III

18 4 0
                                    

                           Let's Start A New One

"dito na tayo titira L" nagising si L nang marinig niya ang sinabi ni Don Ryimo dahil sa tagal ng byahe nila siya ay nakatulog.

Nakita niya ang mansion na doble ang laki kaysa sa dati nilang tinitirhan sa Bayan ng Bruntoc

"wow!! kayo po ba ang may-ari niyan Don Ryimo?" nagtatakang tanong ni L. Alam niyang mayaman si Don Ryimo, ngunit hindi niya alam na ganito pala siya kayaman!

" Pag-aari ito ng isang maharlika" pagkasagot niya sa tanong ni L, binaba na niya ito. Mas lalo naman na nagtaka si L.

"marami kayang alam si Don Ryimo? Kung gayon bakit wala siyang kinukwento sa akin? Bakit hindi niya ipaliwanag sa akin kung bakit may kapangyarihan ako. Teka--"

"Don Ryimo!!"  sigaw niya at patakbong hinabol si Don Ryimo

" Teka lang Don Ryimo!,may kapangyarihan ka! Ano to? Bakit-"

"Huminahon ka L. Ipapaliwanag ko rin ang lahat, tsaka naging kampante ka. " naguguluhan namang tumingin si L sakanya

"hindi mo manlang ako sinita na gumagamit ako ng kapangyarihan"  sabi niya bago umupo sa isang sofa. Maganda ang bahay parang isang palasyo.

"dahil. Dahil sa nangyari! Hindi -"  hindi na naman naituloy ni L ang kanyang sinasabi dahil pinutol na naman ito ni Don Ryimo. " haist! "

"pero hindi maikakaila na ikaw ay naging kampante at pabaya,tsaka hindi mo rin napansin na pinalutang kita na para bang sanay kang may kapangyarihan ako. L,'di ba sinabi kong wag kang magtitiwala kahit kanino? Paano kung yung dumating doon ay nagpapanggap na ako? Paano kunga napaha-"  ngayon naman si L ang pumutol sa sasabihin nito. haha 1 point  sa isip ni L

"Don Ryimo, dumadaldal ka na. Paano ako naging pabaya? hindi ba dapat normal na sa'kin ang makakita ng hindi kapani-paniwalang mga bagay? Tsaka paano ako mapapahamak? eh alam ko naman po na kayo yun. Kahit naman po naging pabaya ako kanina may pakiramdam parin ako" paliwanag naman ni L bago umupo sa lamesa.

"upuan ba yan?" - Don Ryimo  habang masamang nakatingin kay L. Nagtaas naman ng kamay si L
bago bumaba sa lamesa.

"Halika dito at sasagutin ko lahat ng iyong tanong" nang sinabi ni Don Ryimo yun. Mabilis siyang tumakbo sa kaharap na sofa nito at lumundag kaya naman napakunot ulit si Don Ryimo ng noo.

--

"ano na kayang nangyari sakanila?" tanong ni L sakanyang isip. Hindi niya kayang hindi mag-alala sa mga taong nadamay dahil sa kanila lalo na sa kanyang mga kasama.

"haist!" naibulalas niya habang pabagsak na humiga sa kanyang kama. Siya'y nasa silid na niya matapos niyang malaman ang katotohanan galing mismo kay Don Ryimo.

"Paano ko mahahanap ang Core? "  ang sabi ni Don Ryimo, siya ay pinadala ng kanyang ama kasama ang anim pang kabataan. Sa totoo lang sila ang 7 guardian's of Krisanus na bumata at napaghiwa-hiwalay sa mundong Earth dahil kay King Hesnus na kapatid ni King Kranus(ama ni L),gusto niyang sakupin ang mundong Earth. Isinakripisyo ni Queen Alicia ang kanyang buhay para protektahan ang 7 guardians dahil ayon sa propesiya sila ang papatay kay King Hesnus. Ngunit ang hindi alam ni King Hesnus sila pala ang daan upang mahanap ang core na siyang magtatapos sakanya.

"bakit wala akong naaalala tungkol sa buhay ko noon sa Krisanus?" natampal ni L ang kanyang noo " tanga! " nakalimutan niyang tanungin iyon kay Don Ryimo. Hindi na siya maaaring magtanong dahil binigyan lamang siya ni Don Ryimo ng tatlong pagkakataon upang magtanong sakanya.

Hindi siya makatulog dahil sa nangyari sa Bintak. Naaalala niya parin ang nagyari sa mga tao doon,kung paano sila maghinagpis sa nangyari.Malamang kumalat na ang nangyari sa Bintak ngayon.

Nag mumuni muni si L hanggang sa nakatulog na siya dahil mag sisimula na ang training nila ni Don Ryimo kung saan pahihirapan daw siya ni Don Ryimo para magtino daw.

"konti lang ang panahon kaya kailangan mo ng maghanda,anak"  isang lalaki ang nakatingin sa batang babae habang binibigkas niya ito. Nang makita niyang gumalaw ito, dali dali siyang umalis doon .

------
to be continued

thank u for reading! Please vote ☺😊😊😄

Dangerously DifferentWhere stories live. Discover now