Chapter 9: Broken Promise

14 1 0
                                    

Chapter 9: Broken Promise

Tinugtog ni Marco ang isang pyesa na ngayon lamang narinig ni Divina. Napakaganda ng melodiya nito at pakiramdam niy ay napakamapayapa ang paligid. Ngunit di niya namalayang unti-unti na pala siyang napangiti.

Naalimpungatan si Divina nang itigil ni Marco ang pagtugtog. 

"Bakit? Tapos na ba iyon?"; takang tanong ni Divina.

"Ang totoo, hindi e. Hindi ko pa kasi natatapos ang komposisyon kong ito.";ani Marco.

"Ganun ba? Ano ang pamagat no'n? Ang ganda!";masiglang pahayag ni Divina.

"Wala pa akong maisip e. Tulungan mo akong mag-isip ng pamagat kapag natapos ko na ito.";nakangiting wika ni Marco. Tumango lamang si Divina na wari nalimutan na niyang nagtatampo nga pala siya kanina sa kasama niya. Sa bawat araw na lumilipas, tumitibay lamang lalo ang kanilang samahan.

Nakalipas ilang mga araw...

"Divina! Divina!";si Maria.

"Oh bakit ka humahangos?";usisa ni Divina sa kaibigan.

"Naririyan si Juan sa entrada ng paaralan. Hinihintay ka. Di raw siya aalis hanggat di mo siya hinaharap. Aakyat daw kasi siya ng ligaw sa iyo ngayon pagkat di niya na mahihintay ang sagot mo sa kanyang liham.";si Maria.

"Liham? Anong liham?"; si Divina at naalala niyang may ipinaabot na sulat sa kanya noong nakaraang linggo, galing daw ito kay Juan at inihabilin na basahin ito agad. Ngunit ni hindi man lamang niya ito nagalaw, nawaglit na rin sa kanyang isipan ang ukol rito. Kaya naman ikinagulat niya ang pagpunta ni Juan sa paaralan ngayon at may dala-dalang bulaklak. Di malaman ni Divina kung ano ang gagawin at kung paanong haharapin si Juan. 

Si Juan ay anak ng kapitan sa bayan na iyon. Madalas siya nitong binabati pagka pupunta na siya sa paaralan at binabati rin siya nito muli pagka siya umuuwi na sa kanyang tinitirhan. Hindi naman masamang tao si Juan at may hitsura rin naman ngunit wala siyang pagtingin sa lalaking iyon at ni sa hinagap ay maisip man na magiging nobya siya nito. Ayaw niyang mangyari iyon at hindi pa rin siya handang magkanobyo bunga ng naging karanasan niya kay Alfredo.

Lumipas ang mga oras ngunit naroroon pa rin si Juan sa harap ng paaralan, matyagang hinihintay si Divina. Nagsiuwian na ang lahat ng nasa paaralan maging si Maria ngunit si Divina naman ay parang ayaw na tuloy umuwi. Gusto niyang tapatin si Juan ngunit natatakot siya kung paano. Naisilip ni Divina ang kanyang paningin sa bintana ngunit nasumpungan niyang kausap ni Juan si Marco. Nakahalukipkip pa si Marco at nakita niyang tumangu-tango lamang si Juan, dagli'y napayuko at napabuntong-hininga. Maya-maya pa'y umalis na ito. Nagulat siya nang tingnan siya ni Marco habang sumisilip sa bintana.

"Balak mo bang dyan ka na titira? 'Lika na!"; nakangiting sigaw ni Marco sa kanya sabay kaway. Napangiting sumunod si Divina sa mando ni Marco.

"Paano mo nalamang may nakaabang sakin dito?";usisa ni Divina.

"E kanina ka pa tingin ng tingin sa bintana atsaka nakauwi na lahat, ikaw nakadungaw pa rin sa lalaking yaon. Hinihintay nga kitang lumapit sakin at humingi ng saklolo kaso ayan oh, mas gusto mo pang magtago na lamang doon.";si Marco.

"E kasi nakakahiya naman sabihin ko sa iyo na may manliligaw ako.";ani Divina.

"Bakit naman nakakahiya? Natural lang 'yon kasi maganda ka.";ani Marco. Nagtama ang kanilang mga mata at muling bumilis ang tibok ng puso sa mga tingin ni Marco sa kanya.

"P-paano mo siya napaalis?";si Divina at pilit binabalewala ang nararamdamang kakaiba.

"Sinabi ko sa kanya... may mahal ka nang iba.";si Marco. Muling napatingin si Divina kay Marco.

We Were But We Were NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon