Chapter 10

678 23 0
                                    

"Hoy di ka Naman nakikinig e." Sabi ni Cristy.

Andito ako ngayon sa bar at nag ttrabaho. Naisipan kong bumalik na ng trabaho. Pero tuwing umaga pumupunta pa din ako sa subdivision nila Laurence. Hoping, na Sana ipakita Niya si Alexis sakin.. na Sana ibalik Niya na si Alexis sakin.

"Tsk. Lutang Ang Gaga. " Sabi Naman ni violet.

"Ha? Anu ba Yung sinasabi niyo?" Tanong ko ulit.

"Sabi ni Cristy maganda daw ako, pero wag Lang pinapaulit Ang sinasabi ko Kasi baka may masabunutan ako." Sabi ni violet sabay irap. Hinampas Naman siya ni Cristy.

"Gaga. Tumigil ka nga." Sabi ni Cristy. Inirapan Naman siya ni violet bago umalis. "Okay ka Lang ba Hazel? Parang Wala ka sa sarili mo ah?" Sabi niya.

"Okay Lang ako." Sabi ko bago siya nginitian. Hindi ko Naman nakwento sa kanila Ang nangyari. Ayoko ng mag-alala sila.

"Sigurado ka? Lutang ka ghorl. Sigurado ka bang Wala kang problema?" Sabi niya.

"Oo. Wala." Tipid na nginitian ko Ito. "Anu nga pala Ang sinasabi mo?" Tanong ko ulit.

"Sabi ko kailan namin pwede Makita si Alexis. Day off namin ni violet sa Thursday. At Alam Kong day off mo din Yun. Kaya pwede naba namin siya Makita?" Sabi ni Cristy.

Natigilan Naman ako.

Gusto nilang Makita Ang anak ko... Paano ko ba sasabihin na kahit ako, di ko na nakikita Ang anak ko?

Huminga Naman ako Ng malalim. "May lakad kami ni Joana sa Thursday e. Sa susunod na Lang. " Sabi ko

Meron bang susunod? Sigurado ka ba na makikita mo pa Ang anak mo? Sigurado ka ba na ibabalik siya sayo ni Laurence?

"Ganun ba? Sige sige. Sasabihan ko na Lang si violet." Sabi neto bago umalis.

Miss na miss ko na si Alexis. Kamusta na Kaya Ang anak ko? Masama pa Rin ba Ang pakiramdam niya?

Pasensya kana anak, Wala si mama dyan...

Bumalik na ako sa labas at nag trabaho. Ayokong abusihin Ang pagiging mabait sakin ng manager namin. Nag focus na Lang ako sa pag ttrabaho. Hindi naman sa ayaw Kong isipin si Alexis. Hindi Naman lumipas Ang isang segundo na si naiisip Ang anak ko. Ang ayaw ko Lang isipin ay Ang tatay Niya na pilit siyang nilalayo sakin.

"Anu ba?!" Agad akong napatingin sa babaeng nabangga ko. Nabasa ko Ang damit Niya Ng juice na hawak ko.

"Pasensya na po, Hindi ko sinasadya" Sabi ko.

Bakit ba Kasi di ako tumitingin sa dinadaanan ko?

"Pasensya? Mabibili ba ako ng bagong damit nang pasensya mo?" Tanong Niya. Halata naman na galit Ito. Napayuko Naman ako. Ramdam ko na din ang iba ay tumitingin na samin.

"Pasensya na talaga Ms. Hindi ko talaga sinasadya." Sabi ko na naka Yuko pa din.

"Bitch, bayaran mo tong dress ko." Sabi Naman Niya, napa angat ako Ng tingin.

Jusko, Wala pa akong pera. Saan ako kukuha Ng pera? Mukhang Mahal din Ang suot niyang dress.

"Anu? Tutunganga ka Lang?" Sabi niya.

"Hindi ko talaga sinasadya Ms.." Sabi ko. Hoping na Sana mapatawad Niya ako. At para na din di na niya  pabayaran Ang dress Niya. Wala talaga akong pera.

"Sinadya man o Hindi, nabasa ako. So pay for my dre--" Hindi na Niya natuloy Ang sasabihin Niya ng may nag salita Mula sa likuran ko.

"I'll pay for your dress." Sabi ng lalake sa likod ko.

Hindi ko na kailangan linungin Kung Sino Ang nag salita. Boses pa Lang kilala ko na Kung Sino siya.

Pero meron akong naramdam. Maling nararamdaman. Bakit Parang miss na miss ko siya? Alam Kong Mali Ito. Pero Kasi, na miss ko Ang Boses Niya.

