Chapter 1

14 0 0
                                    

Partner in Crime

"Leo! Tangina naman! Ibenta mo na to! Isang pakete lang to di mo pa mabenta! Di ka na nga makanakaw jan sa Laguna! Wala na kong makain dito Leo!"

Sigaw lang ni mama ang naririnig ko napakaliit lang ng bahay namin kaya parang nageecho siya lalo na pag may nagsisigawan.

"Mama..." tawag ko kay mama. Matagal ko na silang pinapahinto sa mga masasama nilang ginagawa pero hindi talaga sila nakikinig sakin!

"Oh, anak! Magtiis ka muna sa gutom ha! Yang ama mo wala pang nananakawan!" She hissed. What the fck? Seriously, mom?

"Mama naman! Napag-usapan na natin to diba! Sabi mo titigil na kayo ni papa! Ano na naman to ma!"

"Tangina, Jergel! Wag kang puro reklamo jan! Wala na kaming maisip na hanapbuhay ng tatay mo kundi ang mga ito lang! Magpasalamat ka na nga lang at napapakain at napapaaral ka nito!" sigaw sakin ni Mama.

"Ma naman! Madaming trabaho jan o! Pano pag nakulong kayo ni Papa sa ginagawa niyo! Sinong mag-aalaga samin ni Miguel?" sigaw ko. Miguel is just 3 years old! At di niya pa alam kung saan nanggaling ang pinapakain sakanya ni Mama!

"Anak! Wala ng tatanggap samin! Kung ikaw may-ari ka ng trabaho tas nalaman mong may gustong umapply sayo tas malalaman mo adik pala, magnanakaw, mamamatay-tao! Tatanggapin mo ba? Tatanggapin mo ba, Jergel!?" napaisip ako. Tama naman si mama. Pero hindi, hindi pa rin tama to! Takte naman ang gulo! "Kulungan na lang ang tatanggap samin ng tatay mo, Jergel, wala ng iba." Never pang nakulong o nahuli si mama at papa. Kahit kalat na sa mga pulis na drugaddict, mamamatay-tao at magnanakaw si mama at papa di pa rin sila magawang hulihin. Ang galing kasi nila masyado. Sabi pa nga ni mama at papa relationship goals daw.

Naaawa ako para sa kinabukasan ng kapatid ko. Sakitin pa naman ito. Ako nga tinutukso at sinasaktan sa school paano pa kaya tong si Miguel? Sana naman ako na lang, wag na nila idamay ang kapatid ko.

"JEERGEL! JEERGEEL! MIGUEEEL!" nagulat ako sa malakas na katok na iyon. Nasaan ba kasi si mama?

"Ano po yun? Sino p---"

"Ineeeng! Mag-impake ka na! Papunta na ang mga pulis dito! Asan ba si Lourdes? Nakapag-tago na ba ang ina mo? Alam ba niya kung anong nangyare sa ama mo?" dire-diretsong tanong ni Mang Isko, kalapit kaibigan ni mama at papa.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Anong nangyare kay papa? Anong sinasabi ni Mang Isko? Kinuha ko ang malaking bag at naglagay ng damit ni Miguel at damit ko at gatas at pagkain. Tanginang buhay to! Halos sanay na din naman ako kasi halos araw-araw panay kami lipat ng pwesto at tago. Kaya nga NPA kami. No Permanent Address.

Tumakbo ako sa may iskinita matagal ang mga pulis siguro nagtatanong-tanong pa iyon kung saan nakatira si Lourdes Filemino. Masyado kasing sulok ang bahay namin.

Takbo lang ako ng takbo habang bitbit ko si Miguel hawak ko ang cellphone ko at tinatawagan si Mama.

"Mama naman... sumagot ka please..." paulit-ulit kong bulong sa hangin.

Si miguel na walang ka-alam alam ay natawa lang dahil akala niya naglalaro lang kami ng takbo-takbohan.

Habang natakbo ay sinagot na ni mama ang tawag. "Jergel... ang ama mo..."

Bigla na lang ako napatigil sa pagtakbo. Malayo-layo na kami sa barangay namin. Di ko na alam kung nasaan na ako.

Unti-unting umagos ang luha ko. Nabitawan ko ang malaking bag na hawak ko at napaupo ako sa lupa. Wala nang paki kung ano ang masabi sakin ng mga tao.

"Jergel... ang ama mo nabaril ng pulis pinatay niya si Attorney Lagdameo isang magaling na abogado.  Pinaghahanap na ako Jergel di ko alam kung kaya ko pang magtago gusto kong makita ang ama mo."

I didn't move any muscle. I feel like I'm stiffened with my whole body.

"Jergel, patay na ang partner in crime ko.."

A Wild HurricaneWhere stories live. Discover now