Kabanata 39

118K 2K 346
                                    

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto para patahimikin ang nagngingitngit kong kalooban dahil sa kahiya hiyang nangyari. Ang lalaking iyon, hindi man lang ako inalalayang makatayo! Sobra naman ang pande-deadma niya sa akin!

Huminga ako nang malalim at kinatok na ang pinto ng meeting room namin ni Liz na sinabi ng PA ni Ayesha. Nagulat ako nang si Vanessa ang nagbukas sa akin.

"Mars!" bati ko agad dito at niyakap ito. Matagal tagal ko na din itong di nakita at nakausap.

"Mars!" masiglang bati rin nito at gumanti ng yakap. "It's been a long time." anito at inaya na ako sa loob ng meeting room na iyon.

"Oo nga. Saan ka ba nagsususuot? Kino-contact kita, di kita matawagan. Kahit sa private message, di ka sumasagot." may pagtatampong sabi ko.

"Sorry. I was really busy. Alam mo na, dami kong projects." anito na inintindi ko na lamang dahil totoo naman.

"Muntikan na akong umalis nang hindi man lang kita nakikita."

"Oo nga eh. Pero I was planning to visit you naman eh. "

"Saan na si Liz?" tanong ko nang mapansing wala pa ang manager niya.

"Punta na daw. Wait na lang natin." anito. "So kumusta na ikaw? Balita ko, maganda ang takbo ng restaurant mo. Punta ako sa isang araw ah. Libre mo ko, may take out pa!" napatawa ako sa sinabi niya. Takaw talaga ng babaeng 'to.

Nag-kwentuhan pa kami habang hinihintay si Liz. Sabay kaming napalingon sa pinto nang may biglang kumatok. Siya na siguro iyon. Tumayo si Vanessa para pagbuksan iyon at napansin kong iyong PA pa din at may dalang meryenda. Kinausap ito saglit ni Vanessa bago papasukin.

"Matatagalan daw si Liz. May kailangan daw daanan." ani Van.

Nagkibit balikat naman ako. Ibinaba ng PA ang dalang inumin at pansin kong medyo nangangatal ang kamay nito na halos magkanda tapon na ang laman.

"Hey, okay ka lang?" tanong ko. Mabilis itong tumango at umalis na.

"Pasma siguro." ani Van at kinuha na ang basong may inumin at ininom iyon.

"Bakit di natuloy ang extension ng contract mo?"

"Ayoko na talaga eh. I mean, nakita ko na ang passion ko eh. As the saying goes, choose a job you love and you will never have to work a day in your life." nginitian ko siya.

"Really?" hindi ako sigurado pero parang sarkastiko ang pagakakasabi niya.

"Parang iba ang lasa ng juice." biglang sabi nito. "Try mo nga yung sa'yo."

"Huh?Bakit?" at tinikman ko rin ang juice ko. Wala naman akong malasahang kakaiba kaya uminom ulit ako.

"Ok naman ah." sabi ko.

"Talaga ba? Baka panlasa ko lang ang may problema." nagkibit balikat lang ako.

"Habang hinihintay natin si Liz, na mukhang matatagalan, mag-bag raid ako ha para sa vlog ko." ani Van.

"Sure." paunlak ko habang siya ay nag-ayos ng gagamitin. Ibinigay ko sa kanya ang bag ko.

"Wait. Is this an authentic Himalaya Birkin?!" nangigilalas na tanong nito.

"Yeah." balewala kong sagot.

"How could you afford this?" di makapaniwala nitong tanong.

"Ugh, someone gave that to me." Kuya Cedrick bought it for me.

"Grabe, Yanna. Ang mahal nito. Siguro super yaman ng nagbigay nito." Nagkabit na lang ako ng balikat dahil totoo naman. Kuya is a billionaire at barya lang sa kanya ang halaga ng bag na iyon.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now