Chapter 1

1 0 0
                                    

Deverlyn's POV

The ship started to sail and I can feel the swaying of it along with the dizziness that starts to consume me.

Oo, hindi ako sanay na magbiyahe. Pinaka-ayaw ko ang bumabyahe dahil natrauma na ako last time. That was the most heartbreaking sail I had.

Simula noon hindi ko na feel ang karagatan, It always remind me how painful that memory is.

Sailing while tears are also streaming down my face, as the night sky filled with the light of the radiating moon. The cold breeze still lingers in my skin ever since.

Hayy buhay nga naman parang life. Pero it doesn't matter, ang mahalaga ay importante charot! And mahalaga ay ang makapagtapos ako at makamit ang pangarap ng aking minamahal na ina para sa akin.

Nakaramdam ako ng kiliti mula sa aking puson pababa at hindi ko mapigilan ang ungol na namumutawi sa aking inosenteng bibig charot lang ang berde nyo na ata, naiihi lang ako hehe.

Kaya naman agad akong tumayo at hinanap ang comfort room. Kailangan ko ng mailabas ito o baka kung ano pa ang mangyari sa akin.

Habang naglalakad ako bigla na lang umugoy ang barko na muntik nang makapagpatumba sa akin ngunit nahawakan pala ako ng isang-- O_O

OMEGED! ang wafu wafu nemen nye >_<
Hoy Deverlyn ayusin mo ang buhay mo mag-aaral ka at hindi lalandi maliwanag?!!

"S-salamat." Sabi ko at tumayo ng tuwid habang nakatingin pa din sa mala-adonis na lalaki sa aking harapan. Well, well, well, ang babaeng kerengkeng ay umaapela na naman.

"Welcome, by the way mag-ingat ka nga pala binibini baka matumba ka na naman." Sabi nya sabay kindat

Napalunok naman ako sa ginawa nya. Wahhhhhhhhhhhh! Yung puso ang abnormal na ng heartbeat tapos---tapos gosh lalo na akong naihi sa kilig hahah charot lang.

Nakita ko naman agad yung banyo at ayun umihi na ako at nilabas lahat nang aking sama ng loob na napakasama din ng amoy. My goodness salamat at wala akong kasabay, baka na issue na ako doon heheh.

May tatlong oras din ang biyahe kaya naman nakatulog pala ako ng di ko namamalayan. Nagising na lang ako ng may marahang tumatapik sa mga pisngi ko.

"Kuya naman! Papatayin kita pagbangon ko ngayon! Nanay!!!" Sigaw ko at nagmulat.
Nanlaki ang aking maliliit na mga mata sa aking nakita. S-si s-si kuyang messy hair nakaharap sa akin ngayon. Nakalimutan ko palang nagbibiyahe nga pala ako.

"S-sorry po hehe" smbit ko habang nakapeace sign at ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi kahit na magkakulay na kami ng uling charot! Hindi naman ako ganun kaitim noh!

Pero grabe nakakahiya talaga. Napapayuko at nakarinig naman ako ng mahinang pagtawa.
Tiningala ko siyang muli at napatulala na naman ako sa angking kagandahan ng aking sarili sa salamin echos lang.

"Bakit ang sexy ng boses mo?" Wala sa sarili kong sambit na ikinatigil ko at ikinapula naman ng tenga ng lalaking kaharap ko.

"H-ha?? Anong sabi mo?" Pakurap-kurap niyang tanong.
Mahaba din pala ang pilik mata niya at malantik pangbakla lang hehe charrr tapos matangos ang ilong niya at---at napakasarap siguro ng labi niya---wait WHAT?! Masarap? Gracious grace Deverlyn, anong masarap ang pinagsasasabi mo jan?

"H-hey!" Sambit ni kuyang pogi na nakapagpabalik sa akin sa katinuan mula sa kerengkeng kong pagiisip.

