Kabanata 28

138 3 0
                                    

Today is the Day!

December 25 na at ito ang araw ng pag alis nila Tita Cathy. Maaga silang aalis para daw hindi sila matraffic at makarating sila kaagad. Alas sais palang ng umaga nagreready na sila.

Kaninang madaling araw sama sama kaming nagcelebrate ng christmas. Ako, si Papa, Tita Cathy, Tito Arnold and Cyrus. Si Adam sumaglit lang kaninang madaling araw dahil may trabaho pa daw ito ngayong umaga 6 AM to 12 PM daw ang shift ni Adam kaya mamaya susunod nalang daw sya sa probinsya na pupuntahan nila Tita Cathy. Alam naman daw iyon ni Adam dahil isang beses na nilang pinuntahan iyon noon kaya alam na ni Adam kung paano ang pumunta doon.

Nagtulungan kami sa pagluluto ng handa namin kaninang madaling araw. Si Papa iniluto ang special dish nya at ganon rin si Tita at syempre hindi mawawala ang graham at spaghetti sa handa. Nag exchange gift din kami kanina pagkatapos ng kainan na hindi naman naabutan ni Adam dahil pagkatapos kumain eh nagpaalam na rin sya.

May mga regalo rin syang dala kanina para saamin kaya lang hindi namin naibigay ang regalo namin sakanya dahil nga umalis rin sya. Kaya sila Tita dadalhin nila ang regalo nila kay Adam dahil makakasama nila ito mamaya at maibibigay kay Adam ang regalo habang ako eh hihintayin ko pa na magkita kaming dalawa para maibigay ko. Gusto ko kasing ako mismo ang magbibigay sakanya ng regalo ko.

Nagtatampo nga ako eh! Walang regalo si Adam saakin ang sabi nya lang sa text kanina kay Tita Cathy nakalimutan nya daw akong bilhan. Pero si Papa meron! Nakakapagtampo talaga! Dinamdam ko pa yun kanina actually hanggang ngayon! Akalain mo yun! Nakalimutan nya!

Pero masaya naman ako ngayon dahil natuwa sila sa regalo ko. Nakita ko na naman yung ngiti ni Papa nung makita nya ang regalo ko kanina ang sabi pa nya dadalhin nya daw iyong damit na iyon para maisuot na at iyong pabango na regalo ko sakanya. Si Tita at Tito naman natuwa rin dahil pareho sila ng bath towel. Si Cyrus naman kahit na madalas akong iniinis nakita kong natuwa sya sa iniregalo ko sakanya kahit na ayaw nya pang sabihin na natutuwa sya.

At syempre may regalo rin sila saakin puro damit at bag ang iniregalo nila. Halos girly ang iniregalo nila saakin.

Hindi talaga ako sasama dahil may lakad rin kami ng mga kaibigan ko mamayang tanghali. Magkikita kita kami mamaya sa mall para manuod ng sine pagkatapos non ay kakain kami sa eat all you can and magpupunta kami sa theme park mamayang gabi. Dadalhin ko na rin ang regalo ko sakanila at para maibigay ko na. Excited na ako sa gagawin namin ngayong araw!

"Oh mauuna na kami ha. Mag ingat ka and mag enjoy ka Seriena." Sabi ni Tita Cathy. Nandito na kami sa labas ng bahay.

"Maglock ka ng bahay ha? Marami pa naman ang masasamang loob ngayon." Sabi ni Tito Arnold. Tumango naman ako.

"Anak pinayagan kita kaya magbehave ka ha. Huwag kang magpapagabi masyado. Itext mo ako ha." Sabi naman ni Papa.

"Opo. Ingat po kayo. Enjoy rin po."

Sumakay na sila sa sasakyan ni Tito Arnold at ready na sa pag alis. Kumaway ako sakanila ng nakangiti. Bumusina si Tito hudyat na aalis na sila at pinaandar na nya ang sasakyan.

Pumasok na ako sa loob ng bahay para matulong na muna. Itutuloy ko ang tulog ko dahil maaga pa naman. Mag aalarm nalang ako ng 11 AM para makapag ayos ng sarili mamaya.

