Chapter 6

79 6 0
                                    


[EDITED]

"Te amo, mi amor."

"Mahal din kita."

Halata ang gulat sa mukha ni V nang madatnan ko siyang nakatitig sa akin.

"A-ano?" he stuttered.

"Mahal din kita. Yan ang gusto kong marinig mula kay Nico," I repeated.

"Ahh," V nodded and continued walking while carrying me.

"One-sided love. Too bad. Tayo na lang kaya?" I joked.

Bigla akong napaisip sa sinabi ko. Pwede naman pag tiyagaan si V, eh.

"You can directly tell me that you want me to be your boyfriend, Lady Lyrae. It would be an honor and a huge previlage," pakikisakay naman ni V sa biro ko. He even gave me a playful wink.

"Kaso loyal ako eh. Kung wala na talaga akong choice ikaw na lang," I chuckled.

Sa dami ng pinag usapan namin ni V, hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng cabin ko. Dahan-dahan niya akong ibinaba saka binuksan ang pinto.

Niyaya ko siyang pumasok sa loob para uminom ng tubig. Kahit nagg-gym siya sigurado akong nauhaw at nangalay pa rin siya sa pagbuhat sa akin. Nagmagandang loob lang ako.

Pagkatapos magpalit ng damit ay saka ako nakaramdam ng pagod at antok kaya komportable akog humiga sa kama.

Kasama ko pa rin si V. Hindi ko siya pinaalis ng cabin kasi hindi ako sanay na walang nagbabantay sa akin sa ibang lugar.

"Inaantok na ako," I yawned.

"Sige, magpahinga ka na. I have to go. I'll just inform Nico that you're here," akmang tatayo na sana siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ngunit hinawakan ko ang isa niyang braso para pigilan siya.

"N-no. I m-mean, just stay. Tawagan mon a lang si Nico na nandito tayo. I can't handle myself being alone in a room while I'm asleep," nahihiya kong pakiusap.

"Okay."

Mahigpit ko siyang hinawakan sa isang kamay para hindi siya umalis.

"Don't you dare leave me," sabi ko bago tuluyang makatulog.


"Nay! Hindi po ako makahinga!" pilit na sigaw ko ngunit walang nakakarinig sa akin ni isa.

Ang sikip ng dibdib ko. Para akong sinasakal at walang hangin na dumadaloy sa aking sistema.

Kanina pa ako umiiyak na mas nagpalala ng sitwasyon ko.

"NAAAAYY!"

Malalaking gusali ang nakapalibot sa amin ngayon.

Sabi ni Inay wala raw kami sa Pilipinas. Basta nasa mayaman kaming bansa. Dito raw sila nagtatrabaho ni Itay. Mas mapapagamot raw nila ako rito.

"Nak, maging matapang ka ha?"

"Opo, Itay! Lalaban ako para sainyong lahat!"

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, bibilang ng sampu nakatago na kayo, 1..2..3..4..—"

"Ang daya mo naman! Sumisilip ka eh!"

"Lady Moretti! Stop hiding from me please! You might lose your consciousness again!"

"I'll be fine!"

I run as fast as I could so that Nico won't caught me, Nico won't get me. I need to hide from him because if he does, this game is over.

After You [Completed Story]Where stories live. Discover now