Love Lies 2U Again - 58

2.7K 96 4
                                    


Matapos kong magpalit ng damit ay agad akong lumabas ng Resto.

Alas singko narin pala ng hapon, grabe ilang oras rin pala akong tumanga lang sa office ko.

Buo na ang desisyon ko. Pupuntahan kong muli si Grecko. Kakausapin ko sya.

Wala akong pakielam kung galit ba sya sakin or ipagtabuyan nya pa ako ngayon. Basta ang gusto ko lang may makaharap syang muli ngayon.

Pumara ako ng taxi at agad na sumakay rito.

Pupuntahan ko sya ngayon mismo.

Habang nasa byahe ay naglalakbay lang ang isip ko.

Alam kong magiging matigas sya sakin ngayon at mahihirapan akong makausap sya, pero tanggap ko naman yun.

Pero mas pursigido na ako sa kanya.

Shet, Grecko!

Sabi nila sundin ko lang ang puso ko. Pero di ko inisip na magiging ganito ako ka-agresibo.

Inabutan na ako ng dilim ng makarating sa bahay ng mga Marasigan.

Sumabay kasi ako sa rushed hour kung kaya't naipit sa traffic ang taxing sinakyan ko. Pero wala akong paki kung mahal ang metrong binayaran ko. Ang mahalaga ay nandidito na ako.

Nagdoorbell ako.

Muli na namang nagulat yung kasambahay na nagbukas sa sakin ng gate.

"Ah, kayo po pala" sagot nito.

"Nandyan po ba si Grecko?" tanong ko.

Alangan namang tumingin sakin ang kasambahay, akala ko ay papapasukin na nya ako ngunit pati sya ay lumabas.

"Ahm, pasensya na sir ah. Pero binilinan po kasi akong huwag na kayong papapasukin pa rito" nahihiyang banggit nito sa akin.

Nagulat ako sa sinabi nito.

"Si Grecko ba ang nag-utos nyan?" tanong ko.

Parang nag-alangan naman ang kasambahay ngunit tumango parin sa akin.

Tsssss, talagang matigas yang si Grecko ah.

"Please, nakikiusap po ako. Pabayaan nyo po akong makausap si Grecko. Kahit ngayon lang. Please ngayon lang po" pagmamakaawa ko dito.

Sincere naman ako sa sinabi ko.

Di ko naman akalain na sa gate palang pala ay magmamakaawa na ako 'makausap lang yung lalaking yun.

Para namang nahabag ang itsura ng kasambahay at naaawa sa akin.

"Pero sir, baka po mapagalitan ako" pagtutol parin nito.

"Please po manang, hayaan nyo naman po ako oh! Ngayon nalang po, last na po ito" pagmamakaawa ko parin.

Tumingin sa akin si Manang.

"Talaga po ba? Kasi po malalagot po ako kapag nalaman nilang ako po yung nagpapapasok sainyo eh" kabadong sagot nito.

"Opo. Last na po ito. Kung di man kami makapag-usap ni Grecko, hindi na po ako babalik. Promise po, basta papasukin nyo lang po ako ngayon" sagot ko rito.

Sa huli ay pinagbigyan rin ako ng kasambahay.
Dala nalang siguro ng awa kaya nya nagawa yun.

Itinuro rin naman nito kung nasaan ang amo nya.

Agad akong pumasok sa loob ng bahay at tinungo ang veranda sa gilid ng mansyong ito.

Malayo palang ay tanaw ko na ang pigura nya. Unti unti akong lumapit papunta sa kinaroroonan nya.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Where stories live. Discover now