Chapter 19

1.2K 11 0
                                    

WARNING: R-18. Not suitable for young readers or sensitive minds. Contains graphic sex scenes, adult language, and situations intended for mature readers only. Read at your own risks.


Minors, kita Niya kayo.

Minors, kita Niya kayo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

--

Third Person's POV

(For better reading, please play Beautiful In White by Shane Filan)

Nagbukas ang malaking pintuan ng simbahan at iniluwal noon si Jess. Nakasuot siya ng isang napakagandang wedding gown.

Napangiti siya nang malawak nang magsimula na siyang maglakad nang mabagal papunta sa lalaking pinakamamahal niya.

Kapwa magkatitigan ang dalawa at nakangiti nang malawak sa isa't-isa.

Pinangilidan ng luha si Joseph habang nakatitig sa babaeng palapit na ngayon sa kaniya. Pasimple naman niya itong pinunasan kaagad.

"She's so beautiful." Bulong pa niya habang nakatitig sa babaeng magiging asawa na niya.

Samantalang si Jess naman ay hindi na napigilan ang kaniyang pagluha habang nakangiti pa rin nang wagas.

Ang lahat ng tao sa simbahan ay nakatingin kay Jess na parehong may mga ngiti rin sa kani-kanilang mga labi. Ang lahat ay walang pagsidlan ng saya habang nakamasid sa bride.

Ang mag-asawang sina Janine at Arnaldo Sanders, na nagsilbing mga magulang ni Jess, kasama pa ang aso ni Jess na si Chiro, ay masayang nakaabang sa dulo upang salubungin ang kanilang anak. Masaya ang mga ito para sa kanilang anak. Si Janine ay naluha pa habang nakatitig sa magandang mukha ng kaniyang anak.

Nang tumapat na si Jess sa mga magulang niya ay nagmano siya sa mga ito.

"Thank you for everything, Mom and Dad. I love you both so much." Lumuluhang sambit dito ni Jess.

"Mahal na mahal ka rin namin." Buong puso namang sagot ng ama niyang si Arnaldo.

"We love you, Jessica." Ani Janine.

Nang tumahol si Chiro ay bumaba ang tingin dito ni Jess.

"Of course, thank you also, Chiro, for loving me unconditionally. I love you, my green-eyed best friend." Bulong niya rito na ikinatahol naman nito.

Hinawakan nila si Jess sa magkabila nitong braso habang hawak-hawak ang tali ni Chiro at inihatid na sa magiging asawa niyang si Joseph. Katabi nito si Daniel, na siyang best man nila. Si Bea naman ang napiling maid of honor ng mag-asawa. Si Sandra ay flower girl at ring bearer naman si Hugo.

Nagmano si Joseph sa mga magiging biyenan niya at masayang nagpasalamat sa mga ito dahil sa pagpayag nila na pakasalan niya ang anak na si Jess.

Dahil wala nang mga magulang ay si Joseph ay tiyuhin, na malapit sa kaniya, ang tumayong magulang ni Joseph. Kaagad namang nagmano rin dito si Jess at nagpasalamat para sa asawa.

A Miraculous Love [R-18] (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH/La Gran Lista)Where stories live. Discover now