Love Lies 2U Again - 50

2.5K 89 0
                                    


Huli kong nilapitan ang table ng mga kalalakihan.

"Happy Birthday Timothy! Tanda mo na!" biro sakin ni Cholo.

Tumawa naman ako sa sinabi nito.

"Wow! maka-matanda ka dyan eh' mas lamang ka nga ng isang taon sakin" react ko sa sinabi nya.

Tumawa rin naman ang loko.

Binati rin ako isa-isa ng mga tropa.

Nagulat pa nga ako ng biglang mag-abot ng gift si Luke sa akin.

"Ano to? Nag-abala kapa?" tanong ko rito.

Ngiti lamang ang isinukli ni Luke sa akin.

"Gift namin yan ni Ryle para sa'yo. Wag kang mag-alala di naman ganun ka-expensive yan pero sure naman akong magagamit mo kaya sulit narin haha" sabi nito.

Napangiti naman ako sa sinabi nito.

"Awwww, Thank you Luke! Thank you Ryle! Wag kayong mag-alala iingatan ko to!" masayang bati ko.

Tumawa naman ang dalawa dahil sa overwhelmed na pasasalamat ko.

"Oh! Happy Birthday!" abot sakin ni Warren ng red box.

"Salamat, pero ano naman to? Bakit pati ikaw nagbigay pa" naguguluhan kong tanong.

"Tsssss ganyan kaba kapag binibigyan? Tanggapin mo na nangangalay nako oh" hindi ko alam kung naiinis na sabi nito or gusto lang ipamukha sakin na may regalo sya.

"Eh bakit mo kasi pilit inaabot sakin? Ibaba mo kaya sa lamesa?" asar kong sagot.

Umiling naman ito at kinuha ang kamay ko.

"Tssss, ayan na kunin mo na ang dami pang arte eh, halikan kita dyan eh!"

Naalarma naman ako sa sinabi nito kaya agad kong kinuha yung box na binibigay nya.

"Ayan, kukunin din pala eh!" asar na sabi nito.

Bwisit talaga tong bestfriend ko. Namimigay ng regalo sapilitan? May pangba-blackmail pa tssss.

"Anyway salamat dito. Saka pala salamat din dahil pinagka-abalahan nyo pa 'yung pagcecelebrate ng birthday ko" sinsecere na pasasalamat ko sa bestfriend ko.

Medyo nagegets ko na yung huling sinabi nya noon sa akin nang magpunta sya sa office last week. Feeling ko isa si Warren sa nag-abala para mag-set up nito. Alam kong nagawa na nya ito dati nung birthday ni Samantha kaya feeling ko ay ideya nya rin ito. Parehas na parehas kase sa ginawa nya noon, sa nangyari tonight. Although different yung venue, ibang resort ata kasi tong nirent nila ngayon eh.

Kumunot naman ang noo ng mga tao sa paligid ko dahil sa sinabi ko.

Huh? may mali ba akong nasabi?

"Ah nako Timothy mali ka dyan, hindi kami ang may plano nito" iling na sagot ni Cholo.

Tumango naman silang lahat.

"Ideya lahat to ni Pareng Grecko" sagot sakin ni Warren.

Huh? Si Grecko ang nagplano nito?

"Anong-" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil muli na silang nagsalita.

"Oo, sya ang may pakana at nag-organize nitong surprise birthday party mo. Lahat ng expenses, food, rent dito sa event's place, mga photographer, lights & sound sya lahat ang nag-asikaso" paliwanag ni Cholo.

Sumang-ayon naman si Warren.

"Yep, although wala pa ito sa kalingkingan ng efforts ko at ginastos ko sa birthday ni Samantha pero masasabi kong galante talaga si Pareng Grecko. Tsssss nagmana talaga sakin yun!" diko alam kung namumuri o nang-aasar na sabi ni Warren.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Where stories live. Discover now