Chapter 54

9.4K 300 170
                                    

Lumalalim na ang gabi pero malakas pa din ang hiyawan, tawanan at kwentuhan ng mga Lady Eagles sa bahay ng mga De Leon.

"Sobrang saya! Happy na lahat!" Sigaw ni Bea.

"Cheers!" Sigaw din ni Jia.

Masaya naman nagmamasid si Deanna sa mga kasama. Napansin naman niyang parang lasing na si Jema na panay ang inom mula sa binibigay ni Jho, Maddie at Aly. She can't help but smile everytime na sumasayaw ito at kinukulit ang mga kaibigan na hirap sumayaw. 

Maya maya ay lumapit si Ponggay kay Deanna.

"So ano? Hanggang tingin na lang?" Ponggay teased Deanna. Matapos ngumiti si Deanna ay lumakad si Ponggay papalapit kina Jema at nakipagsayaw. Natawa lalo si Deanna dahil sa kulit ni Ponggay. Hanggang sa nakita ni Deanna na bumulong si Ponggay kay Jema. Agad na napangiti si Jema at tumingin sa direction ni Deanna. 

Nagtama ang tingin nila. Naglakad naman si Jema papunta kay Deanna pero muntik na itong mahulog kaya inalalayan ito nga mga kaibigan. Napako naman si Deanna sa kinatatayuan nya dahil hindi pa din mapatid ang titigan nila ni Jema na pinipilit pa ring lumakad papalapit sa kanya.

Agad na yumakap si Jema kay Deanna ng marating nya ang kinaroroonan nito. Naramdaman naman ni Deanna na mukang hindi na masyadong makabalance si Jema at lasing na nga ito.

"Hey love! I'm so happy for our first win together! To more wins!" Jema said na parang may hawak na baso at nakikipag toast. Halata na ngang lasing si Jema sa kinikilos nito and of how she speak.

Ngumiti lang si Deanna at inalalayan si Jema.

"I am happy too pero tama na ang inom. You had enough na..." saway ni Deanna.

"Not enough of you though..." Matapang na sabi ni Jema.

Napasmirk lang si Deanna and said, "Uuwi pa tayo sa bahay... Magtira kang pang uwi..."

"Okay boss!" Sabi ni Jema na aktong parang sumasaludo.

Natawa lang uli si Deanna.

"I've waited for this moment na makasama ka at mayakap ka..." Jema said as she starting to be emotional.

Hinimas naman ni Deann ang likod nito.

"Hindi ko na alam how I can survive pag nawala ka pa uli..." Jema said as tears started to fall from her eyes as she look at Deanna.

"Hey, andito lang naman ako. Hindi naman ako mawawala..." Deanna responded as she caressed Jema's face.

"Wag mo na ako iiwan please..." Jema begged.

"I promise!" Deanna said. 

I don't want to see you sad. I can't bear seeing you cry and nahihirapan. I want things to be better. I want us to be happy. Isip ni Deanna bago nya yakapin si Jema.

They hugged each other so tight na parang wala ng bukas. "I love you..." Jema said but Deanna didn't respond.

"Oh Deanns, need help? Mukang nakatulog na si Jema eh..." Bea said.

"Oo nga ate Bei eh. Favor sana..." Deanna said.

"Anything Deanns..." Bea replied.

"Can you drive Jema's car sa bahay? Malapit lang naman eh..." Deanna asked.

"I was about to offer that. Sure, tara, let me help you with Jema." Bea replied.

"Thank ate bei, help me get her to my back..." Deanna said and turned her back. Bea helped naman.

My FirstWhere stories live. Discover now