Napuyat ako sa kaganapan ngayon at kaninang madaling araw.

Nahiga ako sa sofa dito sa sala at matutulog na muna.

Nagising ako dahil sa malakas na pagtunog ng cellphone ko. Kaagad ko naman iyong sinagot kahit hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag.

"Hello. Seriena...sorry."

Sabi ni Jilliana sa kabilang linya. Alam kong sya yun dahil kilala ko na ang boses ng mga kaibigan ko.

Bumangon ako at naupo sa sofa dahil para may kutob na ako sa tono ng boses nya.

"Hindi ako makakasama ngayon. Biglaan kasing nagyaya si Mama na umalis kami hindi naman ako makatanggi dahil ngayon lang namin sya makakasama alam mo naman na broken family ang meron ako dina? Btw, Merry Christmas!"

Biglang nalaglag ang balikat ko sa sinabi ni Jilliana. Sayang naman edi dalawa lang kami ni Hennesy ngayong araw?

"Ah...osige. Naiintindihan ko naman. Enjoy kayo ni Tita. Merry Christmas! Sasabihin ko nalang kay Hennesy."

"Hindi mo ba nabasa yung text ni Hen? Hindi rin sya makakapunta. Nagtext sya kaninang mga 9 AM. Ang sabi nya otw sya kasama ng family nya sa isang resort."

"Ah..."

Parang gusto kong maiyak! Ang daya naman nila eh! Edi sana pala sumama nalang rin ako kila Papa. Kung kailan naman nakaalis na sila kanina pa. 10:30 na ng umaga malamang nandoon na yung mga yun.

"Sorry talaga Seriena."

"Okay lang ano ba kayo. Sige na. Enjoy! Merry Christmas ulit!" Sabi ko at binaba na ang tawag.

Napabuntong hininga nalang ako. Bakit naman ganon? Kung kelan Christmas day saka ako mamalasin ng ganito? Wala akong kasama sa special day na to! Halos nagsasaya yung lahat ng tao habang ako mag isa nalang ngayon!

Anong gagawin ko? Pupunta ako sa mall at manunuod ng sine? Inilingan ko ang sarili kong naisip. Magmumukha lang akong loner doon malamang maraming manunuod ng sine.

Mag eat all you can kaya akong mag isa? Kaya lang nawalan naman na ako ng gana dahil nawala na yung excitement ko.

Mag amusement park nalang kaya akong mag isa mamayang gabi? Kaya lang malamang hindi ko rin maeenjoy.

Hay nako naman Seriena! Ano ng gagawin mo ngayon?

Hindi ko naman pwedeng yayain si Kiko at si Terrence dahil malamang may mga kanya kanyang agenda rin sila ngayon.

Dapat talaga sumama na ako eh! Nakakaasar naman oh! Edi sana nagsasaya ako ngayon kasama sila Adam.

Naiiyak na tuloy ako sa frustrations ko!

Bahala na nga! Bibili nalang ako ng pagkain sa labas at magmomovie marathon nalang mag isa dito sa bahay.

Tumayo na ako at umakyat sa taas para kumuha ng damit saka ako bumaba ulit para makapaligo.

Pagkatapos kong mag ayos ng sarili. Kinuha ko ang susi na nakapatong sa center table at saka lumabas ng bahay.

Nilock at sinara ko naman ang mga dapat isara kaya umalis na ako. Naglakad ako palabas ng subdivision at saka sumakay ng jeep para makapunta sa mall.

Nakasimpleng black knitted dress ako and doll shoes. Mas madali kasi itong isuot saka tutal uuwi rin naman ako pagkatapos kong mamili.

Bibili nalang ako ng maraming pagkain para naman makapag enjoy din ako. Tutal binigyan ako ng pera ni Papa kaya marami rami naman akong pera ngayon.

Pagdating ko sa mall as expected maraming tao pero dumiretso ako sa mga store na favorite kong kainan at nagtake out ng pagkain.

Kakain nalang ako ng marami!

Who Would have Known (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora