Nineteen

931 20 4
                                    


"Anong gusto mong sabihin?" tanong ko kay Rivero.

Lumayo kami ng konti para lang sa pag uusapan namin. Ayaw ko mang sumama sa kanya ay napilitan na ako.

Natawa ako ng mahina.

Naawa na ako sa sarili ko. Masyado na akong marupok pagdating sakanya. Dapat hindi nalang ako sumama sakanya para mas maging okay ang buhay ko pero mas pinilit ko parin ang sarili ko.

Siguro ay umaasa pa ako na bumalik sya sa akin? Umaasa pa ako na sabihin nyang nagkamali lang sya ng ginawa. Pero kung ganon nga sasabihin nya sa akin.. ano magiging reaskyon ko? Hahayaan ko ba syang bumalik sa akin ng ganon ganon lang?

"Kayo na ba ni Tyler?" tanong nito sa akin.

Nagulat ako.

Bakit nya sa akin tinatanong ang bagay na yon? Nagseselos ba sya sa amin? Hindi, Ysobelle. Hindi sya nagseselos sainyo. Hindi ka na nya gusto eh.. kaya ka nga iniwan.

"We're getting to know each other." sabi ko nalang.

Dahan dahan itong tumango sa akin. Pero may kakaiba sa pag tango nya.. para bang galit sya sa narinig nya mula sa akin.

"You know him already.." madiin na sabi nya sa akin.

Ngumisi ako sakanya.

"Yeah. But I want to be close with him."

"You don't need to do it."

"You don't have the right to say that. Buhay ko 'to, labas ka na don." naiinis na sabi ko.

Bakit ba sya kasi nakekealam sa mga gagawin ko? Bakit pa kasi sya nakekealam sa buhay ko? Matagal na syang walang karapatan simula nung iniwan nya ako.

"Kahit kailan hindi ako magiging labas sa buhay mo." ngumiti ito sa akin ng pilit.

"Why? As far as I remember, you left me. You hurt me. How come you can say that words on me? Like you did nothing wrong at all.."

Natahimik sya.

Pumikit sya ng mariin habang tumingala. Para syang maamong tupa na pinagalitan ng amo nya. I can't remember the first time I smile like this. Siguro nga ay hindi pa rin talaga ako nakakapag move on sa nangyari sa amin.

It's been a months since we fell apart. But until now, i can say that he's still the one. Na kahit anong ipilit ko ay hindi magbabago ang nararamdaman ko.

"Do you like him?" tanong nito uli sa akin.

Pero ang pinagkaiba sa una nyang tanong ay ito ay seryoso ang mukha nya habang tinanong iyon sa akin. Na para bang kahit isang salita ko pabalik sakanya ay mawawala na ang lahat.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. Bakit ako natatakot ng ganito ngayon? Pakiramdam ko iiwan na naman nya ako sa pangalawang pagkakataon.

"I-Im not sure.." nanginginig na sabi ko.

"You're not sure about your feelings for him? So there's a possibility of you, liking him?" tanong nya.

"I don't like him. But I'm happy because he's always by my side."

Tumango ito.

Na para bang kuntento na sya narinig nya sa akin. Napaisip tuloy ako na baka hindi parin sya nakakapag move on katulad ko. Na baka hanggang ngayon ako parin ang nasa isip nya palagi?

Natawa ako ng mahina.

Imposible na siguro ang mga iniisip ko ngayon. Panigurado ay masaya na sya sa piling ni Eunice ngayon. Panigurado ay masaya na sila ni Eunice. Its been a month and I'm sure that he move on already.

You Are The ReasonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora