II

28 3 0
                                    

"Leaving them behind won't hurt them"

BOGSH!!!!!

Napabalikwas nang gising si L dahil sa pagsabog na naganap. Naririnig niya ang hinagpis ng mga tao. Nagkakagulo. Dugo. Iyak. Apoy.

Dali-dali sana siyang tatakbo palabas para tignan kung ano ang nangyayari ngunit ng  Bubuksan na niya sana ang pintuan  may narinig siyang mga apak sa labas ng kanyang bahay. Imbis na matakot hinawakan niya ang kanyang maliit na singsing sa kanyang daliri at hinigop nito ang lahat ng gamit sa loob. Hindi pa man naka- aalis si L sakanyang pwesto. Biglang nagpaputok ang mga tao sa labas. Ginamit naman niya ang kanyang shield para protektahan ang kanyang sarili. Nasa dalawa lamang  na tao ang kayang sakupin ng kanyang shield dahil hindi pa niya ito napeperpekto.

Hindi niya maprotektahan ang mansion dahil hindi pa kaya ng kanyang kapangyarihan. Tumigil ang putukan at makikitang sira na ang gusali.

"Lumabas ka jan Lash Vlike, hinahanap ka na ng inyong kaharian!!!!" sigaw ng lalaking naka elite armour at may putol na daliri sa kanyang kaliwang kamay.

"Lash Vlike? sino un? maaari kayang ako yun?" 

" pinadala kami ng iyong tiyuhin para ika'y dalhin kay haring Hesnus. " pagkukumbinsi niya

Nagtatago si L sa gilid ng dingding habang prinoprotektahan ang kanyang sarili. Nagtatalo ang kanyang isip kung magpapakita ba siya o hindi. Marami siyang gustong tanungin ngunit hindi niya alam kung bakit hindi niya mabasa ang iniisip ng mga taong kaharap niya. Hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan ba sila o hindi.

"Walang Lash Vlike ang nakatira dito mga ginoo,baka kayo ay nagkamali ng pinasukang bahay!!" magalang naman na sigaw niya upang hindi mas lalong lalala ang sitwasyon kapag binastos niya pa ito tsaka may kailangan siya sa kanila.

" hahahaha!!Hindi mo na ba namumukhaan ang aking boses? Ako to Lash si Fligger. " dahil  sa kuryosidad lumabas si L sakanyang pinagtataguan at tinignan ang kausap. Ito ay nasa 30-45 yrs old na siguro dahil sa kanyang kutis na medyo hindi na ganoon ka ganda ,pati na rin ang boses ay nakakakilabot.

"mukhang ang ala -ala mo ay kanila ring tinanggal para ika'y makapagsimula muli ngunit hindi ito ang oras para pag-usapan yan. Sumama ka sa amin mahal na prinsesa,sasagutin ko lahat ang katanungan mo" pamimilit nito kay Lash

Maniniwala na sana si Lash ngunit bigla na lang silang hinigop ng isang portal at nawala.

"hindi ka dapat basta basta naniniwala sa mga taong hindi mo kakilala"  Kilala niya ang boses na iyon. Yon ang boses ng taong nagpalaku sakanya

"Don Ryimo!!" tumakbo si L kay Don Ryimo at ito ay yumakap. Kung may tao man na nirerespeto ni L ito ay walang iba kundi si Don Ryimo na siyang naging kanyang magulang. Siya ay nagiging mabuting bata kapag alam niyang ang kanyang side na masungit ay hindi pa oras para lumabas.

" Mabuti naman at kaya mong mag -isa,malaki kana rin.! " masaya ring bigkas ni Don Ryimo

"Bakit po ngayon lang kayo dumating? Sinira na po nila ang iyong mansion."

" hindi mahalaga ang mansion, ikaw ang mas mahalaga sa lahat ng bagay. Dapat tumakbo ka na nung nagpaputok sila sa mansion. "

"Kilala niya po ako kaya-"

"kahit na wag mong kalimutan ang mga tinuro ko sayo. Wag ka rin basta basta magtitiwala sa mga tao dito. Tara umalis na tayo dito"  Hindi na muling hinayaan ni Don Ryimo si L na magsalita pa at pinalutang niya ito para hindi na kailangan pang kaladkarin dahil nagkakagulo parin sa labas.

Paglabas nila hindi niya inaasahan ang kanyang nakikita. Marami ang mga patay, umiiyak, nagluluksa,tumatakbo, nababaliw, gulo. Malaking
gulo ang nangyayari sa bayan ng  Bruntoc.

" saan po tayo pupunta Don Ryimo? Paano po sila? " naguguluhan na siya sa nangyayari. Hindi niya rin mabasa ang nasa isip ni Don Ryimo.

"Yan na talaga ang kanilang kapalaran. Pupunta tayo sa malayong lugar kung saan walang nakakakilala sa atin. Doon na tayo maninirahan tsaka mamaya na yang mga tanong mo" nagmamadaling sagot ni Don Ryimo dahil baka babalik na naman ang mga aso ni King Hesnus. Ang portal na yon ay may kakayahang ikulong ang mga may buhay sa loob lamang ng isa't kalahating oras.

Napasimangot na lamang si L dahil sa inasta ni Don Ryimo , naiintindihan naman niya ito kaya tumahimik nalang siya.

Walang sinoman ang nakapansin na lumulutang si L dahil sa kaguluhan. Hindi naman nila pwedeng gamitin ang portal dahil baka mas lalo lang sila na matutuntun.

------
to be continued
pls. vote thank u!

Dangerously DifferentDonde viven las historias. Descúbrelo ahora