CHAPTER 16

443 8 0
                                    

"You are bound to marry that man I kept on telling you to stay away from. Tell me, Amnity," kumalabog ang dibdib ko sa talim ng mga mata at pananalita niya, "Are you just using me to get in to my company? O ginagago mo lang talaga 'ko?"

Umawang ang bibig ko sa tanong niyang iyon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa sinabi niya. Should I get hurt? Should I be disappointed? Damn! What?

Nagtatagis ang bagang niya habang nakakuyom ang kamao.

The thought of last night came rushing back. Mabilis kong naramdaman ang pangingilid ng luha ko.

"Damn it, Amnity! Huwag kang magpapaawa!"

Parang hinila ng lakas ng boses niya ang mga luha. I don't want to cry in front of him but I feel too weak to hold back.

"Your father's bodyguards told me to fucking back off! Do you even know how it feels, Amnity!? I was tired from Ilocos but I chose to go to Naga! I wanted to see you Amnity! I WANTED YOU. Pero anong napala ko!?"

Napapikit ako nang malakas na tumama ang kamao niya sa lamesa.

"DAMN, AMI! YOU SPEAK!"

Rinig ko ang bawat paghinga niya. Kung kanina ay gustong-gusto kong tingnan niya ako, ngayon ay hindi ko na kayang salubungin ang mga titig niya.

"Are you done, Abiz?" ani ko sa nanginginig na boses.

Pinalis ko ang mga luha sa pisngi ko. Mabibigat pa rin ang bawat paghinga niya.

"My family told me yesterday about that thing that's why I left. I didn't know, Abiz, trust me," halos magmakaawa na ang boses ko, "And if I had known earlier, hindi ako uuwi sa amin."

Nakita ko ang unti-unting paglambot ng mukha niya.

"I felt so stupid, Amnity. I felt so damn stupid."

Walang ano-ano ay iniwan niya akong mag-isa sa opisina niya at kasabay nang pagsara ng pinto ay ang tila pagtusok sa puso ko.

I just want him to trust me. He's the only one left to me.

Nang sandaling gumaan ang pakiramdam ko ay napagpasyahan kong bumalik na sa department namin. I fixed myself. Nagtama pa ang mga mata namin ni Mirreia ngunit kaagad kong iniwasan iyon.

Hindi nakatakas kay Hera ang pamumugto ng mga mata ko nang makarating ako sa department namin.

"Ami? Anong nangyari?"

I tried to avoid her pero sinundan niya lang ako hanggang sa opisina ko.


"Nag-away ba kayo ni Mr. Almere, Ami?" nag-aalalang tanong niya.

Malungkot ko siyang tiningnan.

"We're having a misunderstanding." Iyon na lamang ang tanging nasabi ko.

"Paano 'yan? Eh ang sabi ni Ma'am Celestina, sa Myerkules ang alis mo papuntang Siargao?"

I stopped. I already expected this.

Naihilamos ko ang sarili kong mga palad. How did my life become this complicated all of a sudden?

Balak ko sanang tawagan si Abiz nang maalala ko na nakapatay nga pala ang cellphone ko at iniwan ko iyon sa unit ko. On the second thought, I think I need to give him some time.

Gusto ko kapag nag-usap kami ulit ay pareho na kaming kalmado. I do not want him shouting at me again. I don't want to see that same Abiz Almere again.

Iginugol ko na lamang ang oras ko sa pagtatrabaho buong araw. Kahit hirap ay pinilit kong intindihin ang mga sinabi ni Ma'am Celestina at kung ano-ano ang mga dapat kong gawin pagdating ko sa Siargao.

Chasing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon