaw pa ang Heiress." Sabi ni Gade sa isip ko. Sinunod ko nalang siya at hindi piniling tignan nalang ang Reyna.

"Claire Miranda." Tumaas ang mga balahibo ko sa batok ng mabagal niyang binanggit ang pangalan ko. Lumunok din ako ng sarili kong laway para pakalmahin ang sistema ko. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak ni Gade saakin. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin no'n pero nagsimula na akong kabahan.

"Prince Gade, may I?" Sabi ni Reyna Elena. Kahit ayaw bitawan ni Gade ang kamay ko ay binitawan niya parin at hinayaang makalapit saakin ang Reyna ng mga perlas.

"Its been sixteen years that I last saw you, Heiress." Sabi ng Reyna at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Claire, what ever happens don't ever look into her eyes!" Sigaw ni Gade sa isip ko nang unti unting inaangat ng reyna ang ulo ko.

"Its fine, my darling." Sabi ng reyna bago tuluyang magsalubong ang aming mga mata. Sa saglit na magsalubong ang aming tingin ay huli kong naalala ay ang pagtawag ni Gade saakin at ang pagbagsak ko sa tubig.

"You will be alright." Bulong ng reyna sa isip ko bago tuluyang lamunin ako ng dilim.

***

Dive Where stories live. Discover now