CHAPTER 15

449 4 0
                                    

Malayo-layo pa kami sa Hacienda ngunit tanaw ko na mga kumikislap na ilaw at ang mga kasabayan din naming mga sasakyan na alam kong doon din ang punta.

"I think the media here are better than with those at the mall," pagbasag ni Simeon sa katahimikan.

I keep my eyes on my phone. Wala pa rin akong natatanggap na mensahe galing kay Abiz. Alam kong magiging abala ako mamaya sa loob. Hindi ko man gustuhin ay kailangan kong makipag-usap sa mga tao roon. That's a Desilva's tradition.

Come on, Abiz.

"There goes your parents' car." Sinundan ko ang tingin ni Simeon.

He's making his way towards them. Nakapag-park na kami ngunit hindi pa rin kami bumaba hanggang sa makita ko na si daddy na binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan.

His bodyguards then gathered around. Mabilis din ang pagkislap ng mga camera. Kahit na sa bandang dulo na kami ay hindi pa rin talaga nakatakas sa mga media ang presensya ni Laurent Desilva.

Dad knocked on the quarter glass. Tiningnan din ako ni Simeon.

"Shall we go?" aniya.

I took a deep breath and kept my phone on my pouch. I cannot spoil Tito Mariano's birthday. The Desilvas prepared a lot for this.

Tumango ako kay Simeon at doon lamang siya bumaba. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako.

"Amnity Desilva, totoo bang si Simeon Gutiavez ang magsasalba ng Desilva Corp? Kaya ba kayo ang palaging magksama?"

Nasilaw ako ilaw ng camera. Mabilis kong naramdaman ang kamay ni Simeon sa aking siko at saka kami iginiya ng mga bodyguard ni daddy papasok sa Hacienda.

"Amnity Desilva, you are not interested with Desilva Corporation. Bakit ikaw? At hindi si Maurice Mallari? O ang nakakatanda mong pinsan na si Ardaine Desilva?"

Sandali akong napahinto sa tanong na iyon.

May nangyayari ba sa kompanya na hindi ko alam? It is not like I care much... Pero ramdam kong may laman ang mga tanong nila.

"Ami, let's go." Saka lang ako nagpatuloy sa paglalakad nang marinig ang boses ni Simeon.

"Laurent Desilva, ano ang masasabi mo sa problemang kinakaharap ngayon ng Desilva Corporation?"

Iyon ang huli kong narinig bago kami tuluyang makapasok sa gate ng Hacienda Desilva.

May mga media pa rin sa loob ngunit hindi kagaya sa labas, ay mas maayos ang mga narito at hindi rin ganoon kadami.

I walked near my father. "Dad, what was it?"

Hindi niya ako tiningnan. Maging si mommy ay nag-iwas din ng tingin.

"Good evening, Sir Laurent. This way," ani ng waiter at iginiya niya na kami patungo sa aming lamesa kaya hindi ko na nagawa pang tanungin si daddy.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng event. Nag-aagaw ang kulay ng mga ilaw sa paligid ngunit umaangat ang kulay ng mga Desilva. May iilang pamilyar na mukha rin akong nakikita.

Habang abala si daddy sa pakikipag-usap sa mga nakakasalubong naming ay pilit kong hinahanap si Auries.

I'd rather sit with him than with my parents and Simeon.

"Hey lady."

Mabilis akong napalingon nang marinig ang pamilyar niyang boses.

"God. Buti naman ay nakita kita. Where's your table?" agad na tanong ko sa kanya.

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon