Epilogue

30 1 0
                                    

Epilogue

Taong 1989...

Isa-isang pinuntahan ni Divina ang mga lugar kung saan sila madalas mamasyal ni Marco noon. Ito na lamang ang pinagkakaabalahan ni Divina mula nang mabiyuda siya sa kanyang asawang si Alfredo isang taon na ang nakakaraan. Ang dating coffee shop kung saan tumutugtog ng piano si Marco ay wala na at ang paaralang minsang pinagturuan nila ay wala na rin. Halos pinagtayuan na ng building ang mga dating establisyemento roon. Ang dating naman nilang tagpuan ngayo'y naging isang parke na. Wala na rin ang puno ng mangga.

Naupo si Divina sa isa sa sulok nang may lumapit sa kanynag binata na sa tantsa niya ay nasa 23 o 24 na taong gulang.

"Magandang umaga ho... Kayo po ba si Ginang Divina Aljuego? Biñan?";anito.

"Oo, iho. Bakit mo naitanong?";si Divina.

"Hay! Salamat! Sa wakas at natiyempuhan ko rin po kayo.";anito na wari nabunutan ng tinik sa lalamunan.

"Matagal ko na po kayo inaabangan rito... bumibilang na rin ng mga halos apat na taon na. Pag may bakanteng oras ako e agad ako tumutungo rito at itinatanong ang pangalan mo sa bawat babaeng kasin-edad mo po rito.";magiliw na kwento nito. Pero nagtataka pa rin si Divina.

"Ah nga po pala ako po si Efren. Estudyante po ako ni ginoong Marco Salvador. Ako po iyung tagalinis niya ng saklay.";anito. Nagulat si Divina nang maringgan ang pangalan ni Marco at sumariwa sa alaala niya ang isang batang lalaki na wari sampung taong gulang na may dala-dalang mga saklay noong huli niyang makita si Marco.

"Ikaw pala iyon, iho. Kay bilis nga naman talaga ng panahon. Napakalaki mo na.";matipid na ngiti ni Divina. Ngumiti rin ang binata bilang tugon.

"Bakit mo ako hinahanap, iho?";ani Divina.

"Ah nga po pala. Pinaposoli po ito ni ginoong Salvador. Madalas niya pong ikuwento sa akin ang kanyang sinta. At ikaw raw po ang makakapagsoli nitong kuwintas.";ang wika ni Efren at inilabas ang kahon na pinaglagyan ng kanyang kwintas. Ito ang kwintas na binigay niya kay Marco bago sila maghiwalay.

Bumalik ka sa akin tangan ang kuwintas naiyan... sapagka't hihintayin kita, mahal ko.; pananariwa ni Divina sa kanyang alaala nang araw na yaon. Napatitig siya sa kuwintas.

"Huling habilin po ito ni ginoong Salvador sa akin bago siya pumanaw."; dagdag pa ni Efren.

"Pumanaw? Pumanaw na si Marco?";wika ni Divina at di namalayang pumatak na ang kanyang mga luha.

"Opo... apat na taong nakakaraan na po kaya ho matagal na po kitang inaabangan dito dahil sa kwintas na iyan. Iyon lang kasi ang pwede kong magawa kapalit ng lahat ng kabutihan niya sa akin.";wika ni Efren pero parang di rumehistro sa kaisipan ni Divina sa pagkabigla ng balitang pumanaw na pala si Marco.

"Noong naipit kami sa gyera, naiwan ako sa paaralan dahil takot akong lumabas sa tindi ng kaguluhan. Binalikan ako ni ginoong Salvador at inilikas... ngunit may nagtapon ng granada. Matatamaan dapat ako ngunit iniligtas ako ni ginoong Salvador pero kapalit niyaon ay ang pares ng kanyang paa. Mahirap lamang ako at isang ulila. Bilang kabayaran sa kaniyang kabutihan, araw-araw kong nililinis ang mga putik sa kanyang mga saklay. Ako na rin ang umalalay sa kanya nang siya ay humina't nagkasakit hanggang sa kanyang pagpanaw.";kuwento ni Efren sa mga alaala niya kay Marco.

"Ikaw? Bakit? Nasaan ba ang kanyang asawa? Wala ba siyang mga anak?";usisa ni Divina.

"Asawa? Naku! Hindi po nag-asawa si ginoong Salvador. Tumanda po siyang binata at isa lang ang babaeng minahal niya at kahit sa huling hininga niya, siya pa rin ang bukambibig niya... si Sinta.";wika ni Efren. Parang pinagsakluban ng lupa si Divina sa nalaman.

Dahil ako... sigurado akong kaya ko sapagka't ikaw lang ang babaeng mahal, minamahal, at mamahalin ko.; Paggunita ni Divina kay Marco. Sumikip ang kanyang dibdib at di mapigilang mapaiyak ng labis. Lubos ang kanyang pananangis sa nalaman. Walang ibang minahal si Marco kundi siya lang. Tunay ngang wagas ang pag-ibig ni Marco para sa kanya. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang alaala nila ni Marco sa coffee shop, iyung panahong kinanta ng binata ang When I Fall In Love ni Nat King Cole. Lalo namang napaiyak si Divina sa kanyang mga naalala

When I fall inlove...
It will be forever...
Or I'll never fall inlove.

In a restless world
Like this is...
Love has ended before it's begun...
And too many moonlight ...
Seem to cool in the warmth of the sun.

When I give my heart
It will be completely...
Or I'll never give my heart

"Ginang? Huwag po kayong umiyak...";nag-aalalang wika ni Efren nang makitang ang matinding pananangis ng matanda.

"Mama!";wika ng isang dalagang nasa 16 na taong gulang. Lumapit ito sa kina Divina at Efren.

"Mama, ano po ang nagyayari? Bakit kayo umiiyak ng ganito? At bakit nandirito nanaman kayo sa tagpuan niyo ni Papa. Alam kong isang taon nang wala si Papa pero kelangan nating mag-move on.";aniyang dalaga kay Divina.

"Sinta... Sinta...";hikbi ni Divina habang si Efren ay nakatunghay lamang sa mag-ina. Pakiramdam niya ay wala siyang maitutulong sa mag-ina.

"Opo mama, ako po ito. Ako po si Sinta.";sagot ng dalaga. Iniabot ni Divina ang kuwintas sa kanyang anak, tinanggap naman ito ni Sinta.

"Ipinabibigay ito sa iyo ng iyong ama.";naluluhang wika ni Divina sa anak.



---

We Were But We Were Not in printed form now available!
1 book
1 post card
1 book mark

Soft cover @ 250 php
Hard cover @ 350 php

Shipping fee not included. Pre-order 7 days.
For orders you may pm facebook.com/therealsiswhacky or directly order via Shopee app with this link: https://shopee.ph/product/114451868/14779135066?smtt=0.114453691-1650713853.9

Thank you for all your support ❤️

We Were But We Were NotWhere stories live. Discover now