Ika-una

29 9 0
                                    

A/N: This will be my very very first full romance story. At sana magustuhan niyo hihe

-

'Let's go Celine, Wala tayong mapapala kung tititigan mo lang siya mula sa malayo. Can't you see? Wala naman siyang kasama! So c'mon!'

Pilit akong hinihila patayo ni Daisy pero hindi ako nag papatinag. Ayokong mapahiya saka isa pa, pandidirihan lang ako niyan.

'Damn it! Ayaw mo?! Ako yung lalapit dun at ibubul-hajbwjwisbwiwnv!!!!'

Mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo at tinakpan ang malakas niyang bunganga! Bakit ba kasi traydor minsan ang mga kaibigan! Ipapahamak pa ako!

'Ano ba!' Bulyaw niya nang maka takas siya sakin. 'Nakakadiri! Pwe! Ang alat ng kamay mo! Anong bang kinain mo!' reklamo nito sakin at dumudura dura pa. Palihim naman ako napatawa. Nag dakot ako ng asin kanina sa bahay kaya siguro maalat HAHAHAHA! KADIRI NGA!

'Zeus!' Sabay kaming napatingin ni daisy sa babaeng tumatakbo palapit sa my love ko! Iritang irita ako dahil malayo  sila sakin kaya naman hindi ko marinig yung pinag uusapan nila, Sarap ding sakalin ng babaeng yan ah.

'Tara na Daisy. Kailangan ko na palang umuwi' pag sisinungaling ko, ang totoo ay ayaw ko lang makita siyang may kasamang iba. Ewan ko ba. Ganon talaga siguro kapag nag kakaroon ka ng feelings sa isang tao. Mararanasan mong maging selfish.

'Ayan! Ang torpe mo kasi! Alam mo ikaw Celine! Ang hilig mong tumunganga habang nasasaktan! Hindi naman masama yung umamin ng feelings para sa isang tao. Alam mo kung ano yun mali? Yung wala kang ginagawa kahit isa man lang! Jusko po babae, madedepress ako sayo' pangangaral niya sakin pagkatapos ay nag martsa na palayo. Totoo naman kasi lahat ng sinabi niya. Hindi naman din niya ako masisisi dahil takot talaga akong mag first move. Isa pa. Iba yung ugali ng taong yun. Weather Weather. At sa panahon ngayon, tahimik ang kaluluwa niya.

'Daisy saglit naman! Di mo na ba ako bff? Ayaw mo na ba-'

Naputol ang sasabihin ko nang humarap siya sakin. Akala ko kakausapin niya na ako pero

BUHUSAN BA NAMAN AKO NG TUBIG! ABAH!

'Ayan, baka sakaling magising yang kaluluwang pag-ibig mo na hanggang ngayon ang sarap pa din ng tulog! Letche!'

Napanguso ako sa sinabi niya, ayaw talaga niya akong nasasaktan. Pinunasan ko ang mukha ko na siyang sumalo, buti nalang di ganon kadami hays.

Napaka supportive pero kadalasan bastos, traydor at nakakainis!

Nakauwi ako ng bahay ng hindi kinikibo ng bestfriend ko. Kahit anong gawin kong pag papapansin wala pa ding epekto. Di niya pa din naiintindihan ang sitwasyon ko hays,

-

'Mama, nasan po si papa?' Tanong ko dito habang nasa kalagitnaan kami ng kainan. Tumingin ako sa orasan ko at napakunot noo, 'mama, alas otso na, hindi na po trafi-

'Alam mo Celine kumain kana lang dyan. Yung papa mo kaya wala pa ay dahil nasa kabilang baryo at nakikipag inuman nanaman. Kaya ikaw tapusin mo na yang kinakain mo para masundo mo na siya kaila tiya len.' Mahabang litanya ni mama. Napabagsak naman ang balikat ko. akala ko pa naman nasa trabaho at nag over time. Sa inuman naman pala nag ubos ng oras hays papa talaga.

Mabilis ko ng tinapos ang kinakain ko upang masundo ko na kaagad si papa at makapag pahinga na kami pare-pareho. Hindi naman siya lasenggo.  Kung tutuusin, iinom lang siyang kapag inaaya.

Lumabas ako ng bahay at nag tungo sa nakaparadang motor.

'Kuya. Lot 306 po, Manggahan street.' Saad ko dito. Matapos nun ay napasandal ako sa dingdng ng motorsiklo.

'ayan! Ang torpe mo kasi!'

Naalala ko naman ang sinabing yan ni daisy, hays yung babaeng yun kahit wala sa tabi ko ang galing padin manira ng pag-iisip.

'40 pesos' sambit ni manong. Napasilip naman ako sa labas. Andito na pala ako, ambilis hindi man lang nag init yung pwet ko sa upuan -,-

'Salamat po' wika ko dito bago lumabas. Napabuntong hininga ako at dinama ang sariwang hangin na nag mumula pa sa mga bundok dito.

'Kahit saang anggulo tignan, Dito pa din sa Davao ang may pinaka magandang tanawin sa lahat.' Napangiti ako at tumingala sa kalangitan. Lalo namang lumawak ang ngiti ko ng makakita ako ng isang falling star. Agad akong nag wish, kahit pa alam kong malabong maging totoo ang wish ko.

Bilib din ako sa mga bitwin, kasi kahit na gano sila kalayo dito sa mundo, nagagawa pa din nilang kuminang ng kay lakas upang mapansin at mapag masdan ang kaaya-aya nilang itsura.

Hindi ko alam kung ilang minuto ba ako nakatayo bago ko mapag pasyahan na mag lakad na. Lumalalim na ang gabi at ayoko namang umuwi ng hindi dala si papa. Ay naku yung lalaking yun talaga. Mahal ko naman si papa. Pero kahit kelan. Never akong nangarap ng lalaking katulad niya. At never akong nag wish na sana, katulad ni papa ang mapapangasawa ko sa future ko.  Gusto ko kasi, yung ibang-iba sa kanya, Naranasan ko na kasi kung pano mag mahal si papa. Kaya ang gusto ko, ibang tao naman ang mag paparanas sakin ng pagmamahal. Yun bang unique sa lahat. Pero sa wattpad lang naman mangyayari ang lahat ng wish mo sa buhay. Sana isa nalang din ako sa karakter ng storya . Para naman mahanap ko na sa wakas ang the one ko.

'PAPA! SUMAMA KANA KASI SAKIN! ' malakas kong wika habang pilit na hinihila ito. Nanakit na ang tenga ko, dahil bukod sa lakas ng videoke dito  ay mukhang nag tatawag pa ng bagyo ang kumakanta! Nakakainis dinaig pa yung kumantang sinapian.

'Anak, wait mo si papa okay? I-i will s-sama -t-to y-you' hindi ko maintindihan ang pinag sasabi niya dahil tanging pag piyok lamang ang umaagaw sa tenga ko. Lasing na talaga siya! Pano kami uuwi!

'Oh celine! Iha, andito ka pala!' Gusto kong umirap pero hindi ko yun magagawa dahil nasa harap ko ang ginagalang nila mama at papa. Kung hindi niya niyaya ang papa ko edi sana wala kami dito!

'Mamaya na kayo umalis ng tatay mo, kumain ka muna iha, Kaarawan kasi ng tiyo tommy mo, kaya heto nag handa kami at nagsaya.' Hindi ko naman pinansin ang pinagsasabi niya, umupo lamang ako at tinignan ang pagkaing hinain niya para sakin. 'Si leo ang nag bake ng pizza at cake, kaya paniguradong masarap yan' dugtong pa niya. Anak nila si leo. Hindi ko naman kaano ano tong nga tao na nakakasalamuha ko. Nakasanayan ko lang silang tawagin na tiya at tiyo.

Mag-isang kong inubos lahat ng pagkaing nasa harapan ko kaya naman ganon na lang kung sumakit ang tyan ko.
Hindi naman ako nanatae pero ewan ko ba. Nasobrahan siguro ako.

'Tiya, mauuna na po kami ni papa. Baka po hinanap na kami sa bahay eh' pag papaalam ko dito. Pareho kaming nasa sala ng bahay niya

Alam ko ang kabastusan pero yun lang ang tanging paraan para makaalis ako kaagad dito

Hindi ko na inantay ang ano mang sasabihin niya. Patakbo kasi akong lumabas at umupo sa tabi ng papa ko. Hindi ko talaga alam kung pano uuwi. Buhay naman oh

-

A/N: How's the story? Hihe.

Don't forget to vote ~~

Fallen Star ☆Celine Lockson☆ [Wattys2019]Where stories live. Discover now