chapter 1

15.6K 157 40
                                    

#UNEDITED

ERRORS AHEAD!

"FLORAE!!!"  dumadagundong sa buong mansion ang galit na galit na boses ni Don Krino habang tinatawag ang pangalan ng ikalawang anak niya na babae.

Namumula sa galit ang Don habang nababahala namang nakasunod sa kanya si Doña Vonica at ilang mga bodyguards ng mga ito.

Lahat ng mga kasambahay sa mansion na nakarinig ng sigaw ng Don ay palihim na tumalilis at umalis sa war zone.

Kasi naman, kapag si Florae ang dahilan ng galit ng Don ay tiyak malaking problema na naman ang dala nito.

Sa anim na magkakapatid na pawang babae ay masasabing si Florae ang black sheep.

Naturingang babae pero talo pa ang lalaki sa mga nasangkutang basag-ulo.

" Florae Gimenez Garcia, you little brat!  Come down in here!!"  muli ay nanggagalaiting sigaw ng Don.

"Calm down Dad. She's not here,"  walang emosyong sabat ng panganay na si Evie Les, ang tinaguriang taong bato at evil daughter ni Don Krino.

" And where the hell is she?"  galit pa ring tanong ng Don.

"Who knows?"  kibit halikat na sagot ni Evie at nilampasan ang nanggagalaiting ama.

" Calm down Krino. Walang mabuting maidudulot iyang galit mo gayung wala naman dito si Florae,"  pagpapakalma dito ni Doña Vonica.

"Vonica, wala nang ibang ginawa iyang mga anak mo kundi pasakitin ang ulo ko,"  himutok ng Don.

" Aba, anak mo rin ang mga iyon kaya tigil-tigilan mo ako Krino. May pinagmanahan lang ang mga anak mo at alam nating ikaw iyon," taas kilay na sagot ng Doña.

"Pero mga babae sila!" giit ng Don.

" Pero katulad mo nagawa rin ni Florae na banggain ang sasakyan ng anak ng mayor dahil lang sa init ng ulo," di nagpapatulong sabi ni Doña Vonica.

"Damn it Vonica! Ni minsan ay di ko nagawang banggain ang sasakyan ng anak ng mayor dahil ang mismong sasakyan ng mayor iyong binangga ko but it was long time ago!"

"Long time ago nga pero ginawa mo parin kaya huwag kang magtaka kung bakit ginawa din iyon ni Florae at ipagpasalamat mo na lang hindi ang sasakyan ng mayor ang binangga niya tulad mo,"  ismid mg Doña.

" Buti sana kung iyon lang iyong ginawa ng magaling mong anak– I mean anak natin. Huwag mo na akong pandilatan kasi nga inaangkin ko na rin, di ba?"  kambyo ng Don ng samaan ito ng tingin ng Doña.

"Maliliit lang naman na bagay ang ginawa ni Florae ah. Para namang di mo nagawa ang mga iyon noon, mas malala pa nga sayo,"  irap ng Doña.

" Buti sana kung lalaki siya! At hindi maliit na bagay ang pag-activate ng fire alarm sa mall na dahilan ng pagkakagulo at halos mag-stampade ang mga tao. Maraming nasaktan Vonica!"

"Ay sus! Hindi naman natin pinabayaan iyong mga biktima ah. At tsaka, wala namang grabeng nasaktan."

"Sige, kampihan mo iyang anak mo este anak natin! Kaya iyan namimihasa kasi nandiyan kang tagapagtanggol niya!"

"Okay lang iyan, nandiyan ka namang tagasermon eh,"  pabirong sabi ng Doña.

Sinamaan lang ito ng tingin ng Don pero nag-peace sign lang ang babae kaya bumuntong-hininga na lang si Don Krino at kinabig payakap ang magandang maybahay.

Lihim namang nagngitian ang mga tauhan nilang nakapanood ng eksena.

Sa edad na 42 ay matikas pa rin ang Don at kitang-kita na patay na patay pa rin ito sa kagandan ng asawa niya na di kumukupas kahit 40 na ito.

THE BLACK SHEEP ('d Garcia's #1)Where stories live. Discover now