Chapter 20

93 11 0
                                    

Aliyah's POV

"Sapphire, please sabihin mo na lahat sa akin"

"Hindi pwede, Aliyah"

Pumasok siya nang kotse niya at pinaharurot yun.

Ilang araw ko na siyang gustong makausap pero umiiwas siya.

Biglang nagring ang CP ko sinagot ko yun nang hindi tinitingnan ang caller.

"Hello?"

"Hi, Aliyah"

"Janna?"

"I miss you best friend"

Ngumiti ako matagal na ring nanatili sa amerika Sina Janna at ang pamilya niya.

"I miss you too. Kamusta ka na?"

"Eto ok na din kahit papano"

"Anim na taon na ang lumipas Aliyah kalimutan mo na ang nangyari"

"Hindi ko makalimutan si Harley, Janna"

"Masakit din sa akin yung nangyari kay Harley"

"Hindi maalis ang sakit sa puso ko, Janna"

"Try to move on ok? patuloy ka lang malulungkot at masasaktan pag naalala mo ang kahapon"

"I'll try"

Pumasok ako sa kotse ko at pinaandar yun nilagay ko ang Bluetooth headphone sa kaliwang tenga ko at nagpatuloy sa pakiki-pagusap kay Janna.

Pagkabig ko nang manibela papaliko ako ng may biglang tumawid napapreno ako nang wala sa oras.

God! Sino ba yun? Agad uminit ang ulo ko.

"Teka lang, Janna" in.end ko yung call.

Galit akong lumabas ng kotse at hinarap yung salarin na abala sa pagkuha nang salamin niya.

Nameywang ako.

"Bulag ka ba ha? Bakit bigla kang tumawid eh kita mo naman ang kotse na papaliko"

"Pasensiya ka na miss nagmamadali kasi"

Humarap siya sa akin at natulala ako at napaawang ang labi.

"H-harley?"

Kumunot ang noo niya.

"I'm Dale, Miss. Sinong Harley?"

Hindi ako pwedeng magkamali.

"I-ikaw si Harley buhay ka"

Niyakap ko siya ng mahigpit humagulhol ako nang iyak.

"T-teka lang miss. Sino ka ba?"

Nilayo niya ako sa kanya at gulong gulo akong hinarap.

"H-hindi mo ako kilala?"

"Mukha bang kilala kita tsk"

"P-pero paano? I-ikaw si Harley ko"

"Harley mo? eh hindi nga kita kilala"

"Paanong naging Dale pangalan mo?"

"Dale Sanchez is my name naiintindihan mo?"

Galit na ang mukha nito.

Sanchez?

"Hindi. Harley Garcia ang pangalan mo"

"I don't know you okay may pupuntahan pa akong building interview ko ngayon tss"

Pumara ito ng Jeep at ako natulala pa rin.

Buhay si Harley pero sino yung pinaglamayan? Hindi kasi ako naka-punta nung binurol siya. Naguguluhan ako si Sapphire lang ang makakasagot ng mga tanong ko.

Harley's POV

Lulugo Lugo akong umuwi.

"Oh, dale buti nakauwi ka na ano? Tanggap ka ba?"

"Anna, hindi eh"

"Sabi ko naman sayong wag ka nang magtrabaho"

"Ayoko kasing umasa lang sa'yo Anna gusto ko ring tumayo sa sarili kong mga paa"

"Kaya mo na bang mag-trabaho?"

"Oo naman kahit tatlong taon akong nacomatose kayang kaya ko"

"Nag-aalala lang ako baka mapano ka na naman alam mo namang may balak pumatay sa'yo diba? Iniligtas kita kasi mahal kita"

Ngumiti ako at lumapit sa kanya.

"Salamat sa pagmamahal, Anna"

Naalala ko yung mukha nang babaeng nakita ko kanina. Tinawag niya akong Harley? Sino ba siya? Bakit biglang tumibok ang puso ko nang makita ko siya? Dale ba talaga totoo kong pangalan? At si Anna siya ang nag-aruga sa akin noong nacomatose ako nang tatlong taon. Sino ba talaga ako?.

Touch Of LoveWhere stories live. Discover now