Kabanata 27

143K 2.4K 642
                                    

Baby my ass!

Nakakasuka!Ang matinding pagkabalisa kong nararamdaman kanina ay napalitan ng walang katumbas na galit.Paano niya nagagawang umakto na parang pag-a-ari pa rin niya ako?
Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko sa sobrang galit sa lalaking nasa harap ko.

Gustong gusto ko siyang murahin.
Akala ko, okay na ako. Na naibaon ko na siya limot. Pero ngayong kaharap ko siya ay parang sugat na muling nabuksan ang sakit na idinulot niya sa akin. Naikuyom ko ang mga kamao ko at pinipigilan ang pag-alsa ng galit sa katawan ko. Dahil kung ako ang tatanungin, gustong gusto ko nang kalmutin ang mukha ng lalaking kaharap ko ngayon.

Napatitig ako sa mga mata niya.I can see unknown emotions on his blue eyes.Those eyes which used to capture my heart. Pero hinding hindi ko makakalimutan kung pano ako tingnan ng may pandidiri ng mga matang iyon habang itinataboy niya ako. Kung paano akong naloko ng mga matang iyon at mahulog sa patibong niya. At kung paano niya iparamdam sa akin na napakarumi kong babae.

Hinawakan ni Lucas ang nanginginig kong mga kamay. Napatingin ako sa kanya. Pinisil niya ito at pinagsalikup ang mga kamay namin. Ang mainit niyang mga kamay ay nakabawas ng aking panginginig. His eyes was giving me assurance, comfort, sinasabing andyan siya.

Kilala niya ang lalaking ito dahil alam niya ang kwento ng buhay ko. Mariin kong ipinikit ang mata ko at humugot ng hininga. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Sa pagbaling ko sa demonyong lalaking iyon ay wala nang mababakas na emosyon sa mukha ko.

"Hello Mr. Larkins, it's been a while." I gave him my sweetest smile but my eyes are piercing his soul. And I successfully concealed the hatred I feel and wear a mask. Dito ako magaling, sa pag-arte.

Nakatiim ang bagang nito at nakita ko ang pagbaba ng mata nito sa magkahugpong naming kamay ni Lucas. Pinigilan ko ang mapaatras nang makita ang paghakbang nito palapit sa amin habang naka-abrisyete si Sophia sa kanya. Binitiwan ni Lucas ang mga kamay ko at bumaba ang kamay nito sa baywang ko at bahagyang pinagdikit ang mga katawan namin.

"Mr. Larkins." propesyunal na bati ni Lucas. "Fancy seeing you here." hindi ito pinansin ng hudyo.

"Come here, baby." utos nito na tila hari. Nagulat ako. Wow. The audacity! Where is he getting that? Hindi ko napigilan ang paglabas ng sarkasmong tawa ko. Ang magandang mukha ni Sophia ay napalitan ng pagtataka.

"My name is Yanna Ignacio, Mr. Larkins. Not baby." matapang kong tugon. "Oh, I forgot. My male fans call me that. I'm sorry, I didn't know you're a fan." at nilangkapan ko pa ito ng tawa.

Humakbang pa ito at napabitaw si Sophia sa pagkakahawak dito. Siya din namang paghakbang ni Lucas palapit dito na kuyom ang kamao. Halos magkasingtangkad ang dalwa. Magkasingtikas ng katawan. Nagsukatan ang dalawa ng tingin.

"Back off." panabay nilang wika sa isa't isa. Naalarma ako. Naagaw na namin ang atensyon ng iba. May mga kumukuha din ng litrato. Wala naman akong pakealam sa imahe ko pero ayaw kong mabahidan ang magandang pangalan ni Lucas.

"Halika na Lucas." Hinawakan ko na si Lucas sa kamay para mailayo dahil pakiramdam ko ay magkakaroon ng gulo kapag hindi. Pero ayaw nitong magpatinag.

"I'm okay. Sanay na ako sa mga fans ko na minsan agrisibo." medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig ng ibang tao. "I apologize Mr. Larkins, I don't really entertain my fans while I'm on an exclusive party. I hope you understand. " and I smiled sweetly. "If you'll excuse us." at malakas kong hinatak si Lucas at sa pagkakataong ito ay nagpahila na sa akin. Mabuti na lang at inianunsyo ng host na magsisimula na ang bidding at nawala na ang atensyon sa amin ng mga tao.

Nakita ko pa ang malamig at walang emosyon nitong anyo bago ko siya talikodan. Nahagip din ng mga mata ko si Sophia na kakikitaan pa rin ng pagtataka sa mukha.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now