Twenty One

809 11 0
                                    


"What happen to you?" tanong ni Kuya sa akin.

Hindi ako nakapag salita agad. Iniisip ko pa rin kasi kung bakit nandito si Ricci at kasama pa nya. Hindi nya ba naalala na sinaktan ako ni Ricci?

"Labas muna kami. Usap muna kayong dalawa ng Kuya mo." ani Tyler.

Tumango ako bilang pagsang ayon.

"Nakakain kasi ako ng Peaunut. Nakalimutan ko na may Allergy pala ako don." sabi ko ng nakitang naka labas na silang lahat.

"Wala man lang bang nag bawal sayo?" tanong nya.

"Nakalimutan din nila. Ofcourse, we are all hungry." sabi ko.

Hindi ito nagsalita.

Umupo lang ito sa tabi ko at tahimik lang. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya. Parang meron syang tinatago sa akin na ayaw nyang sabihin.

Syempre ay sabay kaming lumaki kaya alam ko kung may problema o wala, kahit hindi nya sabihin sa akin. Pakiramdam ko ay may bumabagabag sakanya ngayon na ayaw nyang sabihin kahit kanino.

"Bakit kasama mo si Rivero?" tanong ko sakanya.

Nakita ko naman ang pagbago ng exprasyon ng mga mata nya. Ang kanina ay balisa ngayon ay mukhang natataranta naman.

"About sa Basketball lang," anya

"Basketball? Eh bakit hindi kasama sila Thirdy at mukhang kayo lang dalawa?" tanong ko.

I know it doesn't matter. Pero alam ko na may iba pang dahilan kung bakit. Napakaliit na bagay lang nito pero pinapalaki ko pa.

"Hindi naman kailangan kasama sila eh." maikling sabi nya.

Napatigil nalang ako.

Alam kong may mali. Pero hindi naman maganda na nanghihimasok ako sa bagay na hindi ako kasama. Atsaka kung ayaw nyang sabihin sa akin ay ayos na siguro.

Bilang kapatid nya, syempre gusto ko malaman. Pero kung ayaw nyang sabihin, huwag nang ipilit.

Pagkatapos ng pag uusap namin ay hindi na ulit sya nagsalita ulit. Naramdaman nya siguro na ayaw ko na ring magsalita kaya ganon.

Kinuha ko nalang ang Phone ko at nagpatugtog. Sinaksak ko ang earphones ko sa tenga ko para makinig nalang kanta. Nakakabingi ang katahimikan kaya mas mabuting makinig nalang ako ng sounds.

Nakita ko na may nag text sa akin kaya pinindot ko iyon.

Tyler:

Are you okay now?

Ako:

Ayos naman na ako. Salamat sa concern mo ah!

Tyler:

Walang anuman. Kasama mo si Anton?

Ako:

Oo. Bakit?

Tyler:

Akala ko kasi may iba kang kasama.

Napaisip ako.

Panigurado ay nakita nya si Rivero na nasa labas kanina. Kaya siguro akala nya ay kasama ko sya ngayon.

Napangiti ako.

Ako:

Selos ka? HAHAHA!

Tyler:

No! Why would I? Wala naman akong karapatan.

Wala naman akong karapatan.

Na alala ko noon, laging yan ang nasa isip ko kapag nagseselos ako. Lagi kong sinasabi yon kapag alam kong talo na ako.

Si Tyler ay nagseselos. Parang ako noon.

Hindi ko mapigilang masaktan para sakanya. Una, nasasaktan ako dahil nasaktan ko sya. Pangalawa, nasasaktan ako dahil nakikita ko ang sarili ko sakanya noon kaya alam ko ang nararamdaman nya ngayon.

Tyler likes me.

At hindi ako sigurado kung gusto ko sya.

Pero sigurado ako na gusto ko pa rin si Rivero.

Rebound?

Ginagawa ko ba syang rebound?

Ayokong makasakit ng ibang tao. Gusto ko lang naman maging masaya pero hindi ko expect na makakasakit pala ako ng tao.

Dapat alam ko na mangyayari to eh. Dapat ay iniwasan ko nalang eh. Pero dahil sa kagustuhan kong maging maligaya ay, hindi ko namalayan na hinahayaan ko na palang may masaktan dahil sa akin.

Hindi na ako nag reply. Dahil hindi ko narin naman alam kung ano sasabihin ko. Baka mas lalo lang lumala ang lahat ng 'to.

Maybe i should end this?

Or i would give Tyler a chance?

Maybe a chance for me too?

A chance for me to be happy too.

Kinuha ko ang Phone ko at nagtipa sa Twitter.

Ysobelle Asistio @ysobelleasistio_

Should I give him a chance?

💬1000 🔁600 ♥️15,000

@maddiemadayag give tyler a chance!!

@beadeleon it's your choice.

@thirdyravena mukhang manlilibre si tyler bukas ah?

Natawa nalang ako.

"Kuya Anton?" tawag ko sakanya.

Tumayo ito sa pagkaka higa tsaka lumapit sa akin. Hawak nya ang Phone nya at mukhang nakita nya na rin ang tinweet ko kanina.

"I'm not sure about my feeling for Tyler." sabi ko.

"But are you happy with him?" tanong nya.

Natahimik ako.

Masaya ako sakanya. Masaya ako kapag lagi syang nasa tabi ko. Masaya ako kapag hindi nya ako iniiwan. Masaya ako kasi hindi nya ako pinapabayaan.

"Y-Yes.." mahinang sambit ko.

Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata nya. Eto yung lungkot na nakita ko kanina nung tinanong ko sya about kay Rivero. Ganitong ganito ang itsura nya kanina.

Nag aalala ako sakanya ngayon dahil hindi ko alam ang problema nya, kaya hindi ko sya matulungan. Hindi ko sya kayang makitang malungkot pero wala naman akong magawa.

"I'm happy because you are happy." aniya.

"Really? Then why are you sad? Is there something wrong.."

Ngumiti sya sa akin. "I'm okay. No need to worry, alright?"

Alam ko meron. Alam ko merong problema. Pero bakit ayaw mo sa akin sabihin, Kuya Anton?

Hindi nalang ako nagsalita pa.

Kung papahabain ko pa ang pag uusap ay baka talagang matanong ko sya at kulitin sa totoong nangyayari sakanya. Mas maganda na rin sigurong manahimik nalang sa gilid at antayin sya, para sabihin ang problema nya.

I'll just wait.

You Are The ReasonWhere stories live. Discover now