02

16 1 0
                                    

#IWHChapter02


"Ma, alis na 'ko!" Dali-dali kong binitbit ang bag ko palabas ng bahay. Kainis talagang Redentor 'yon! Hindi ako ginising at nauna ng pumasok!

Si Gale naman, usually hindi talaga kami sabay tuwing papasok, masyado kasing masipag 'yun at maaga umaalis ng bahay. Ako naman, papasok lang ng maaga kapag wala akong assignment, para makakopya!

Mabilis naman ang usad ng sasakyan. Isang bus lang ang sinasakyan ko mula sa bahay, hindi naman kasi gaano kalayuan ang School sa tinitirahan namin.

"Magandang umaga po!" Bati ko kay Manong NONO, ang guard ng school. Natatawa naman akong pumasok ng campus. Kung nagtataka kayo kung bakit NONO ang tawag ko kay manong guard, short kasi 'yun ng NO i.d, NO entry. Palagi kasi n'yang sinasabi 'yun sa bawat pagpasok namin!

"Goodmorning, monitor!" Bati ng mga classmates kong nasasalubong ko sa hallway. Nakangiti akong pumasok sa klase ngunit agad ding napawi 'yon nang makita ko si Kyro na kasalukuyang nakaupo sa puwesto ko katabi si Evan.

Nagkunwari naman akong umubo, dahilan para matigil sya sa katatawa nya.

"Alis." Tugon ko. Tinignan nya lang ako ng may pang-aasar.

"Bakit?" Tanong nya. Lalo akong nainis.

"Malamang d'yan ako nakaupo." Sagot ko naman. Ngumisi sya at tsaka umayos ng upo.
Sige, tagalan mo pa. Nangangawit na ako!

"Iniba na ni Mr. Cariño, hindi na boys and girls ang sitting arrangement." Sambit nya. Kumunot naman ang noo ko.

"Wala akong pake! Hindi naman ako kinikilalang babae ni Mr. Cariño! Alis!" Tumawa lang ito. He cross his arms and stare at me.

"Dito na ako nakaupo, simula ngayon." Tugon nya. Napatigil naman ako.
Hindi na ako ang katabi ni Evan? Hindi ko na sya masisilayan? Sino na lang gigising sa'kin tuwing nakakatulog ako?!

"Hindi! Hindi pwede!" Sigaw ko. Napatigil naman si Kyro at bigla nalang tumawa ng malakas habang pumapalakpak pa.

"Hmmm, ayaw mo talaga mawala sa tabi mo si Evan ano?" Pang-aasar nya. Napapikit ako sa inis. Napatingin ako sa mga classmate ko na nakatingin na saamin ngayon! Kainis!

"I'll just get some water." Napatingin ako kay Evan na ngayon ay tumayo mula sa upuan nya. Kinuha nya ang tumblr atsaka diretsong lumabas ng room.

Inis kong hinila si Kyro sa collarbone nya atsaka pilit na pinatayo mula sa upuan ko. Tumatawa pa din ang loko.

"What? Feel embarrassed?" Asar nya pa. Hindi ko sya pinansin at tumungo nalang sa table ko.

Mas lalo akong nainis ng iharap nya ang upuan sa harapan ko at umupo sa tapat ko.

Nilapit nya ang mukha nya saakin, napaatras naman ako.
"You..." Sambit nya. Bigla naman itong ngumiti.
Seriously? Hobby nya ba ang ngumit ng bigla bigla?

"You like Evan!" Sigaw nya. Agad akong napatayo. Napatingin na naman tuloy ang mga classmates ko sa'min!

"A-ano bang pinagsasabi mo!" Utal kong tugon. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko!
There's no way he would find out!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It Was HimWhere stories live. Discover now