Chapter 06

19.3K 625 47
                                    

KABANATA VI

[JIRSTEN MYLES]

Days came and I never saw Owen again. I know he’s angry. Kahit kausapin ko siya ngayon ay alam kong sarado ang isipan niya ngayon.

Palabas na sana ako ng mansion nang matanaw ko si Tito na pasakay na sa kotse niya. Looked like he was about to go to work, so we were probably the only ones in this house except for the maids.

Napatingin ako sa silid nila nang makitang nakaawang ang pinto ito kaya napagpasyahan ko na tignan si Mama.

I slowly opened the door of their room. I immediately saw Mom in front of the mirror, happily putting some jewelry on her hands. Sa tingin ko ay galing iyon sa may kalakihang kahon na nasa tabi niya. I think they belong to Tito’s first wife.

Agad akong nagtungo roon at inagaw sa kaniya ang kahon na naglalaman ng mga alahas.

“Ma, akin na iyan!” I exclaimed. Mama immediately stood up and hid her hands.

“Jirsten!”

She looked at me in surprise. I put down the box I was holding and violently took her hands to remove the jewelry she was wearing.

“Jirsten, ano ba?!”

Itinulak niya ako sa palayo sa kaniya. Nawalan naman ako ng balanse. Napadaing ako nang maramdaman ang pagbagsak ko sa sahig.

“Jusko! Hindi ko sinasadya.”

Natatarantang nagtungo sa akin si mama at inalalayan na makatayo. Muli ay sinubukan kong tanggalin ang mga alahas sa kamay niya ngunit gaya nang una ay patuloy rin siya sa pagpigil sa akin.

“Ma!”

I wanted to cry. I suddenly screamed when I couldn’t take it from her. Wala akong pakialam kung marinig man kami ng mga kasambahay. I just wanted to disappear all of a sudden. Mababaliw na ako sa lahat ng nangyayari.

I felt ashamed for the past few days. I don’t know if I can face Owen again.

“Bakit ba?!” Rinig ko na rin ang pagtaas ng boses niya. “Bakit ka ba sumisigaw?!”

“Ma, ibalik niyo iyan,” mahinahong utos ko sa kaniya. For the second time, she hid her hands again.

“Akin ‘to,” pag-aangkin niya. Napakagat naman ako sa labi dahil sa inis.

“Ma, kapag nakita ka ni Owen na suot ang mga ‘yan, hindi mo gugustuhin ang gagawin niya,” pagsusumamo ko.

I heard her sigh. “At ano naman ang gagawin niya? Don’t worry, hindi ko gagamitin ito. Mas marami pang maibibigay sa akin si Oliver–”

“Maa!”

“Ano?! Ano?! Ano?!”

Naiinis na rin siya sa inaasal ko. Nagsisigawan na kami rito. I stared at her eyes until my tears started to fall. Napasabunot ako sa sarili kong buhok.

“Mababaliw na ako...” I whispered.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na dumagsa. Magkahalong inis at awa ang nararamdaman ko ngayon. I have been consumed by guilt for several days. Wondering if it was right for me to agree to live here for the sake of my mother’s happiness. Dahil sa ginagawa namin, may isang tao kaming nasasaktan.

The Mistress's Daughter (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon