Chapter 10

2.6K 81 3
                                    

"Sorry.." Mahinahon nyang sabi at sa wakas ay inalis na ang mga matang nakatitig sa akin, bumuntong hininga sya na parang labag iyon sa kalooban nya.

Wala sa sariling binasa ko ang aking labi bago ko mariin itong itinikom.

Muli syang tumingin sa akin at tila hinihintay ang sasabihin ko pero mas pinili kong wag nalang magsalita.

Nanlaki ang mata ko ng bigla nya akong hilahin palapit sa kanya at ipinalupot ang mga bisig nya sa baywang ko. Dahil nakaupo sya at ako naman ay nakatayo. Isinubsob nya ang mukha sa gitna ng dibdib ko.

Akmang ilalayo ko ang ulo nya ng bigla syang magsalita.

"Sorry kanina, kasi ikaw eh hindi mo man lang ako ni-replay-an tapos makikita pa kitang kasama ang Faustin na yon." May halong pagtatampo ang tono ng pagsasalita nya saka humigpit ang pagkakayakap sa akin.

Bumigat ang paghinga ko, idagdag mo pa ang ulo nyang madiin na nakasubsob sa akin. Pakiramdam ko ay naririnig nya ang tibok ng puso ko.
Pilit kong pinakalma ang nararamdaman kahit na sa totoo lang ay nanginginig na ang tuhod ko.

"N-nawala sa isip ko madami kasi kaming ginawa kanina at saka Kaklase ko si Faustin at kasama rin namin si Jona kanina." Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magpaliwanag sa kanya kahit pwede namang hindi.

Kumalas sya sa pagkakasubsob sa akin habang mariin na magkalapat ang mga labi. Hindi ko mapigilan ang sariling hawakan ang magkabila nyang pisngi tuwing ganito ang ipinapakita nyang ekspresyon. Para syang bata na kailangan kong patahanin.

"I'm easy to get jealous." Napakurap ako sa ginawa nyang pag-amin. Napatitig ako saglit sa kanya at ganon din sya sa akin. Kung hindi lang tumunog ang oven ay hindi kami matitigil sa pagtitigan.

Akala ko ay bibitaw na sya sa pagkakayakap pero nagkamali ako. Ibinalik lang nya ang mukha sa pagkakasubsob sa akin.

"Vincent yung pinapainit mo." Pagpapaalala ko sa kanya at baka nakalimutan nya na.

"Mainit na." simpleng sagot nya kaya ako na ang kumuha sa oven kahit medyo nahihirapan akong kumilos.

"Baka makita tayo ni Kuya." Mahina kong sabi habang ibinaba ang isang mangkok ng carbonara.

"Hindi yan, nasa kwarto sila busy sa panonood." Walang gana nyang sabi, bigla ko tuloy naalala yung panonood nila ng porn sa kwarto ni kuya.

Napapitlag ako ng inikot nya ako patalikod at hilahin paupo sa kandungan nya. Ngayon ay nasa batok ko na ang mukha nya at ang mga kamay ay nakayakap parin sa aking baywang. Ramdam ko tuloy ang mainit na hininga at ang labi nyang nakalapat doon.

Nanlambot bigla ang mga tuhod ko at hinayaan ko na lang ang sariling maging kumportable sa posisyon namin ngayon. Iniangat ko ang dalawang kamay at inilapat iyon sa magkabila nyang braso.

Hindi ko alam kung tama pa ba ang nararamdaman ko tuwing hahawakan ako ni Vincent.

"Baka hinahanap ka na nila Kuya, magtataka na 'yon." Halos pabulong kong sabi ng mapansin kong masyado ng matagal ang pagyakap na ginagawa nya.

Hindi lang nya ako basta yakap kun'di sinisinghot pa nya ang leeg ko. Bigla tuloy akong na-conscious kahit na bagong ligo naman ako.

Seducing My Brother's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon