chapter 2

6.9K 145 27
                                    


#UNEDITED

Piste! Ganito pala ang movie screening? Ang daming tao!

Ang ingay-ingay, panay ang sigaw nila sa pangalan no'ng Rave at Kara o KARaVE!

Kaderder talaga! KARAVE daw?

Malaki lang naman ang dede nung Kara pero di naman kagandahan!

Mas maganda pa nga doon si Ate Evie , the evil witch!

Kung mas maganda pa sa kanya iyong taong bato, paano na lang kaya kung sa akin siya ikokompara eh, diyosa ako?

Heller, mukha siyang posteng may malaking dede kung itatabi sa'kin.

At siguro iyon ang dahilan kung bakit itong dalawang bakla ang kasabay ko at hindi iyong dalawang sikat daw na loveteam eh hindi ko naman kilala paano naging sikat iyon?

" Florae Garcia?"

Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko.

Isang kilalang journalist ang nakita kong nakangiti sa'kin.

D*mn, kung nandito ang isang Ms. Sancho ay talaga ngang sikat talaga ang love team na KARAVE!!!

"Hello po Tita Liz," magalang kong bati sa kanya habang nakipagbeso siya sa akin.

Kilala ko siya dahil friend sila ng Mommy ko. Siya lang iyong matinong friend ni Mommy na hindi crush ang Daddy ko.

" I never thought that you're a fan of KARAVE? Di ka naman siguro nakikigulo dito kung hindi ka fan, 'di ba?"

Paano ko ba sasabihin sa kanya na di ko talaga kilala ang KARAVE na pinagsasabi niya  kung hindi ko pa sila aksidenting napasok sa kotse habang naglalampungan?

"Oh, Ms. Sancho. How are you? Buti naman at nakarating ka," bigla ay agaw ni Ms. Trish sa pansin ni Tita Liz.

" Well, kailan ko ba pinapalampas ang bawat events ng KARAVE? Every time it  became crazier out there. Halos magwala na ang mga supporters at fans nila sa labas. Tulad ng inaasahan blockbuster na naman itong movie nila. Congratulations sa  mga alaga mo,"  natatawang sabi ni Tita.

" Thank you Ms. Sancho.Iba talaga ang dating nina Kara at Rave sa mga tao,"  proud na sabi ni Ms. Trish.

Bakit nawala yata si Lolita? Mukhang pinuntahan niya yata iyong mga alaga nila ni Ms. Trish na kasalukuyang pinagkakaguluhan ng mga fans.

" I agree with you. By the way Trish, meet my close friend's daughter Florae Gimenez Garcia,"  pakilala sa'kin ni Tita.

Di ko na tuloy nasabi sa kanyang magkasama kami ni Ms. Trish dahil inunahan niya na ako.

"Garcia? Is she related to the Garcias of Garcia's Empire?" nanlaki ang mga matang tanong ni Ms. Trish kay Tita Liz.

" Actually she's one of them,"  nakangiting sagot ni Tita.

"Oh my gosh!"  napahawak sa dibdib na bulalas ni Ms. Trish.

Di ko siya masisisi dahil talagang may ganoong dating ang apelyido ko sa kahit na sinong nakakakilala sa mga Garcia, namely Don Krino and his brothers especially the kingpin which is Brenon Panlelio Garcia at huwag na nating isali ang Garcias twin na namamayagpag sa middle east dahil sa firearms business ng mga ito.

Daming gulo doon kaya laking kita nina Tito Totz at Tita Titz. Doon ko gusto mag-OJT kung sakali.

Alam kong di ako papayagan ni Daddy kaya hihingi ako ng back-up doon sa twin kong Tito at Tita.

" May problema ba dito?" bigla ay sumingit ang kararating lang na si Lolita kasunod si Rave na matamang nakatitig sa'kin at si Kara na , peste tinaasan ako ang kilay!

THE BLACK SHEEP ('d Garcia's #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon