01

41 1 0
                                    

#IWHChapter01

Huminga ako ng malalim at pilit na pinipigilan ang sarili ngumiti ng mag-isa.

Ngayon kasi ang stage play namin na kung saan ang section namin ang nakatakda mag perform. Bilang monitor ng section, ako ang kukumpas para sa mga kasali sa choir. Hindi ko maiwasan matuwa dahil kahit papaano may parte ako sa performance, hindi lang sa pag le-lead.

Inayos ko nalang ang mga flag pole habang naghihintay. Rinig ko ang mga hiyawan ng mga kapwa ko estudyante sa labas! Lalo akong na e-excite!

"Naghahanda na sila doon, smile." Tugon ni Kathrina. Iyong classmate ko. Ngumiti ako sakanya at tumango.

Lumapit si kathrina saakin at tinulungan akong ayusin ang mga flag pole dahil mabigat iyon.

Ilang distandya ang pagitan ko mula sa flag pole ng biglang aksidenteng tumumba ito at saktong tumama ang pinaka dulong bakal sa kamay ko ng tangka ko itong saluhin. Napahiyaw ako sa sakit.
Agad akong kinamusta ni Kathrina.
Huhu ang sakit! Mas masakit pa sa pag-iwan ng jowa mo sayo!

Nabigla naman ako ng may nagtangkang humabol sa pag-tumba ng flag pole mula saakin. Napatingin ako kay Kyro.

"Are you okay? " Tanong nya. Hindi ko na sya pinansin ng biglang dumating si Ary.

"Smile! Magsisimula na ang play, hinahanap ka na ni Sir!" Sigaw saakin ng classmate kong si Ary. Inayos ko ang sarili at dali-daling tumungo sa costume room.

"Where's Smile?!" Bungad ng adviser naming si Mr. Cariño.

Lumapit saakin si Mr. Cariño.
"Mag sisimula na tayo. Kailangan maayos ang play para hindi nakakah---

"What happened to that?" Biglang tanong nya. Napatingin ako sa pasa ko sa ibabaw ng kamay ko kung saan nakatingin si Mr. Cariño ngayon.
No! Baka hindi na ako pasalihin!

"A-ah.. Bigla po kasing lumipad iyong flag pole sakin tapos dumiretso sa kamay ko, Sir.." Napakamot naman ng ulo si Mr. Cariño.

"Del Mundo, hindi ka pwede mag-perform sa ganyang kalagayan. Ikaw ang mag-kukumpas at kitang-kita iyang malaking pasa mo." Tugon ni Sir. Agad akong nag protesta.

"S-sir! Kaya ko naman eh. Tsaka sino po ang papalit saakin?" Nakakainis! Minsan nalang ako mag-ka parte sa ganito, kesa pa nangayari ang kamasalan.
Haynako, Smile. Wala talagang masaya na nangyayari sayo! Tch.

"Pahilumin mo na lang yan, Del Mundo. Magsisimula na ang play!" Napa simangot ako.
Sayang naman ang pula na dress kong suot. Paniguradong nanonood din ang magulang ko sa labas at mag-aantay saakin.
Yari na naman ako nito!

Walang gana akong nag-palit ng damit. Wala na naman akong parte sa performance nila.
Pag-tapos ko magpalit, walang gana akong bumalik sa back stage para sana awayin iyong flag pole sa pagsira ng pagkakataon ko!
Ngunit bumungad saakin si Kyro doon at yung isa pa naming classmate na si Sophie.

Nakatalikod si Kyro at nakaharap naman si Sophie sakanya.
Tumungo naman ako sa pwesto ng mga flag pole malapit sakanila, mukhang hindi nila ako napansin.

Biglang humiyaw ang mga tao sa labas. Sumilip ako sa kurtina na nakatakip. Tulad ng inaasaha, si Gale iyong pumalit saakin. Pero Mas mabuti na iyon. Napangiti naman ako. Ang ganda nya lalo tignan dahil sa pulang dress na suot nya. Nagpakilala sila ni Evan sa harap ng mga nanonood.
Kita ko pang ngumiti sila sa isa't-isa.

It Was HimWhere stories live. Discover now