Chapter 01

52.2K 864 46
                                    

KABANATA I

[JIRSTEN MYLES]

“Ang tagal mo naman, Myles. Nagsisimula na sila!” sigaw ni Chynna. Matamlay naman akong nagpahila sa kaniya.

Honestly, I don’t wanna be here. Ang pumunta sa ganito kaingay na lugar? Mas pipiliin ko pang manatili sa bahay at magpinta. Ngunit dahil sa kagustuhan ni Chynna na panuorin ang isang banda na magpi-perform ngayon sa bar na ito ay hindi na ako nakatanggi. Nangako ako sa kaniya na sasamahan ko siyang manuod sa bandang kinahuhumalingan niya ngayon.

Pagkapasok namin sa bar ay rinig na namin ang ingay sa buong paligid. Wala akong nagawa kung hindi ang takpan ang tainga ko. Pakiramdam ko ay masisira na sa lakas ng ingay sa buong paligid.

Kung alam kong ganito lang ang makikita ko rito ay hindi sana ako naawa sa mga pakiusap nito. Hindi ko naman siya matiis. After all, she’s my only friend. Siya lang ang tumanggap sa akin sa kabila ng background ko.

Makalipas ang tatlong oras ay natapos na rin ang gig ng banda.

“Tinawagan ako ni Landon. I said we’re in Seyas bar kaya huwag na siyang mag-alala. Kaso ayaw magpapigil at gustong pumunta dito kahit sinabi kong kasama kita,” pagmamaktol ni Chynna na siya namang ikinatahimik ko.

Landon is her boyfriend, two months na sila. Not totally boyfriend/girlfriend. Napilitan lang sila dahil sa kagustuhan ng mga magulang nila. Pinagkasundo kasi sila ng mga magulang nila. But I assume mahal na ng best friend ko si Landon.

Makalipas ang ilang minutong pag-uusap namin ay dumating na rin si Landon. Nagtama ang mga mata namin ngunit agad din akong nag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang paglapit niya sa nobya niya.

“Babe,” saad ni Landon.

“Hey,” galak na tugon ni Chynna. Mabilis na hinalikan ni Landon ang pisngi nito bago umupo sa pagitan namin.

“Bakit ngayon ka lang?” Chynna pouted. She’s being childish when Landon is around.

“Traffic,” pagdadahilan ni Landon.

“Uminom muna tayo.”

“Hindi ako iinom. Baka pagalitan ako ni Tita. I-uuwi pa kita sa inyo.”

“Okay! Kami na lang ni Myles.”

Hindi ko sila binigyan ng pansin. Ngunit hindi ko maitanggi ang kirot na namumuo sa kailaliman ng puso ko.

That should be me. Ako dapat ang nasa posisyon niya. I was Landon’s girlfriend, but she came to our lives, and everything messed up.

Don’t get me wrong, I love my best friend. Hindi ko siya magawang kamuhian. Hindi naman niya kasalanan na ipagkasundo siya kay Landon.

Landon and I were secretly in a relationship for almost three years until now. Gusto ko mang pakawalan siya nang tuluyan ay hindi ko magawa. I can’t let him go. I just can’t.

Kung bakit ako pumayag sa ganitong set-up, iyon ay dahil sa pinangako niyang aayusin niya rin ang lahat. May sakit kasi ang Mommy niya at baka lumala kapag hindi siya pumayag sa kagustuhan nito. Isa pa, labis ang pagtutol nila sa relasyon namin dahil sa trabaho ng nanay ko noon.

The Mistress's Daughter (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon