V

7 1 1
                                    

L's POV

Nangs Elite Highschool of the Royals

"woowww!!!" naibulalas ko nang makita ko ang napakalaking gate dito sa harap ko. Ang ganda , napakaganda. Parang hindi kapani-paniwala, well may kapangyarihan nga kami eto pa kaya?

"Anong kailangan mo dito bata?" napatingin ako sa paligid ko. Saan nanggaling yung boses?? Baka naman may naririnig lang akong kakaiba?

Lumapit ako sa malaking pinto para buksan, dahil ayon sa mapang binigay ni Don Ryimo ay ito na nga ang sinasabi niya.

"Isa ka sa Seven Guardians of Sannux," nagulat ako dahil bigla biglang gumalaw ang pinto at sa aking nakikita ngayon ito ay may mukha na pinto parin ang itsura.

" wow" naibulalas ko na lamang

"ano ang iyong pakay?" tanong nito. hindi ko naman alam ang sasabihin ko? hmmm .. ah!

"Ako'y sawi sa pag-ibig walang jowa" nag-aalinlangan ko pang sabi

"hmmm.. Si Ryimo ang nagpadala sayo dito. Maaaring may nangyaring masama sakanya."

" ano po ang gusto niyong sabihin? nanganganib siya? " hindi ko na alam ang gagawin ko ilang oras na ang lumipas. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari sakanya.

" Pasensiya na ngunit iiwan na po kita" tatalikod na sana ako ng napatigil ako sa kanyang sinabi

"Wala ka nang babalikan doon L "

"Hindi maari ko siyang tulungan,hindi ako makakapayag na may mangyari sakanyang masama. Ano bang alam nio? Nagsasayang lang ako ng oras dito. Kung alam ko lang"  nagsisimula na akong mainis sa higanteng pinto na ito

"Marami akong alam L, pasensiya na ngunit hindi ka na maaring umalis dito dahil nagsakripisyo si Ryimo para lamang makapunta ka dito" pagkatapos niyang sabihin iyon ay biglang bumukas ang pinto at hinigop ako nito

---
"Ikinagagalak kong makilala ka L" ang boses na iyon. Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata.

Una kong nakita ang paligid, ako'y nasa gubat ngunit hindi ito gubat na parang nakakatakot. Ito'y napaka aliwalas , maganda.

"sino ka?"

" Ako si Rye ang kapatid ni Ryimo" saad nang lalaking kahawig ni Don Ryimo. Parang si Don Ryimo mismo itong kausap ko. Kakambal niya ba ito?

"tama ka, kakambal ko nga siya" sagot naman niya. Hindi na ako magtatakang kaya niyang basahin ang isi ko dahil sigurado akong mas malakas siya sa akin.

"Kung gayon Don Rye , nasaan ako? kailangan kong bumalik doon dahil kailangan ako ni Don Ryimo. "

"Nandito ka sa Mt. Peak. Hindi mo na kailangan pang bumalik doon. Gaya ng sabi ko sayo kanina wala ka nang babalikan dahil sigurado akong nakuha na nila si Ryimo" parang balewala lang niya itong sinabi

" Bakit ka ganyan magsalita Don? Kapatid mo siya! bakit wala kang gawin upang tulungan siya? " inis kong saad

"Hindi mo naiintindihan. Nandito ka para mag-ensayo at makakabalik ka lamang sa Earth kapag malakas ka na at nasa tamang edad. Magpahinga ka dahil simula bukas magsisimula na tayo. Nga pala ang isang linggo mo dito ay katumbas ng isang taon sa Earth kaya naman kailangan nating hasain ng husto ang iyong kapangyarihan" pagkatapos nitong sabihin ang gusto nitong sabihin ay bigla na lamang itong nawala.

Bakit ba sa akin nangyayari ito? Bakit kailangan madamay ang mga taong hindi dapat madamay? Ayokong mag -isip ng kung ano ngayon kaya naman pumasok na ako sa bahay kubo dito.

----
King Hesnus's Lair

"Hayaan niyo muna ang mga langgam na iyan. Logio ihanda mo ang hukbo para sa dadating na digmaan at kapag handa na tayo tsaka lamang tayo lulusob at uubusin ang mga iyan ! hahahahhaa!!!!"

---

"Bago tayo magsimula sa iyong pag-eensayo ,may mga katanungan ka ba?" saad ni Master 😒 master daw ang itatawag ko sakanya simula ngayon

" Nakakapagtaka lang bakit ganun yung sasabihin ko para malaman mong ako'y pinadala ni Don Ryimo? " tanong ko habang naghahanap ng mauupuan ngunit wala kaya sa damo na lang ako umupo.

"Ang aking kapatid ay kayang makita ang hinaharap ,siya lamang at wala ng iba. Ang mga taga-Sannux ay nakakaintindi lamang ng salitang filipino ,maliban kung pag-aaralan mo ang ibang lenguahe. " ani niya habang nakalutang sa aking harap

"Ahh,Ano ba ang Sannux? Saan ito?"

" Ang Sannux ang ating mundo ,ito'y napakalayo mula rito ngunit napadpad ang hari sa Forbidden Triangle at nadiskubre niya ang sacred portal para makapunta dito sa Earth. Marami siyang nalaman at natuklasan. Sa ilang ulit na niyang pagpunta doon ay naghinala si King Hesnus at sinundan ang hari. Doon mas lumaki ang galit ni King Hesnus kay King Kranus at sinabihang taksil si King Kranus. May masamang balak si King Hesnus at ito ay sakupin ang Earth pero hindi siya magtatagumpay kapag wala ang core na siyang magsisilbing susi sakanyang balak. " mahabang paliwanag niya.

"Bakit wala akong maalala? Ang sabi

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dangerously DifferentWhere stories live. Discover now