Pero nawala Ang pag ka-miss ko sa kanya nang maalala ko Ang sinabi Niya sakin. Pokpok. Bitch. That was something I didn't expect Laurence to say to me.

"L-Laurence?" Gulat na Sabi nang babaeng.

"How much is your dress?" Sabi ni Laurence.

Hindi ko magawang linungin siya. Hindi ko Kaya. Naiisip ko pa din Ang mga sinabi Niya sakin. Masakit pa din...

"H-Hindi ko Alam na kilala mo siya Laurence.. " Sabi nung babae na halatang kinakabahan na. Tumingin siya sakin. "I'm sorry. I didn't know kilala ka ni Laurence." She said bago umalis.

Anung nangyari?

Parang kanina lang galit na galit siya sakin. Pero nung nakita niya si Laurence, natameme siya.

"Laurence!" Napasigaw ako ng bigla Niya akong hatakin. "Bitawan mo nga ako." Sabi ko at pilit na kinukuha ang kamay Kong hawak Niya. Pero dahil malakas siya keysa sakin, Hindi ako nag tagumpay sa pag bawi Ng kamay ko sa kanya. Nakarating kami sa cr. Pumasok kami dun at ni-lock Niya Ang pinto. Napatingin Naman ako sa loob Kung merong Tao, pero mukhang Wala Naman.

"Bakit ba Ang tanga tanga mo? Simpleng pag hawak lang nang juice hindi mo magawa! Nang gulo kapa!" Sigaw Niya. Nagulat Naman ako sa sinabi Niya.

Ako? Nang gulo?

Hindi Niya ba nakita na hindi ko naman sinasadya Yung nang yari, at Yung babaeng Yun Ang nagagalit at sumisigaw?

"Hindi ko sinasadya Ang nangyari" Sabi ko. Iniwas ko din Ang tingin ko sa kanya dahil pakiramdam ko, iiyak na ako.

Bakit ba siya nagagalit? Kanina Lang nag-alala siya sakin. Pero ngayon, galit na galit siya.

"Gamitin mo Kasi utak mo. Hindi Yung kabobohan mo." Laurence said.

Pilit Kong pinapakalma Ang sarili ko. Ayokong umiyak sa harap niya. Ayoko...

"S-Si Alexis.." ramdam ko Naman na nakatingin Lang siya sakin. "N-Nakatulog naba siya?" Tanong ko. Ramdam Kong nanginginig Ang Boses ko. Siguro ay dahil na din sa mga luhang pinipigilan ko. Pero Hindi ko Kasi kayang tiisin Ang Hindi mag tanong tungkol sa anak ko.

"Anu bang pakealam mo sa anak ko? Wala kang karapatan na kamustahin siya. Tingin mo matutuwa siya pag nalaman niya Ang Ina Niya ay nag ttrabaho sa bar? Lumalandi? Tignan mo nga Ang sarili mo Hazel. Parang Hindi ka isang Ina." Sabi niya.

Ang sakit.

Ang sakit sakit ng mga sinasabi ni Laurence sakin. Ang sakit kasi galing pa sa kanya. Ang sakit kasi qinu-question Niya Ang pagiging Ina ko.

Alam Kong Hindi ako perpekto. Pero Isa Lang Ang maipag mamalaki ko, Yun ay Ang pagiging Ina ko. Dahil Alam ko sa sarili ko na ginawa ko Ang lahat para maibigay ang kailangan ni Alexis.

"Lalabas na ako." Sabi ko bago nilagpasan siya. Ayokong kausapin siya pag galit. Ayokong Makita niyang nasasaktan ako.

Ako Ang nang iwan diba? Dapat Lang panindigan ko ang pag alis sa buhay Niya. Dapat ko ipakita sa kanya na Hindi ako na eepektohan sa kanya.

Pero Sino Ang niloko ko?

Dapat Hindi ko maipakita na Hindi ako na eepektohan, pero Alam ko sa sarili ko na na-eepektohan ako sa kanya.

Ako Ang nang iwan? Pero bakit kahit tatlong taon na Ang nakalipas, di ko pa rin kayang alisin Ang pagmamahal ko sa kanya? Bakit kahit Ang sakit sakit na, di ko pa rin kayang kalimutan siya?

Ngunit, Ang kaninang pinipigilan Kong luha ay agad na tumulo nung may sinabi si Laurence bago ako maka labas ng banyo.

"Hindi gugustohin ni Alexis Ang magkaroon ng inang kagaya mo. Walang kwenta."

Loved (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora