Kabanata 12

23.2K 201 4
                                    

Kabanata 12








Warning: This chapter contains references to violence, blood, self-harm, suicidal ideation, and physical abuse. Please engage in self-care as you read this chapter. If you feel triggered, skip this chapter immediately.






"Ano'ng nangyari, ha? Vallia?"

Magang-maga ang mata ko nang gumising ako. Late na nang maihatid ako ni Khalid. Matagal kaming nag stay sa park dahil nakatulog pala ako sa balikat niya. Hindi naman niya ako ginising agad kaya ano'ng oras na rin nang makauwi ako.

"Hindi nga po ako 'yon, ma."

"Ano'ng hindi ikaw? Vallia, nakita mo ba ang video na 'yon, ha?"

"Nakita ko, ma. Hindi ako 'yon." Huminga akong malalim. Dumiin ang hawak ko sa kutsara.

"At magsisinungaling ka pa talaga sa harap ko? Sinabi ko sa'yo na huwag kang mag boyfriend-boyfriend. Kapag ikaw nabuntis, itatakwil kita! Ang bata-bata mo pa. Pinag-aaral ka ng maayos at tignan mo ang ginagawa mo ngayon?" Tinuro ako ni mama.

Hindi ko alam na halos mabasag ko na hawak na baso sa kabilang kamay. Binitawan ko 'yon dahil iba ang pumapasok sa isip ko lalo pa't nakakahumaling ang kahit anong matatalas sa paningin ko.

"Ma, kahit ikaw na lang... maniwala ka sa'kin... " mapait at pagod akong ngumiti.

"Sino'ng maniniwala sa'yo? Nai-report na kami sa trabaho namin ng mga kaklase mo at mga magulang nila! Sa tingin mo aabot sa ganoon kung hindi totoo, ha? Ginagawa mo ba akong tanga!?"

"Hindi, ma..."

May isang uri talaga ng pagod na hindi nadadala ng idlip, tulog o pahinga. Pagkauwi ko kagabi, hindi agad ako nakatulog kahit pa pagod at antok na ang mata ko. Parang kahit anong pagod hindi mapapawi ng tulog lang at kahit anong gawin kong pahinga hindi ako makakuha ng lakas.

"Kita mong hirap na rin kami ng papa mo sa trabaho, Vallia! Dumagdag ka pa talaga! Tignan lang natin kapag ako natanggal sa trabaho gawa niyang ginagawa mo? Mananagot ka sa'kin pag-uwi."

Padabog na umalis si mama sa hapag. Wala si papa ngayon dahil straight duty ang pasok niya, pero alam ko uuwi siya ngayon dahil linggo at day-off niya.

Niligpit ko ang pinagkainan namin. Hindi na ako tumuloy sa pagkain dahil nawalan na rin naman na ako ng gana.

Malaking pala-isipan pa rin sa akin kung paanong mukha ko na ang nasa video na 'yon o kung sino man ang gagawa ng gano'n kalalang bagay. Kahit pa wala akong kaibigan sa school, wala rin naman akong naging kaaway na gagawa ng gano'n sa'kin maliban na lang sa ilang estudyanteng nagalit dahil mas kumakampi kay...

Natigilan ako.

Si Tj...

Kinunot ko ang noo ko at bumalik sa kwarto. Ayokong nang isipin pa kung sino 'yon. Kahit naman na makilala ko kung sino 'yon, tapos na. Napahiya na ako―napahiya ko na si Caden na nag-iisang tumayo para sa akin sa kasagsagan ng isyu na 'yon.

I was somewhat taken aback when I walked into the room. Parang wala akong gana kumilos. Nanghihina ang katawan ko.

Nilibot ko ang tingin sa loob ng maliit kong kwarto. Magulo na naman 'to, puno na naman ng labahin ang basket ko at pansin ko rin na sobrang dry din ng balat at labi ko ngayon. Wala akong gana na ayusin ang sarili ko. Ayokong tignan ang sarili ko sa salamin. Ayoko sa repkesyong nakikita ko roon. Nandidiri ako... nandidiri ako sa sarili ko.

Alam kong dapat iniiwasan ko na gawin ang bagay na 'to, pero mahirap lalo na kapag nakasanayan mo na. I am craving pain. I've been on a roller coaster of emotions since last week, and right now I just want to feel physical pain.

Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)Where stories live. Discover now