LXXXVIII.

905 43 0
                                    

Yvanna Sy
Active now

TUE 12:05 AM

Yvanna Sy
Hindi ka umuwi?

Hera Imperial
Sa bahay muna ako, Yvanna. Pagkatapos namin mag-usap ni Zeus, nagpasundo ako sa mommy ko.

Yvanna Sy
Pwede kaming pumunta ni Adam d'yan ngayon? Dadaan lang.

Hera Imperial
Nasa daddy ako ngayon. Uuwi rin ako sa bahay ulit maya-maya. What for?

Yvanna Sy
It's your birthday today.

Hera Imperial
Death anniversary rin ni Daddy. I stopped doing birthdays since he died last year. You know that.

Yvanna Sy
Hera.... at least let us do something nice for you. Adam will pick you up. Magsabi ka lang kapag tapos ka na kay Tito. Let's have a midnight snack.

Hera Imperial
Sure! But I'll book a ride na lang.

Yvanna Sy
Sige. Tapos ihahatid ka na lang namin ni Adam sa bahay niyo after natin. 😘

Hera Imperial
Thank you.

Yvanna Sy
And, oh... Hera?

Hera Imperial
Yes, Yvanna?

Yvanna Sy
Gusto ko maging okay ka. Sa lahat. Tang ina, nagdasal ako sa harap ng burol ng tatay mo na ako ang bahala sa'yo. So dapat, maging okay ka.

Hinahayaan kita sa mga desisyon mo dahil alam ko, matututo ka. Naisip ko na kaya ka ganyan kasi ang dami mong pinagdaanan. Pero sana, maging okay ka. Hindi naman biglaan pero step by step. Basta ginagawa mo 'yong sa tingin mong tama. ❤️

Hera Imperial
I love you, Yvanna. Tang ina ka umiyak ako rito.

Yvanna Sy
Mahal kita kahit hindi ko palaging sinasabi. Gaga ka. Gusto ko lang maging masaya ka. Kung si Zeus pa rin 'yon kaya ka iyak nang iyak at kahit galit ako, go for it.

Hera Imperial
Gusto ko maging okay muna ako. Siguro kung para sa akin naman siya, ibabalik siya sa akin ng mundo.

Yvanna Sy
Tanga. Kung para sa'yo siya at ikaw sa kanya, ilalaban niyo pareho. Hindi naman mundo ang magdedesiyon n'yan. Kayo.

Love is not a war between the world. It should also not be between you two. It should be you two fighting the war together.

Hera Imperial
Gusto ko pang lumaban. Pero ang hirap-hirap.

Yvanna Sy
Take all the time that you need. 'Pag ready ka na, I'm sure things will fall into place.

Hera Imperial
I can only hope.

Masters of WarWhere stories live. Discover now