Ika-Anim

10 8 0
                                    

'Mama, gusto ko pong lumipat ng school' sambit ko, Nasa palengke kami, mag luluto daw siya ng kare-kare.

'Ano nanamang naisipan mo celine? Ayos naman dun diba?' Natahimik ako sa sinabi ni mama. Oo mama, ayos lang,'

'G-gusto ko lang' tanging saad ko, Napabuntong hininga na lang ako at sinabayan si mama mag lakad. Alam kong tutol siya. Pero anong magagawa ko? Gusto kong maka iwas na ng tuluyan.

-

'Oh, andito na pala kayo, Celine may bisita ka'
Napakunot noo naman ako sa sinabing iyon ni papa. Ano bisita?

'Sino po? Wala naman po akong inaasahang tao ngayon' saad ko, nag kibit balikat lang siya nag kamot ng ulo.

'sige na celine, pumasok kana'
Napatango naman ako sa sinabi ni mama. Hindi naman sa kinahihiya ko ang bahay namin pero kasi, Sa saktong tatlong tao lang mag kakasya dito. May likod bahay pero puro manok. Hays bahala na. Baka si Daisy lang.

'Celine' napatanga naman ako ng mukha ni Silver ang sumalubong sakin. Nakaupo siya sa kahoy na upuan at hinahawakan si Rino, Pusa ko.

'A-anong ginagawa mo dito?' Tumayo ito at nakangiting humarap sakin.'p-pano mo nalaman yung bahay ko?' Sunod ko pang tanong.

'Napadaan lang' simpleng sagoy niya. As usual wala pa ding emosyon.

'S-sorry, maliit yung bahay' tanging nasabi ko at inalis lahat ng natitirang kalat.

'Puro light materials pala yung bahay mo, Para siyang kubo' hindi ko alam kung nang-iinsulto ba siya o nang pupuri. Tinaasan ko siya ng kilay.

'Umalis kana silver.' Saad ko. Napatingin naman ito sakin na para bang naninigurado ito.

'Ganyan ka ba tumatrato ng bisita?' Tanong niya. Inis ko naman siyang tinignan.

'Bisita kaba? Pwede ba umalis kana! Mamaya makita ka ni Allison tapos madamay nanaman ako!' Sigaw ko dito. Wala akong pake kung marinig man ni mama.

'Hayaan mo muna siya dito Celine, ' saad ni papa. Padabog akong umalis sa harapan niya at nag tungo sa kusina.

Hindi siya pwede dito. Pano kung may nakasuno sa kanya? hindi ko nga alam kung bakit dikit ng dikit yang lalaking yan! Sana di ko na siya nakita dun sa kwarto para walang silver na  andito ngayon at nang iinis.

'Bakit mo naman sinigawan yung lalaki? Man liligaw mo yun diba?' Nabitawan ko naman ang basong hawak ko  balak ko sanang uminom. Pero mukhang nawalan ako ng gana.

'Mama, hindi ko yan kilala' pag sisinungaling ko.

'Sabi mo eh' may bahid na pang aasar niya. Bwisit!

-

'Iho, nabangit sakin ni Celine na gusto niyang lumipat ng skwelahan.' Napaubo naman ako. Inabutan ako ni papa ng tubig at agad kong nilagok iyon!  Bakit ba kailangan pa ni mama na sabihin iyon?! 'May nangyayari ba sa school nyo?' Dugtong pa niya. Bumaling ako sa lalaking nasa dulo ng lamesa at abala ngayon sa pag iisip. Ngayon ko lang napansin ang itsura niya. Wala na yung mga hikaw niya. Mahaba din ang manggas ng damit niya na tila tinatakpan ang kanyang tattoo. Kulay puti ang suot niya kaya naman lumitaw ang kaputian niya sa katawan. Hindi ito mukhang gangster na may class ngayon. Mukha siyang disente.

'Mama, sa tingin ko hindi nyo na dapat itanong yan.' Walang buhay kong wika. Mariiin kong tinignan si silver na hanggang ngayon hindi man lang ako tinitignan.

Fallen Star ☆Celine Lockson☆ [Wattys2019]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora