Kabanata 18

157 7 0
                                    

Narito ako ngayon sa mall at bumibili ng bagong pantalon. Binigyan kasi ako ni Papa ng pera siguro dahil mataas ang sales namin nitong mga nakaraang araw kaya binigyan nya ako ng pera.

Hindi na ako nagpasama pa sa mga kaibigan ko dahil sandali lang naman ako.
Naka simpleng maong pants, vans old shoes at tee shirt lang ako ngayon. Pagkatapos kong bumili ng bagong pantalon ay uuwi na rin ako.

Habang naglalakad lakad ako nakita ko si Angela na mukhang nagshoshopping dahil marami itong dalang paper bag. Mukhang mayaman talaga si Angela. Ang classy nyang tignan nakadress at heels pa ito habang naglalakad. Hindi malabong marami ring nagkakagusto sakanya.

Bumili lang ako ng isang pantalon at makakain saka ako umuwi. Pabagsak akong nahiga sa maliit kong kama. Ang tahimik ng buong bahay wala akong ibang magawa kundi ang mahiga lang kapag hindi naglilinis ng bahay o kaya naman kapag walang ano man na gagawin sa school. Wala rin akong ibang makausap sa personal dahil wala rito si Papa palagi.

"Seriena, pakidala naman to kay Michael? Kung okay lang?" Sabi ni Rose saakin at iniabot ang cellphone saakin. Cellphone ni Michael.

Nakahiga sya ngayon sa kama dito sa loob ng school clinic. Sinamahan ko sya dahil nahihilo sya kanina nilalagnat kasi sya.

"Oo naman. Saan ba?" Tanong ko at kinuha ang cellphone na inaabot nya saakin.

"Sa field. May training sila ng basketball ngayon. Tumatawag yung Mama nya mukhang importante eh." Sabi ni Rose. Bahagya akong natigilan sa sinabi nya pero gagawin ko pa rin naman yung favor nya.

"Sige. Punta na ako." Sabi ko at tumayo na sa pagkakaupo at saka ako lumabas ng clinic. 

Malamang nandoon si Adam. Oo iniiwasan ko na syang makita pero syempre nasa iisang school lang naman kami kaya kahit paano magkikita at magkikita pa rin naman kami. Saka isa pa hindi naman porket nandoon si Adam sa field hindi na ako pupunta doon no!

Pagkarating ko sa field tama talaga ang sinabi ko. Nandito sila Adam at naglalaro ng volleyball. Sa kabilang banda naman ng field ay ang mga naglalaro ng basketball. Malawak naman ang field at may kanya kanyang court ang bawat sports.

Madadaanan ko ang court ng volleyball bago ako makapunta sa court ng basketball.

Huminga ako ng malalim at saka ako dahan dahan na naglakad sa gilid para makadaan. Sana lang huwag akong matamaan ng mga bola na naglilipat lipat sa court. Nakakaba na mataan! Ang lalakas nilang pumalo.

Nakahinga ako ng maluwag ng nakadaan ako may natamaan ng bola nila napunta iyon sa bleachers.

Kaagad akong lumapit kay Michael ng makita ko sya.

"Pinapabigay ni Rose. Tumatawag daw kasi si Mama mo." Sabi ko at inabot ang cellphone sakanya na kaagad nya naman kinuha.

"Kamusta sya? Pakisabi ihahatid ko na rin sya sakanila." Sabi ni Michael.

"Okay naman na sya. Nagpapahinga nalang naman sya sa clinic. Sige na babalik na rin ako doon wala syang kasama."

"Thank you Seriena." Sabi ni Adam. Tinanguan ko lang sya at nginitian bilang sagot.

Hay ano ba yan. Dadaan na naman ako sa makapigil hininga na court ng volleyball.

Habang dahan dahan ako na naglalakad sa gilid dahil tinatancha ko yung bola kung papunta ba sa direksyon ko dahil kinakabahan ako baka mamaya—-

"Sorry. Sorry miss." Sabi ng isa sa mga player na lalaki. Hinawakan nya pa ang ulo ko na na natamaan ng bola.

Kakasabi ko lang eh! Parang naalog yung utak ko dun ah? Nahilo ako sa pagtama ng bola sa ulo ko.

Napahinto ako sandali sa paglalakad dahil sa nangyaring iyon kaya nagtama ang tingin namin ni Adam na nakatayo sa hindi kalayuan saakin. Nakatingin lang sya at walang kahit akong expression. Blanko lang.

"Okay lang." sabi ko nalang at dumiretso na sa paglalakad. Kahihiyan na naman! Nakita pa ng mga players na nadoon pati si Adam.

Naglalakad ako ngayon mag isa palabas ng school pero nandito pa ako sa campus. May mga studyante pa naman na nandito  dahil may mga panggabi na klase.

Wala akong kasabay dahil sinundo na ni Michael si Rose sa clinic at dumiretso sa parking ng school namin dahil may sariling sasakyan si Michael. Isinasabay nila akong dalawa para ihatid sa bahay pero hindi na ako pumayag dahil magkaibang direksyon ang patutunguhan namin kung isasabay pa nila ako matatagalan lang sila at isa pa kailangan ng umuwi ni Rose dahil may sakit ito.

Habang naglalakad ako bigla akong nadapa dahil nagcecellphone ako habang naglalakad. Katangahan Seriena!

Naupo ako sa baitang ng hagdanan dahil hindi ko tinitignan or hindi ko nakita ang dinadaanan ko na hagdanan na pala! Madilim na rin kasi ngayon dahil gabi na pero may mga nakabukas naman na ilaw hindi nga lang ganon kasakop ang buong lugar kaya may parteng madilim kagaya ng dinadaanan ko ngayon. Malawak kasi ang campus at medyo dulo pa ang building namin kaya maraming pasikot sikot na daan para makalabas ng school.

Tumingin ako sa kaliwa at kanan tinitignan ko kung may nakakita ba. Mukhang wala naman dahil iilan nalang naman ang mga studyante rito at malamang nasa loob sila ng mga building nila.

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa sahig at ibinulsa. Ang malas ko ata ngayon ha? Natamaan na ako ng bola kanina tapos natalisod pa ako. Medyo masakit itong pagkakatalisod ko dahil parang magkakapasa pa ata ang tuhod ko sa impact ng pagkadapa ko sa hagdanan.

Iika ika akong maglakad habang palabas ng school. Hindi ko maderetso ang paa ko dahil masakit!

"Bakit ganyan ka maglakad?" Napalingon ako ng may bigla nalang nagsalita mula sa likuran ko. Si Adam na nakapagpalit na. Mukhang pauwi na rin sya.

"Nadapa ako." Sabi ko habang naglalakad ng paika ika.

"Hoy!" Sigaw ko ng bigla nalang nya akong pasanin. Sa isang iglap pasan pasan na nya ako. Napahawak ako bigla sa balikat nya.

Jusko aatakihin ako sa puso sa pangyayaring to! Sa liit ko lang ganon nya ako kabilis nabuhat. At bakit nya ako pinapasan aber? Bakit bigla bigla syang nakikipag usap saakin? Hindi ba't wala syang pakielam saakin? Tapos bigla ganito ginagawa nya. Naalog ata yung ulo nito?

"Hoy?" Sabi ni Adam saakin na para bang nagtataka sya kung bakit Hoy ang naitawag ko sakanya at hindi ang pangalan nya.

"Ibaba mo nga ako. Mamaya may makakita sayo machismiss ka na naman bahala ka." Sabi ko sakanya at sinusubukan kong bumaba pero mahigpit ang hawak nya sa binti ko para di ako malaglag.

Ayaw nyang mapag usapan tapos ginagawa nya to. Nako mamaya may makakita saamin mapapag usapan na naman sya. Ayaw na ayaw nya pa naman ng ganon. Tapos magagalit sya kasi kasalanan ko? Tss.

"Manahimik ka nalang pwede." Sabi ni Adam. Napairap nalang ako. Ano pa nga ba? Ang sungit nito.

Dinala nya ako sa 7/11 na malapit at tinignan ang tuhod ko na may pasa sa kanang tuhod. Nilinisan nya iyon gamit ang bulak at alcohol. Bumili rin siya ng yelo at inilagay sa bimpo nito saka nya idinampi sa tuhod ko na may pasa. Nakaupo sya sa tabi ko pero nakaside dahil nga ginagamot nya itong tuhod ko na may pasa. Tinitignan ko lang sya habang ginagawa nya iyon.

Anong nakain nito? Parang bumait ata? Well...mabait naman sya pero hindi saakin. Alam nyo naman yun diba? Tapos bigla syang ganito. Bigla syang nagsayang ng oras at effort nya saakin. Talagang ginawa nya pa to at hindi pa umuwi kaagad.

"Huwag kang tumitig." Sabi ni Adam ng hindi ako tinitignan. Nag iwas nalang ako ng tingin at tumingin nalang sa mga pagkain na nandito sa 7/11.

Si Adam ba talaga tong kasama ko?

Who Would have Known (COMPLETED)Where stories live. Discover now