"Bakit ba?" Taray-taray kong tanong

"Bumaba na daw lahat ng pasahero at aalis na ang barko" natatawa nyang banggit at naglakad na pababa

Nanlaki naman ang mata ko, grabe grabe grabe talaga. Nawawala na ang mahinhin version ko. Bumaba na din ako at nagpunta sa bilihan ng ticket ng bus.

Pagkabayad ko agad akong pumasok at ang huling upuan sa likod na lang ang walang nakaupo. Wow! VIP aketch hehe.
Umupo na ako at muling nakaramdam ng antok, grabe bakit ba ako ay laging inaantok? D-di kaya?! No way! Di ako buntis,

Wahhhhhh narape na ata ako ng maligno, ng engkanto, hala!! Wag namang nuno o baka naman nasikatan ng buwan ang panty ko kaya ganun?! No no no no, hindi naman ako nagsasampay ng panty sa labas ng bahay eh.

Ay bahala na nga basta matutulog ako.
Di ko namanlayan kung gaano kahaba ang naging tulog ko. Basta matutulog lang ako wala sila dun hehe.

"Ang sweet naman nung magkasintahan sa likod oh"

"Oo nga noh, bagay na bagay sila"

"Ang swerte naman ni ate girl kay kuya boy"

"Ganyan din kami nung kabataan pa namin eh"

Nagising ako sa mga bulung-bulungan at napalaki na naman ang aking maliliit na mata sa aking nakita. Nakahilig ako sa balikat ni kuyang yummy at siya naman ay naka-akbay sa akin habang nakahilig ang ulo niya sa aking ulo na nakahilig din sa balikat niya. Gets nyo?! Nakahilig kami sa isa't-isa at bahala kayo kung di nyo maintindihan.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng aking puso kaya naman hinayaan ko ang aking sarili sa ganoong posisyon. Naamoy ang panglalaki niyang pabango na naghatid ng kiliti mula sa aking tiyan pababa hanggang sa talampakan.

Napatingin na naman akong muli sa kanyang mga labi my goshh parang ang sarap kagatin.
I bit my lower lip on that thought. Nagiging kerwngkeng na naman ako.

Matapos kong titigan ang labi niyang napakasarap tiningnan ko naman ang kayang mga mata--- yes people nakamulat po sya ngayon at may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi na nakapagdagdag sa kaba at kahihiyan na aking ginawa.

"Wanna kiss me baby?" Tanong niya at nagwink pa ang damuho charot napakagwapong damuho naman nito pagnagkataon.

"H-ha?! A-anong k-k-k-kiss pinagsasasabi mo jan?!" Sabi ko at tinalikuran siya.
Wahhhh parang kamatis na siguro ang mukha ko sa kahihiyan.

Nakarinig na naman ako ng mahinang pagtawa at ang puso ko ay unti unti na namang nawasak sa ikasampung pagkakataon ehos lang ambilis bilis talaga ng tibok nya parang nagtatakbo ako sa bahay hanggang sa dulo ng palayan ng paulit-ulit.

"Hey, nagtatampo ba ang baby ko?" Tanong niya at sinundot niya ang aking pinakaiingatan charot lang po hahah yung tagiliran ko lang sa may belly ba.
Parang tinambol na naman ang aking puso dahil sa baby na yun.

"Babyhin mo mukha mo!" Sagot ko naman.
Nabalot ng lungkot, dusa, at pagsisisi ang aking puso ng tumigil ang bus. Echos pero naging sad ako ng konti kase nakakatuwa din kasama si kuyang gorgeous eh.

Bumaba na ang lahat at bago kami hiwalay ng lalaking iniibig ko sa mundo charing bago kami maghiwalay may sinabi siya.

"See you later baby, I will make sure to meet you again.Bye" sabi nya at binigyan ako ng isang simpleng halik sa noo.
Sana sa lips na lang para laplapan na agad hehe ang kerengkeng ko talaga.

Naiwan akong tulala at lumuluha joke, natulala ako at naguluhan sa nararamdaman ko pero one thing is for sure. She is looking forward on their next meeting.

Let's meet again Kuyang masarap ang labi charr.

Enigmatically InloveWhere stories live. Discover now